top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Gerard Peter - @Sports | December 19, 2020





Hindi hahayaan ng Games and Amusement Board (GAB) na magiging maluwag ito sa pagpapatupad ng kanilang alituntunin at mandato kahit pa man nalalapit na ang pagdating ng vaccine para sa novel coronavirus disease (Covdi-19).


Nais maniguro ni GAB chairman Abraham “Baham” Mitra na patuloy ang kanilang ahensya sa pagbabantay at pagpapatupad ng mahigpit na health guidelines at safety protocols sa lahat ng stakeholders nito sa professional sports.


By next year even though the vaccine is coming, we should not be relax. Wag tayong magpapabaya. Baka kung kelan OK na at parating na ‘yung vaccine eh lalo tayong magkakaproblema,” pahayag ni Mitra, Huwebes sa lingguhang TOPS: Usapang Sports webcast via Sports on Air sa Facebook page.


Patuloy na pinaalalahanan ng dating Palawan governor ang lahat ng sakop nito na maging mapagbantay at sumunod palagi sa mga inilabas na safety guidelines at protocols ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID), kung saan malaki umano ang pasasalamat ng ahensya sa pagbuo ng Joint Administrative Order (JAO), katulong ang Philippine Sports Commission at Department of Health (DOH) na payagan na muling ipagpatuloy ang pagsasagawa ng pampalakasan sa gitna ng pandemya, higit na sa mga manlalarong kumukuha lamang ng ikabubuhay sa mundo ng pampalakasaan.


Let’s please continue to be vigilant and let’s look after on the health and safety of our stakeholders,” wika ni Mitra. “We don’t want the sports to be the source of the problem.”


Inihayag din ni Mitra na dahil sa maayos na pagpapatakbo ng ahensiya ng gobyerno sa panahon ng pandemya, tila napansin ang maganda nitong ginagawa, kung kaya’t nabigyan ng 30% increase ang kanilang pondo sa Senate Committee on Sports mula sa panulak ni Sen. Christopher “Bong” Go.


Nakita siguro nila na despite the pandemic, we adopt, nag-innovate ang GAB kaya nakikita nila in the future na baka maraming maitutulong,” saad ng dating 2nd district ng Palawan. “It’s pandemic time, ang hirap ng sitwasyon and nag-adopt tayo, even there is pandemic and there are few sports activities present, lalong dapat gumawa ng paraan na gumawa ng summit,” wika ni Mitra sa matagumpay na pagsasagawa ng 2nd Philippine Professional Sports Summit makalipas ang dalawang linggo.


We are very thankful and grateful sa IATF for the resumption of professional sports, hanap buhay ito eh. Maraming naging challenges, but big help and big step forward ang JAO in resumption of sports,” sabi ni Mitra. “Learning experience namin baka medyo ma-perfect na namin mga stakeholders yan. Mabuti na yung careful tayo. It’s just a fair reminder to everybody na we have to look out for each other. Kapag nagkaproblema sa isang pro-league damay na ang lahat.”


Umaasa si Mitra, na kahit pa man marami pa ring pagbabawal sa larangan ng sports, lalo na sa hindi pa rin pagpapahintulot ng mga fans at pagsasagawa ng mga sports events at tournament sa Metro Manila, kasunod ng General Community Quarantine (GCQ) rito, positibo pa rin itong magiging maganda ang pasok ng pampalakasan sa bansa, higit na sa professional sports dahil sa mga pagpasok ng ilang pampalakasan sa propesyunal na liga. “We’re very excited and we’re looking forward to see things coming in 2021.”

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | December 18, 2020





Agad na nagpakitang gilas si Filipino middleweight boxing prospect Eumir Felix Marcial nang kanyang dominahin ang American boxer na si Andrew Whitfield, Miyerkules ng gabi (Huwebes ng umaga sa Pilipinas) sa Shrine Exposition Center sa Los Angeles, California sa U.S. upang makuha ang kauna-unahang professional fight sa labas ng bansa.


Pinamaga ng 25-anyos na Lunzuran, Zamboanga City-native ang kanang mata ng 29-anyos mula Lewiston, Idaho at ipamalas ang malalakas na suntok sa pakikipagsabayan kay Whitfield (3-2, 1KOs) sa loob ng 4-round middleweight bout. Nakamit ng 2021 Tokyo Olympics-bound ang iskor na 40-36 sa mga hurado para sa unanimous decision upang makamit ang 1-0 rekord na bumitaw ng 310 punches para sa 120 na kumunekta rito habang ang kalaban ay mayroon lamang 46 punches sa may 273 na binitawan nito.


Naging magandang handog para sa 2019 AIBA World Championships silver medalist ang panalo sa kanyang boxing promoter na si eight-division world champion at World Boxing Association (WBA) welterweight champion Sen. Manny “Pacman” Pacquiao na nagdiriwang ng kanyang ika-43rd na kaarawan kahapon, Huwebes.


Ito ang maaari sa iba pang pro-fight ni Marcial bago magbukas ang kanyang daan patungong Summer Olympic Games na nakatakdang magbukas simula Hulyo 23-Agosto 8. Matinding preparasyon at paghahanda ang ginagawa ni Marcial sa unang pagsalang nito sa pro-boxing matapos ang matitinding strength at conditioning, gayundin ang pagsabak sa mabibigat na sparring sessions sa ilang eksperyensyadong boxers sa sikat na Wild Card Gym sa Los Angeles.


Pinutol din ni Marcial ang 2-fight winning streak ni Whitfield nang talunin sina Adam Smith at Thomas Turner.


Matatandaang pumirma ng 6-year contract si Marcial sa MP promotions ni Pacquiao nitong Hulyo ng taon upang matulungan siya sa kanyang paghahanda sa Summer Games. Nais ni Marcial na matupad ang pangarap ng kanyang ama at ng pumanaw na kapatid na mapanalunan nito ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympiad. Naniniwala itong malaking tulong ang maibibigay ng kanyang pagsasanay sa ibang bansa, higit na kina Roach at sa Wild Card Gym.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | December 17, 2020





Posible pa ring hindi papayagang makapagdaos ng anumang uri ng sports sa Metro Manila o mga lugar na sakop ng General Community Quarantine (GCQ) sa 2021.


Kasunod ito ng plano ng bagong professional league na Premier Volleyball League (PVL) na magbubukas sa unang quarter ng taon sa loob ng NCR, na saka-sakaling mapasailalim pa rin ng GCQ ang kalakhang Maynila, kinakailangang gawin ang anumang torneo o kompetisyon sa mga lugar na sakop lamang ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) tulad ng Laguna, Bulacan o Angeles City sa Pampanga, kung saan idinaos ang matagumpay na PBA Bubble sa Angeles University Foundation (AUF).


Initially kase they wanted to play in Manila. We informed them that its still GCQ, and its not going to happen. I know Sir Ricky (Palou) is very innovative. We don’t want to rock the boat, kase kapag pinayagan 'yan lahat na ng leagues papayagan na,” wika ni GAB chairman Abraham 'Baham' Mitra, Martes ng umaga sa lingguhang PSA Forum webcast.


I don’t want to go ahead of the IATF (Inter-Agency Task Force), but I liked to say that, but I guess we will not allowing any professional sports competitions, tournaments, upon instructions of the IATF within GCQ areas, which is the Metro Manila, So if they want they can go to Laguna, go to Bulacan, or Angeles (Pampanga),” dagdag ni Mitra.


Pinaalalahanan ng 50-anyos na tubong Palawan na marapat lamang na patuloy na mag-ingat ang lahat ng stakeholders nito upang maiwasan ang hindi inaasahang hawahan sa sports, partikular na sa professional sports.“Mahirap na. we don’t want a second wave and we don’t want the sports to be the cause of this (Covid), specially sa professional sports,” esplika ni Mitra.


Aminado siya na hindi prayoridad ang kanilang ahensya ng pamahalaan dahil nakatuon una ang atensyon ng bansa sa ibang mga sektor, pangunahin ang mga lumalaban sa naturang sakit o mga frontliners, gayundin ang mahihirap na kababayan.


Inilahad din ng kalihim na iaangat na ang bilang ng mga partisipante sa isang palaro o ang mga tao sa loob ng isinasagawang sports event sa 2021 ngunit nilinaw nitong mananatili pa ring sarado sa manonood at tagahanga ang mga palaro. Patuloy na nakikipag-ugnayang mabuti ang kanilang ahensya sa Department of Health, Department of Social Welfare and Development at sa Philippine Sports Commission hinggil sa mga mga karagdagang panuntunan.


Aniya, maraming events na maaring buksan sa 2021, kabilang anginternational MMA sa 2nd quarter, bagong professional basketball league, beach volleyball at pingpong (table tennis). “Looking for 2021 as banner year. May gigil at pananabik. Aangat tayo sa 2021.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page