top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Gerard Peter - @Sports | January 3, 2021





Marso, 2020 nagsimula na ang malawakang banta ng COVID-19 disease sa buong mundo na sumidhi sa matinding pagkabahala at takot higit na sa larangan ng pampalakasan. Gayunpaman, may ilan pa ring mga torneo ang itinakda sa bansa gaya ng 2020 Badminton Asia Team Championship sa Rizal Memorial Coliseum, Philippine Super Liga Grand Prix at pagbubukas ng second semester ng UAAP, gayundin ang ilang mga kompetisyong nilahukan ng national athletes.


Noong Marso 11 inanunsyo ng NBA ang suspensiyon ng 2019-2020 season kasunod ng pagtama ng Covid-19 kay Utah Jazz center Rudy Gobert ng France. Ito na marahil ang pinakamalaking interapsyon sa kasaysayan ng NBA sapol noong 2011 NBA Lockout. Maraming sports events mula sa amateur ar professional sports ang nagdesisyong suspensyunin, ipagpaliban, ilipat o kanselahin ng tuluyan ang mga kompetisyon tulad ng US NCAA tournaments, MLB, 2020 INDYCAR Series season, motorsport leagues, High School at College winter and spring sports events, Little league at iba pang football leagues, Tennis, X-Games, NFL Draft, NASCAR, WWE, XFL, PGA Tour, UFC, NHL seasons, Little League World Series, Minor Leagues at iba pang wrestling at MMA events sa buong mundo. Sa Pilipinas ay sinimulan na ring ipatigil ang mga laro ng PBA, UAAP, NCAA, PSL at lahat ng mga lokal na kompetisyon.


Isa sa mga mabibigat na naunsyami sa panahon ng pandemya ay ang 2020 Tokyo Olympics – inanunsyo ng International Olympic Committee (IOC) at Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang pagpapaliban ng quadrennial meet dahil sa Covid-19 at pagtaas ng kaso nito sa buong mundo.


Naisingit muna ng Pinoy boxers na sina Eumir Felix Marcial at Irish Magno ang mga kani-kanilang ticket sa Summer Olympic Games mula sa Asia-Oceania Boxing Qualification Tournament sa Jordan. Nagwagi ng gold medal si Marcial sa men’s middleweight division, habang naitakas ni Magno ang ticket sa Tokyo nang manaig laban kay Sumaiya Qosimova ng Tajikistan via unanimous decision sa women’s under-51kgs flyweight division box-off. Nabigo sina 2019 AIBA world champion Nesthy Petecio, Riza Pasuit, James Palicte, Carlo Paalam at Ian Clark Bautista.


Tuluyan ng sinuspinde ang UAAP season 82 at iba pang lokal na kompetisyon. Naudlot angpagtatapat nina WBO bantamweight champ Johnriel Casimero at undefeated Japanese slugger at unified IBF/WBA/The Ring champion Naoya Inoue nung Abril 25 sa Mandalay Events sa Las Vegas, Nevada.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | January 2, 2021





Sa pagsisimula ng bagong taon, panibagong yugto ang sisimulan ng Philippine national team sa paghahanda nito para sa pinakamalaki at prestihiyosong kompetisyon na Summer Olympic Games na nakatakdang buksan sa Hulyo sa Tokyo, Japan.


Kasalukuyang mayroon ng siguradong apat na national athletes ang pasok na sa 2021 Tokyo Olympics sa katauhan nina Ernest “EJ”” Obiena ng men’s pole vault, Caloy Yulo ng men’s Rhythmic gymnastics at boxers Eumir Felix Marcial ng men’s middleweight at Irish Magno ng women’s flyweight, habang kinakailangan na lang ng isang huling torneo ni 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ng women’s weightlifting upang tuluyan na itong makapasok sa Olympiad, samantalang napapanatili pa rin ni 4-time Southeast Asian Games judo women’s half-middleweight champion Kiyomi Watanabe ang Continental Quota nito sa Olympic rankings.


Naging matumal ang pagpasok ng mga atleta sa quadrennial meet dahil sa pagkalat ng pandemya sa nagdaang 2020 na nagpatigil sa lahat ng Olympic Qualifying Tournaments sa iba’t ibang panig ng mundo. Umasa si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez na aabot pa sa 15 o mahigit pang mga national athletes ang makakakuha ng ticket sa Summer Games.


Ilan sa mga inaasahan pa niyang makatatawid sa Tokyo Olympics ay sina 2019 AIBA Women's World Boxing Champion Nesthy Petecio, Fil-American tracksters Kristina Knott, Eric Cray, karatekas Junaa Tsukii, Jamie Lim at Joanne Orbon, Taekwondo jins Pauline Lopez, Arven Alcantara, Kurt Barbosa at Olympian Kirstie Alora, boxers at Olympians Rogen Ladon at Charly Suarez, SEAG medalists Ian Clark Bautista, at Carlo Paalam, gayundin si 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal ng skateboarding at mga national swimmers, athletics, cyclists, wrestlers Fencers, rowing at canoe-kayak, at marami pang iba.If we can get at least 15 athletes marching for us in the Olympics that will be a very good number. I think we have a very good chance to win a medal,” pahayag ni Ramirez.


Pinaghahandaan din ngayong taon ng Pambansang Koponan ang iba pang malalaking kompetisyon tulad ng Paralympic Games, ASEAN Para Games, 31st SEAG, Asian Indoor and Martial Arts Games, Asian Games, Asian Beach Games, at World Games.


Matatandaang malaki ang suportang nakuha ng ahensya ng pampalakasan mula sa Kongreso at Senado para sa pondong ilalaan sa mga naturang kumpetisyon, kung saan naaprobahan ang mahigit sa P900 milyon para sa paglahok sa mga ito, ang pinakamalaking pondong matatanggap ng PSC sapol ng itatag ito nung 1990, na malaking bagay upang palawigin at palakasin ang grassroots program ng ahensya.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | December 31, 2020





Muli na namang hindi maidedepensa ni undefeated Russian boxer Arthur Asilbekovich Beterbiev ang kanyang World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) light-heavyweight laban kay German Adam Deines matapos itong tamaan ng mapaminsalang novel coronavirus disease (Covid-19).


Nakatakda sanang itaya ng 35-anyos mula Montreal-based, Khasavyurt, Russia-native na si Beterbiev (15-0, 15KOs) ang kanyang unified 175-pound titles kay Deines (19-1-1, 10KOs) sa Enero 30 sa VTB Arena sa Moscow susunod na taon, ngunit biglang nagpositibo sa coronavirus ang dating amateur world champion.


Itinakda na ang unang pagtatapat para sa titulo sina Beterbiev at Deines noong Oktubre 23, 2020 sa Moscow, ngunit nagkaroon naman ng rib injury sa training camp ang una na naging dahilan upang ipagpaliban ang kanilang paghaharap at gawin na lamang sa Enero ng pumalyang itulak ito sa Disyembre.


Unfortunately, I got coronavirus,” pag-anunsyo ni Beterbiev sa kanyang social media nitong nakalipas na Lunes. “Therefore, my fight with Adam Deines scheduled for January 30 is postponed for a later date.”


Kinumpirma mula sa press release ng promoter nitong Top Rank Promotions ni Bob Arum, pinaplano pa kung kailan maililipat ng salpukan ng dalawang boksinero.


Mahigit isang taon nang huling beses na sumalang sa ibabaw ng boxing ring ang dating 2008 Olympian at reigning light-heavyweight king ng ipagtanggol niya ang kanyang IBF title at makuha ang WBC belt kay dating undefeated Ukrainian boxer Oleksandr Gvozdyk via 10th round knockout noong Oktubre 18, 2019 sa Liacouras Center, sa Philadelphia, Pennsylvania. Sa laban ding iyon ay kinilala si Beterbiev bilang tunay na kampeon ng 175-pounds.


Subalit, ang mga planong paghaharap ng Russian at Chinese boxers ay naudlot matapos abutan ang mga ito ng Covid-19 pandemic, at muling nailipat sa Moscow sa Setyembre 25. Gayunpaman, hindi nagawang tanggapin ni Fanlong ang laban dahil sa travel restrictions na nagbigay daan kay Deines para maging bagong challenger. “I will try to recover as soon as possible and return to training,” wika ni Beterbiev. “I hope for your understanding and support.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page