top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Gerard Peter - @Sports | January 29, 2021




Plano pang mas palawakin ang kaalaman ng mga Filipino hinggil sa bagong pampalakasan na sinusubukang ipakilala sa madla na may kaparehong istilo ng laro sa sport na maituturing na nangunguna sa bansa, ang basketball.


Isang laro na may pagkakatulad sa basketball at netball, ang larong Korfball ay naitatag sa bansa noong 2007 sa mga miyembrong binubuo ng mga estudyante at faculty members mula sa Institute of Physical Education and Athletics (IPEA) sa University of Santo Tomas.


Umaasa si Philippine Korfball Federation (PKF) President Asst. Prof. Rodrigo Sambuang Jr. na mapapabilang ang kanilang pampalakasan sa mga listahan ng national sports association (NSAs) sa bansa at makakakuha ng pagkilala sa Philippine Olympic Committee (POC) at sa Philippine Sports Commission (PSC) upang mas makatulong ito para mas palawakin at makilala ng husto ng mga Filipino ang kanilang pampalakasan.


We’re trying to look for some support na sana maging under ang Korfball ng NSA which is our first step to be recognized first by the POC and PSC,” wika ni Sambuang, kahapon ng umaga sa TOPS: Usapang Sports Live on Sports on Air webcast. “Usually our founding comes from our own pocket. Tulong tulong muna kami to produce some budget to compete abroad, kaya we’re are currently looking for support and sponsors to fund our competitions abroad once na matapos na ‘yung pandemic,” dagdag ng sports official at professor sa UST sa porgramang suportado ng PSC, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Games and Amusement Board (GAB).


Kasalukuyang nasa malayong posisyon na 45th sa buong mundo ang Pilipinas, na patuloy na pinamumunuan ng World No.1 Netherlands, kasama ang Belgium, Chinese Taipei, China, Germany at Portugal, habang ang kapitbahay nating Southeast Asian Games countries na Thailand Indonesia at Malaysia ay nasa ika-35th, 36th at 44th place, ayon sa pagkakasunod.


Bukod sa pagnanais na maging parte ng NSA, plano ring maitulak ng PKF, na opisyal na kinikilala ng pandaigdigang samahan nito na International Korfball Federation (IKF), ang makapasok sa UAAP, na nagsimula na bilang PE curriculum sa UST, gayundin ang pagpapakilala sa mga kolehiyo at unibersidad gaya ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), Technological Institute of the Philippines (TIP), Philippine Normal University at mga lugar gaya ng Cavite, Quezon City at Zamboanga, habang nakapila na ring ilatag ito sa mga elementary at high schools bilang parte ng grassroots program sa oras na mawala na ang pandemic.


Bukas din sila sa posibilidad na makakuha ng mga atleta sa basketball, volleyball at football players na likas ng may talent, skills at tangkad na kinakailangan sa kanilang sports. Malaki rin umano ang tsansa na maging demonstration sport ang Korfball sa 33rd SEA Games sa Thailand na patuloy na itinutulak ng pinuno ng Korfball Association of Thailand na si Assoc. Prof. Dr. Supranee Kwaboonchan, kung saan inaasahang lalahok dito ang Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Singapore, Vietnam, at host country na Thailand.


We’re hoping na sana ma-include siya sa UAAP and I think we need to form 3-4 schools to start a demo. We’re in talks with different athletic directors sa mga university,” saad ni Sambuang, na tumatayo ring Athletic Moderator ng IPEA-UST. “With regards naman sa pag-push sa SEA Games ay very aggressive ang Thailand na mapasama bilang demo sport ito sa kanilang hosting sa SEA Games.”

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | January 28, 2021




Pagpapatunay o Pagtatama? Pagpapanatili o Pagbabalik? Ito ang mga salitang kailangang hanapan ng solusyon ng apat na magkakaibang boksingerong may kinalaman sa isa’t isa.


Inatasan ng World Boxing Council (WBC) na magkaroon ng rematch sa pagitan nina interim bantamweight champion Reymart “Assassin” Gaballo at dating 118-pound titlist Emmanuel “Manny” Rodriguez ng Puerto Rico kasunod ng kontrobersyal 12-round split decision na ibinigay sa undefeated Filipino noong Disyembre 19, 2020 sa Connecticut, U.S.A.


Isang pagkakataon upang mapatunayan na karapat-dapat para sa 24-anyos mula Polomolok, South Cotabato-native ang nakuhang panalo, habang ang kagustuhang maitama ang pagkakamali umano ng dalawang huradong sina John Mackie at Don Trella na nagbigay ng 115-113 at 116-112 na iskor pabor kay Gaballo (24-0, 20KOs).


Nauna ng hiniling ng kampo ni Rodriguez (19-2, 12KOs) sa Mexico City-based group na muling pahintulutang maulit ang tapatang sa mga mata at pananaw ng Puerto Rican ay siguradong nanaig ito laban sa unbeaten Pinoy champ at malaki ang paniniwalang mula sa unang pitong rounds ay kanyang nakuha, habang naibulsa rin nito ang 9-12 rounds. “After a formal appeal was received by the WBC a committee of ring officials completed a thorough analysis and review of the match, resulting in the order of free negotiations for an immediate rematch between Gaballo and Rodríguez,” saad ng WBC sa inilabas na anunsyo nitong Lunes.


Binibigyan ng 30-araw ang dalawang panig para mag-usap sa mga itatakda para sa laban upang maiwasan ang ‘purse bid hearing.’


Pag-uusapan pa lang namin ‘yung mga dapat gawin tungkol dito,” wika ni Sanman Promotions CEO JC Manangquil sa panayam ng Bulgar sa online interview.


Ang may tunay na nagmamay-ari naman ng titulo ng WBC bantamweight title na si Nordine Oubaali (17-0, 12KOs) ng France ay nahaharap naman sa responsibilidad na panatilihin ang kanyang titulo laban sa mandatory challenger na si four-division World titlist “Filipino Flash” Nonito Donaire Jr. na umaasang makakabalik sa rurok ng tagumpay sakaling maagaw ang kampeonato para sa kanilang title match na itinakda ng WBC sa Marso sa hindi pa nabanggit na eksaktong petsa at lugar.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | January 27, 2021




Bren lang ang malakas! Ito marahil ang pinatunayan ng koponan ng Bren Esports upang lampasan ang matinding pakikipagtuos laban sa Burmese Ghouls ng Myanmar, 4-3, linggo ng gabi, upang makamit ang World title ng Mobile Legends: Bang bang (MLBB) M2 World Championships sa Singapore.


Naitala marahil ng Bren ang isa sa pinakamalaking tagumpay, upang takpan ang panalong kinuha sa The Nationals Season 2 noong 2020, para hamigin ang $140,000.00 o mahigit P6.7 million na price money, kasama ang mapipiling skin ng isang hero na may tatak ng kanilang koponan.


Sumandal sa pamumuno ni KarlTzy ang koponan ng Bren upang pangunahan ang panalo sa huling dalawang laro para sa best-of-seven series para makabawi sa Burmese Ghouls na kumatay sa kanila noong first round ng playoffs, dahilan upang bumagsak ito sa lower bracket. Ngunit hindi nagpatinag ang Filipino group na karamihan ng miyembro ay naka-gold medal sa 2019 Southeast Asian Games na ginanap sa bansa.


Maagang nagpamalas ng lakas ang Bren nang kunin ang 19-15 na panalo sa game 1 mula sa mga hero na claude (KarlTzy), Mathilda (Pheww), Baxia (FlapTzy), alice (ribo) at atlas (Lusty), habang ang lopsided na 26-4 sa game 2 gamit ang mga hero na sina Yi Sun-Shin (KarlTzy), Selena (Pheww), Baxia (FlapTzy), Pharsa (ribo) at Chou (Lusty). Subalit kumunekta ng tatlong sunod na panalo ang Burmese Ghouls sa 11-8 sa game 3, 22-18 sa game 4 at 20-12 sa Game 5.


Ipinagpatuloy ni KarlTzy ang magandang laro sa deciding battle ng dominahin niya ang buong laro. Sinubukang painan ng Burmese Ghouls ang hero ni KarlTzy, ngunit pumalya ito. Tinapos ng Bren ang laban sa pamamagitan ng pagbasag sa mid turret ng kalaban habang tinagpas ng mga ito ang apat na hero’s ng kalaban para tuluyang makuha ang panalo sa M2 World Championships 2021.


Itinanghal bilang finals MVP si KarlTzy na may nakuhang papremyong $3,000.00, habang nakuha ng Burmese ang runner-up price sa larong sinasabing ‘greatest show’ sa kasaysayan ng MLBB esports na nagbigay ng napakagandang laro sa mga Filipino na nagmula sa mababang puwesto para sa kampeonato.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page