top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Gerard Peter - @Sports | November 24, 2020




Kasunod ng muling pagkakabilang ng bagong sports ng kabataan na Electronic Sports (E-Sports) sa ikalawang sunod na pagkakataon sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam simula Nobyembre 21-Disyembre 2, makaka-asa ang Pilipinas na pipilitin ng bubuuing national team na maipagtanggol ang kampeonato sa susunod na edisyon.


Lubos ang kaligayahang nararamdaman ng pamunuan ng Philippine Electronic Sports Organization (PESO) sa pagbibigay ng basbas sa kanilang pampalakasan na maisama sa listahan ng 40 sports sa Vietnam Games. Hindi nabigo ang kanilang grupo na muling makabalik sa biennial meet matapos mag-debut noong 2019 SEAG sa bansa, kung saan nakopo nito ang 3 gold at tig-isang silver at bronze medals para makamit ang overall title.


Nitong nagdaang linggo sa ginanap na Southeast Asian Games Federation (SEAGF) Council meeting sa pamamagitan ng online virtual ay pormal ng nakasama ang E-Sports, kabilang ang Triathlon, Tenpin Bowling at Jiujitsu sa 36 sports iba pa, habang pag-uusapan pa kung maisasama ang Indoor Hockey at Water Polo sa Vietnam meet.


Aminado si PESO interim secretary-general Joebert Yu na malaking tulong ang ginawa ng counterpart nilang Vietnam Recreational and Electronic Sports Association (VIRESA) para kumbinsihin ang Vietnam Organizing Committee, katulong ang pagsang-ayon ng 10 miyembrong bansa para muling maibalik ang E-Sports sa regional multi-sport event.


On behalf of PESO, we would like to thank the Vietnam SEA Games Organizing Committee and the whole SEAGF members for deciding to include electronic sports as one of the official (40) forty sports that will be competed at the 31st Southeast Asian (SEA) Games hosted by Vietnam next year on November 21 to December 2,” pahayag ni Yu sa panayam ng Bulgar sa online interview. “With PESO, together with the guidance of the Philippine Olympic Committee (POC), we will make sure that the Philippines will field in the best possible players / teams that will compete against other SEA nations and help defend its overall SEA Games championship,” dagdag ni Yu, na siya ring pinuno ng E-Sports National Association of the Philippines (ESNAP).

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | November 20, 2020




'Ika nga ng isang kasabihan, walang hirap, walang sarap – ito ang tila pinagdaraanan ngayon ni 2021 Tokyo Olympics-bound Eumir Felix Marcial sa kanyang ginagawang pagsasanay sa ilalim ni legendary Hall of Fame coach Freddie Roach sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California sa U.S. upang matupad ang pinapangarap na mailap na gold medal ng Pilipinas sa Olympics.


Bukod sa sakit ng katawan na tinatanggap sa paghahanda para sa Summer Games at posibleng unang professional fight sa Disyembre, dama rin ng 25-anyos mula Lunzuran, Zamboanga City ang bigat ng kalooban sa pagpanaw ng kanyang nakatatandang kapatid na si Eliver.


Masakit man na di ko siya makita kahit na sa huling pagkakataon, mas pinili ko pa rin na magstay ako dito at matuloy-tuloy ko yung ensayo ko. Alam ko yung kapatid ko mas masaya sa akin dahil pangarap din niyang manalo ako ng Gold sa Olympics, mag-World champion ako. Mas pinili ko yung bugbugan sa training hanggang sa Olympics, mga sakripisyo na kailangan gawin ngayon,” pahayag ni Marcial, kahapon ng umaga, sa lingguhang TOPS: Usapang Sports na live hatid ng PSC, GAB at Pagcor na napanood sa Sports on Air. “Sobra talaga sakit ng katawan ko sa training dito, kase nung unang pagdating ko dito, halos mamatay-matay ako sa training nila eh, parang pagtapos ng training ang sakit ng katawan ko, tapos derecho na tulog ko. Sa tuwing gigising ako nagrequest akong magpamassage kase sobrang sakit ng katawan ko,” dagdag nito.


Lumipad patungong Los Angeles ang 2019 World Amateur silver medalist noong nakalipas na buwan upang harapin ang matinding pagsasanay kina Hall of Fame coach Freddie Roach, strength and conditioning coach Justin Fortune at Filipino protégé trainer Marvin Somodio, bilang tulong ng MP Promotions nina president Sean Gibbons at eight-division World Champion Manny “Pacman” Pacquiao sa kanyang paghahanda para sa Summer Games sa susunod na taon na nakatakda simula Hulyo 23-Agosto 8 sa Tokyo, Japan.


Nilinaw ng 3-time Southeast Asian Games gold medalist na patuloy na nakatuon ang atensyon nito, kabilang ang kanilang kampo sa Olympiad. Bagkus, ay sinabi nitong sinusunod pa rin niya ang mga amateur program na ipinapadala ni men’s boxing head coach Ronald Chavez, gayundin ang tuloy-tuloy na tulong ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa kanilang pamilya. Gayunman, humingi pa rin ito ng karagdagang suporta sa Philippine Sports Commission (PSC) sa kanyang mga gastusin at pangangailangan sa kanyang page-ensayo.


Nakikiusap naman si sir Sean sa mga gastusin at pambayad kay coach Freddie, alam naman natin na Hall of Famer yun, kaya pang-Hall of Famer din ang bayad sa kanya,” pangiting wika ni Marcial. “Sana suportahan nila ako. Nag-pro ako still Olympics pa rin ang preparation ko. Yun lang nilalagay ko sa isip. Hinihiling ko sa gusto mag-support. Kung ano yung maibabalik ko sa Olympics,” paliwanag ni Marcial.


Ayon naman umano kay PSC executive director Atty. Guillermo Iroy, nasa proseso na umano ang pagsasa-ayos ng pondo para kay Marcial at magbabase sila ng kanilang tulong sa kontrata nito sa MP promotions.


Next week may Board Meeting, last Board positive naman. The Board need only to have the proper endorsement by ABAP and humingi ang Board ng copy ng contract of Marcial to determine the extent of support of PSC to avoid technicality,” eksplika ni Iroy sa panayam ng Bulgar sa online interview. “We have a procedure already in place, so we will ensure govt compliance.”


Siniguro ng 2020 Asia & Oceania Boxing Olympic Qualifying gold medalist na paghuhusayan niya ang kanyang preparasyon upang matulungan ang bansa na matuldukan na ang pagkagutom sa gintong medalya sa quadrennial meet. “Yung chance natin sobrang laki kase nagte-training tayo ng maayos. Lahat naman malaki ang chance. Ang hirap lang talaga makuha yung gold sa Olympics pero gagawin ko yung best ko sa training ko sa Olympics,” saad ni Marcial na tiyak na mapapalaban ng todo sa mga World class amateur boxers gaya nina World No.1 Gleb Bakashi ng Russia, 2016 Rio Olympics middleweight champion Arlen Lopez ng Cuba; ang tinalo nito sa semifinals ng 2019 World na si Tursynbay Kulakhmet ng Kazakhstan; Herbert Da Conceicao Sousa ng Brazil, Rio silver winner Bektemir Melikuziev ng Uzbekistan, Salvatorre Cavallaro ng Italy at 2020 OQT silver medalist Abilkhan Amankul ng Kazakhstan.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | November 19, 2020



Tatlong gintong medalya ang binuhat ni national team junior weightlifter member Vanessa Sarno sa katatapos lang na IWF Online Youth World Cup upang makamit ang kanyang kauna-unahang medalya sa paglahok sa online competition.


Binitbit ng 17-anyos na Tagbilaran City, Bohol-native ang mga gintong medalya sa snatch (93), clean and jerk (118) at ang kabuuang puntos na 211 upang mapagwagian ang women’s 71kgs category.


Nakamit naman ni Nigora Suvonova ng Uzbekistan ang tatlong silver medals sa snatch (91), clean and jerk (117) na may total na 208, habang napunta rin lahat ng bronze medals kay Nancy Genzel Abouke ng Nauru na may 90 sa snatch, 110 sa clean at jerk at 200 total lifts.


Grabe po sobrang hirap po kasi biglaan po yung pagkasabi na may laro kami, tapos hindi pa talaga ako fully recovered nu'ng sinabi na may laro kami. Tapos di ko pa po talaga nakukuha yung mga buhat ko dati sa training,” pahayag ni Sarno sa panayam ng Bulgar Sports sa online interview. “Ang dami pong struggles na kinaharap namin. Two months and half lang po talaga yung training ko. Nung palapit na po yung laro namin dito na po ako natutulog sa bahay ng coach namin kasi nasa labas lang ng bahay nila ang gym and sobrang thankful ako sa mga team mates ko na sina Rhea Magparo, Jullia Ouano at Daisy Mae Zerna na sinasamahan nila ako lage sa pag training ng madaling araw,” dagdag ng grade 10 student-athlete sa BIT-International College.


Bago nagsimula ang laban ay bahagyang nag-alinlangan ang Boholano weightlifter ng makita niya ang entry ng Uzbek weightlifter na 215 kumpara sa kanyang 210 na entry lamang. Ngunit hindi nawalan ng loob si Sarno, bagkus ay lalo pa siyang naging determinado na makamit ang kanyang unang gintong medalya sa online competition.


Kasi po sa start list po na nakita ko ay fight for second lang ako kasi 215kgs po yung total na nakalagay sa Uzbekistan tapos yung akin po ay 210 po. Ayoko lang po talaga muna magbitaw ng mga salita na makukuha ko yung gold kasi hindi pa po natin alam kung anong mangyare sa laro po,” paliwanag ni Sarno , na ginagabayan ni national coach Nicholas Jaluag.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page