top of page
Search

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | August 7, 2020




Ang mais o corn.


Kilalang-kilala ang mais dahil bukod sa bigas, ang mais ay numero-unong pagkain ng mga Pinoy.


Hekta-hektaryang lupa sa gitnang Luzon, Kabisayaan at Mindanao ang may pangunahing tanim na mais. Kapag bumiyahe ka sa Central Luzon, makakikita na ang high-way ay may mga mais at maging sa hindi gaanong kalakihang kalsada ay may mais din na nakabilad.


Maraming pakinabang sa mais dahil hindi lang tao ang kumakain nito kundi maging ang mga alagang hayop. Ang mga feeds na nabibili ay may sangkap ding mais, ganundin sa mga manok na panabong – mais ang nakahalo sa kanilang mga pagkain. Sa ganito, may pagkakaiba ang bigas at mais dahil ang mais ay hindi lang para sa pagkain ng tao.


Kung ang pag-uusapan ay tungkol sa herbal medicine, angat ang mais kaysa sa bigas o palay at hindi lang dito kundi maging sa maraming halamang gamot.


Tulad ng mga sumusunod na kakayahan ng mais bilang herbal medicine:

  • Nakakatulong para makontrol ang diabetes. Ipinapayo ng mga dalubhasa na mais ang kainin kaysa kanin para sa mga diabetic.

  • May kakayahan din ang mais na labanan ang hypertension o high blood pressure.

  • Kaya ng mais na pababain ang cholesterol sa katawan ng tao.

  • Ang harina mula sa mais ay sangkap sa maraming produktong pampaganda at ang mismong harina ng mais ay pampaganda ng kutis kapag ipinahid.

  • Kaya rin nitong patayin ang mga mikrobyo na dumapo sa balat ng tao.

  • Panlaban sa anemia.

Narito ang nutritional facts ng mais. Ang isang tasang mais ay nagtataglay ng:

  • Vitamin B1 (Thiamin) 0.225 mg (18.75%)

  • Vitamin B3 (Niacin) 2.566 mg (16.04%)

  • Vitamin B5 (Pantothenic acid) 1.04 mg (20.80%)

  • Vitamin B6 (Pyridoxine) 0.135 mg (10.38%)

  • Vitamin B9 (Folate) 61 µg (15.25%)

  • Vitamin C (Ascorbic acid) 9.9 mg (11.00%)

  • Phosphorus, P 129 mg (18.43%)

  • Carbohydrate 27.12 g (20.86%)

  • Leucine 0.505 g (13.66%)

  • Magnesium, Mg 54 mg (12.86%)

  • Valine 0.268 g (12.69%)

  • Isoleucine 0.187 g (11.18%)

  • Threonine 0.187 g (10.63%)

  • Histidine 0.129 g (10.47%)

  • Manganese, Mn 0.236 mg (10.26%)

DAGDAG-KAALAMAN: Ang pinaglagaan ng buhok ng mais ay panlunas sa hindi maihi, may bato sa kindey at magandang inumin din ito ng mga babaeng hirap sa pagdating ng buwanang-dalaw.

Good luck!

 
 

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | August 5, 2020




Ang talong o eggplant.


Ang talong ay pangkaraniwang gulay at araw-araw, puwede itong mabili sa palengke, kumbaga, parang regular item o product ang talong sa merkado.


Marami ang nag-aakalang hindi naman espesyal ang talong. Ibig sabihin, hindi ito kabilang sa mataaas na klase ng gulay, pero magugulat at mapapa-wow ka dahil mas mahusay ito kung ikukumpara sa mga gulay na ginagamit bilang herbal medicine.


Tingnan mo, ang sakit na anemia, pangkaraniwan lang ba? Siyempre, hindi dahil ang totoo, takot ang mapasasaiyo ‘pag narinig mo pa lang ang salitang anemia.


Sa pagkain ng talong, maiiwasan ang pagkakaroon ng anemia, kaya magandang makasanayan ng lahat ang pagkain nito.


Kapag kulang ang tao sa iron, siya ay magkakasakit ng anemia at madarama niya na madali siyang mapagod kung saan ang dahilan ay ang kakulangan niya sa red blood cells, na siyang nagdadala ng oxygen sa buong katawan.


May isa pang hindi pangkaraniwang sakit na nalulunasan ang pagkain ng talong at ito ay ang paghina ng memorya na ikinokonsiderang mental health problem.


Pero sa pagkain ng talong, lumalakas ang memorya ng tao. Ito ay dahil sa mga phytonutrients na nakukuha rito. Ito ay magreresulta ng mataas na antas ng blood flow o pagdaloy ng dugo sa utak, kaya mas sisigla at lalakas ang utak.


Kitang-kita na ang talong na akala ng marami ay pangkaniwang gulay ay may nakagugulat na medicinal benefits sa atin.


Narito pa ang ilang sakit na nalulunsan ng pagkain ng talong:

  • Gamot sa hindi matunawan

  • Nagpapababa ang cholesterol kaya maganda sa puso ang pagkain ng talong

  • Gamot para labanan ang pagkakaroon ng cancer

  • Tumitibay ang mga buto

  • Nagpapalinaw ng paningin o mga mata

  • Nagpapapayat o laban sa pagtaba

Gayunman, narito ang ilang mga sustansiyang makukuha sa pagkain ng talong:

  • Magnesium

  • Phosphorus

  • Potassium

  • Folate

  • Choline

  • Beta carotene

DAGDAG-KAALAMAN: Kung nakadarama ka ng panghihina ng katawan, katasin ang talong sa juicer at ito ang inumin sa buong maghapon at bago matulog.

Good luck!

 
 

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | August 2, 2020




Ang kamantigue.


Tinatawag din itong balsam, pero mas kilala sa panahon ni Dr. Jose Rizal na “Touch Me Not.”


Marami ang nag-aaral na ang Noli Me Tangere ni Rizal na sa mismong Touch Me Not sa wikang Ingles ay tungkol kay Jesus na nagsabing huwag siyang hawakan dahil hindi pa siya nakakabalik sa kanyang Amang Diyos.


Pero kung ang tatanungin natin ay ang bestfriend ni Rizal na si Dr. D. Blumentritt, ang Noli Me Tangere ay ginamit na salita ni Rizal para sa Cancer ng Lipunan. Kaya lang naman iniligaw ng marami na ito ay tungkol sa salita ni Jesus ay para maiwasan ni Rizal ang maagang pagkakakulong at kamatayan.


Cancer sa lipunan, ayon kay Dr. Blumenttrit ang ibig sabihin ng Noli at si Rizal na isang dalubhasang doktor at espesyalista sa mga sakit sa mata ay sinabing ang Noli rin ay iniuugnay ni Dr. Blumentritt sa kamantigue na ayon kay Rizal, sa kanilang pag-uusap ay isang malaking potensiyal na gamot laban sa eyelids cancer.


Mahirap nang baguhin ang kasaysayan. Gayunman, dahil inakala na rin naman sa kasaysayan ni Rizal at kanyang bestfriend na si Dr. Blumentritt ang nasabing lihim na katotohanan ay ipauubaya na lang natin sa susunod na mga henerasyon—kung ano nga ba ang kaugnayan ni Rizal sa kamantigue, cancer sa eyelids at mismong ibinununyag na katotoohanan ni Dr. Blumentritt.


Hindi sinasabing gamot sa cancer ang kamantigue dahil marami pang karamdaman ang kaya nitong lunasan tulad ng mga sumusunod:

  • Ang dinurog na mga dahon o dinikdik na dahon ay gamot sa nana sa gilid ng daliri.

  • Ang buto o seeds ay inilalaga para hindi gaanong mahirapan sa panganganak ang isang babae.

  • Ibinebenda rin ang mismong dahon sa may sugat sa daliri o sugat sa anumang bahagi ng katawan para mapabilis ang paggaling ng sugat.

  • Ang pinakuluang buto ay mabisang expectorant o pampalabas ng plema sa mga may lung cancer.

  • Ang katas ng mismong halaman ay pangtanggal ng kulugo.

  • Tubig mula sa pinakulaang buong kamantigue plant ay panlunas sa pamamaga, masakit na joints, dysmenorrhea at snake bites.

  • Gamot din ito para sa mga nalason ng poison ivy.

  • Gamot sa lahat ng sakit sa balat ang tubig mula sa pinakuluang kamantigue.

  • Panlaban sa pagka-kalbo. Muling tumutubo ang mga buhok kapag ipinahig sa ulo ang katas ng kamantigue.

DAGDAG KAALAMAN: Touch Me Not din ang pangalan ng kamantigue dahil kapag nahawakan ang hinog na bunga, nagkakaroon ng munting pagsabog kung saan ang mga buto ay magtatalsikan sa paligid.

Good luck!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page