top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Gerard Peter - @Sports | October 22, 2020




Sobrang interesado si unified WBC-IBF welterweight boxing champion Errol Spence Jr. na maipagsama ang kanilang titulo ni WBA 147-pound titlist Manny “Pacman” Pacquiao sa oras na maging matagumpay itong maipagtanggol ang dalawang titulo kay dating two-time division champ Danny Garcia sa Disyembre 5 sa AT&T stadium sa Arlington, Texas sa Estados Unidos.


Tutok sa kanyang paghahanda ang 30-anyos na Long Island, New York-native na si Spence (26-0, 21KOS) laban sa mandatory challenger at dating WBC-WBA title holder na si Garcia (36-2, 21KOs) sa kanyang muhon sa Alamodome, Texas. Ito rin ang unang pagkakataon na babalik sa boxing ring ang undefeated champion matapos ang malagim na aksidente noong Oktubre 10, 2019 sa isang car crash sa Dallas, Texas.


Mahigit isang taon na ring hindi sumasabak ang nag-iisang Filipino eight-division World champion sapol ng mapanalunan nito ang WBA title laban kay Keith Thurman noong Hulyo 20, 2019 sa pamamagitan ng 12-round split decision victory. Higit pang nagpaliban sa mga laban ni Pacquiao (62-7-2, 39KOs) ay ang pagkakaroon ng pandemya sa buong mundo dulot ng novel coronavirus disease (Covid-19).


Ayaw mangyari ng dating 3-time US National welterweight champion na mawalan ng tsansa na hindi sila magkadaupang kamao ng Filipino boxing legend, na napabalitaang muling aakyat ng boxing ring laban kay one-time boxing fighter at dating UFC two-division champ Conor “The Notorious” McGregor sa susunod na taon.


Kung mabibigyan lamang umano ng pagkakataon ay nais nitong makalaban ang Fighting Senator sa first half ng darating na taon. “After this fight, of course I would like to fight Manny Pacquiao. He's on his way out so I'd love to have that fight. He's a living legend, and I've never fought someone of that caliber. He's big and not just a boxing star, he's an icon, a mega-star. That would be different, and it would send me somewhere else popularity wise,” pahayag ni Spence sa panayam ng The Sun. “Pacquiao has been in the sport 20-something years, he's an icon even outside the sport. Everybody knows who Manny Pacquiao is. That would be a great fight for me.”


Hindi naman masisi ni Spence na sa tagal ng panahon na nakikipagsagupa sa ibabaw ng ring ang 41-anyos mula General Santos City, may karapatan itong pumili ng isang laban na mas ligtas at may tumataginting na pay check gaya ng kay McGregor. “I don't blame him, Manny Pacquiao earned that right. He's earned his right to make his money and fight whoever he wants to fight, because he fought whoever was lined up to fight him,” wika ni Spence. “I'm not mad at it at all, if I was 40-something and was offered that kind of money to fight Conor McGregor, I'd take the fight too, I don't blame him.”

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | October 22, 2020




Nagdesisyon ang panig ni four-time Southeast Asian Games gold medalist Kiyomi Watanabe na ipagpaliban muna ang paglahok sa mga pandaigdigang torneo na may malaking tsansa na makatulong upang mas pataasin pa ang posisyon nito sa World ranking, kasunod ng trahedyang tumama sa kanilang kapamilya na dulot ng novel coronavirus disease (Covid-19).


Inamin ng ina ng Filipino-Japanese judoka na si Irene Watanabe na nasawi ang dalawang mahal sa buhay sa Hungary, Budapest bilang mga frontliner, dahilan upang magpasya ang pamilya nito, gayundin ang sponsor niyang Toyota ADVICS na huwag muna palahukin sa IJF World Tour, partikular na sa darating na Budapest Grand Slam sa Hungary simula Oct. 23-25 at Zagreb Grand Prix sa Croatia ang 24-anyos na lady judoka champion, habang kinansela naman ng Japan ang Tokyo GP sa Disyembre.


Ayaw muna namin, the same as dun sa sponsor niya (Toyota ADVICS), kase namatay ang tita at tito ko na doctor at nurse sa Budapest dahil sa Covid kaya may phobia pa kami, kaya ayaw naming sumugal. Titingnan na lang namin depende sa panahon at sitwasyon sa mga darating na tournaments,” pahayag ni Irene Watanabe sa panayam ng Bulgar Sports sa online na tawag.


Ayaw namin mag-gamble. Buhay ang nakataya rito. Mag-entry na lang kami kapag safety na, tsaka wala naman kaming narinig na tulong galing sa PJF (Philippine Judo Federation), wala namang insurance ang mga athletes’ Mag-entry lang sila pero ‘di naman nila minomonitor,” dagdag nito.


Inihayag din ng Talisay, Cebu-native na sakaling magpatuloy ang hindi magandang sitwasyon sa mga pandaigdigang torneo dahil sa Covid-19, mapipilitan silang hindi na ipuwersa ang direct qualifying slot sa 2021 Summer Olympic Games na nakatakda simula sa Hulyo 23-Agosto 8 sa Tokyo, Japan. Sa kasalukuyan, pinanghahawakan ng 2018 Jakarta-Palembang Asian Games silver medalist ang Continental Quota (CQ) para sa Asya, habang nakaposisyon ito sa ika-36th spot sa individual Olympic rankings ayon sa website ng International Judo Federation (IJF).


Nasabi na namin ang posisyon namin kay CDM Araneta (Mariano “Nonong” Araneta) na panghahawakan ni Kiyomi ang CQ entry niya as long na kaya niya. Pero susubukan namin sumali sa mga iba pang tournaments para ma-maintain yung position niya,” saad ni Mrs. Watanabe. “Sinabi ko rin kay sir Nonong last meeting na wala na kaming plano na mag-direct qualifying, basta ready and well-prepare for Olympics at higit sa lahat walang injuries,” ayon sa ina, kung saan nagkaroon dati ng elbow injury ang Waseda University standout na nakuha sa isang torneo sa Grand Prix.


Dahil sa desisyon ng kampo ng All-Japan College University Championship champion, maaaring maapektuhan ang kampanya ng magkapatid na Shugen at Keisei Nakano na naghahabol pa ng puntos upang makapagkwalipika sa quadrennial meet.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | October 21, 2020




Matapos ang mga pagpapaliban at paghihigpit sa mga pampalakasan sa buong mundo, higit na sa larangan ng mixed martial arts na dulot ng novel coronavirus disease (Covid-19) pandemic, muling bubuksan ang daan para kay dating two-time ONE Lightweight champion Eduard “Landslide” Folayang na muling simulan ang kanyang unang hakbang patungo sa pag-aasam na mabawi ang kanyang nawalang titulo.


Isang malaking panalo sa lupain ng bansang Singapore ang susubukang makamit ng beteranong MMA fighter mula Baguio City laban sa mas batang Australian fighter na si Antonio “The Spartan” Caruso sa ONE Championship: Inside the Matrix na gaganapin sa Oktubre 30 sa fan-less Singapore Indoor Stadium.


Napaka-importante ng laban na ito, na palaging sa Singapore lahat nag-start, lahat ng quest ko for ONE Championship belt nag-start sa Singapore,” pahayag ng 35-anyos na fighter, kahapon ng umaga sa linguhang PSA Forum sa virtual online session, hinggil sa pagkamit niya ng parehong titulo noong 2016 at 2018 fights. “Napaka-importante nito kase gusto pa rin natin ulit na makuha for the 3rd time, and it always start from Singapore kase dun tayo mas nagiging magandayung performance natin. Importante ito not only for me at siyempre sa team ko at country ko sa Pilipinas,” dagdag ni Folayang na nagsimulang sumabak sa MMA noong 2007 at lumaban sa ONE stable noong 2011 sa Singapore.


Sa pitong laban ng dating 2006 Doha Asian Games silver medalist sa Singapore sapol pa noong 2010 mula sa paglahok sa Martial Combat Fighting Championship hanggang ONE Championship, anim na panalo ang napagwagian nito, kabilang na ang pagwawagi ng Lightweight title laban kay Japanese Shinya “Tobikan Judan” Aoki sa pamamagitan ng 3rd round technical knockout.


Dito rin nagsimula ang ikalawang paghahanap niya sa titulo sa panalo kay Kharun Atlangeriev noong May 18, 2018 sa unanimous decision win sa ONE: Unstoppable Dreams.


Tanging ang panalo lamang nito ay kay Amarsanaa Tsogookhuu ng Mongolia dahil sa technical decision ng magkaroon ng malaking cut si Folayang dulot ng unintentional headbutt.


The big key is in him. Kailangan ma-execute ang game plan. Ito yung magbibigay ng chance para makabalik sa lightweight championship,” wika ni founder at head coach ng Team Lakay na si Mark Sangiao. “Naging mahaba ang preparation namin simula pa noong March. Kahit na pandemic tuloy ang training niya. We still believe na always seeing him yung fire during sa training na there’s a big chance to get that championship again,” dagdag ni Sangiao na siya ring tumatayong coach ng Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP).

 
 
RECOMMENDED
bottom of page