top of page
Search

ni Gerard Peter - @Sports | March 30, 2021



ree

Pinatunayan ni national Fencer at dating UAAP juniors MVP Samantha Catantan na tunay na maipagmamalaki ang kahusayan at galing ng mga Filipino pagdating sa pampalakasan ng mahirang itong parte ng All-America honors ng 2021 NCAA Fencing Championship matapos maging runner-up ang koponang Penn State University, Lunes ng umaga, na ginanap sa Bryce Jordan Center, University Park sa Philadelphia, Pennsylvania sa U.S.


Itinarak ng 19-anyos na dating University of the East champions ang solidong undefeated 20-0 record sa pagpasok sa semifinal round matapos ang 5-round ng eliminations sa women’s foil event. Gayunpaman, yumukod ito sa kanyang senior team mate na si Lodovica Bicego sa final four via 14-15, upang pumuwesto sa 3rd place kasama si Amita Biether ng Notre Dame. Natalo si Bicego kay Stefanie Deschner ng Notre Dame sa iskor na 9-15 sa championship bout.


Nanaig din para sa Fighting Irish sina Kara Linder sa women’s sabre event, Marcelo Olivares (men’s foil) at Luke Linder para sa men’s sabre, na nagawang makuha rin ang men’s title at makatabla sa Penn State sa NCAA record na apat na individual championships na nakamit nito noong 2009.


Napagwagian ni Nittany Lions Ryan Griffiths ang men’s epee nang talunin nito si Ewan Stewart ng Notre Dames para sa unang individual title nito sa NCAA. Nagtapos din sa third place si seniors captain Kelli Wozniak sa women’s saber ng kinapos kay Linder via 14-15 sa semifinal round.


Malungkot siya kasi gusto niya sana makuha yun title pero sabi ko sa kanya okey lang naman kasi 1st NCAA mo naka-final 4 ka na agad and gumawa ka pa ng historic sweep sa round 1-5,” pahayag ni Philippine national head coach Ronald “Amatov” Canlas sa panayam ng Bulgar Sports sa online messaging. “Sinabihan ko siya na maganda yung pinakita mong game dahil natalo ka lang ng by 1 point. And most of all Good exposure ito for Olympic Qualifying,” dagdag ni Canlas, na nasa Ormoc, Leyte kasama ang national team para magsanay sa isang bubble training facility na pagmamay-ari ni Philippine Fencing Association (PFA) President Richard Gomez bilang paghahanda sa nalalapit na Asia-Oceania Olympic Qualifying Tournament sa Abril 25-26 sa Tashkent, Uzbekistan at bilang preparasyon na rin para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre 21-Disyembre 2.




 
 

ni Gerard Peter - @Sports | March 30, 2021



ree

Sinuspinde muna ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagsasanay at paghahanda ng pambansang koponan kasunod ng anunsyo ng pagsasailalim sa buong National Capital Region (NCR) at higit pa o “NCR Plus” bubble sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa ikalawang pagkakataon.


Masasakop ng naturang “NCR Plus” ang buong Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na inilagay sa ECQ simula Lunes, Marso 29, hanggang Abril 4 dahil sa pagtaas muli ng mga kaso ng Covid-19.


Ipinag-utos ng PSC na ipapatigil muna pansamantala ang mga indoor at outdoor trainings ng national teams na nasasakop ng naturang panukala, at hinimok muna ng ahensya ang lahat ng national sports associations (NSAs) na magpatuloy muna ng mga pagsasanay sa online trainings.


The NSAs encouraged to practice online individual training and no group activities shall be conducted,” ayon sa inilabas na advisory ng PSC. “Further, all national training pool members must ensure proper compliance with relevant precautionary measures of the Department of Health and IATF-issued health and safety protocol at all times," dagdag sa nasabing abiso.


Matatandaang patuloy na nagsasanay at naghahanda ang mga atletang nais makapasok sa 2021 Tokyo Olympics sa darating na Hulyo 24-Agosto 8 sa Tokyo, Japan matapos payagang makapag-ensayo sa anunsyo ng IATF noong Disyembre para ngayong taon.


Lahat ng kuwalipikado para sa Summer Olympic Games ay nasa labas ng Pilipinas para magsanay, na sina men’s pole vaulter Ernest Obiena na nasa Italy, gymnast Caloy Yulo na nasa Japan, men’s middleweight boxer Eumir Felix Marcial na nasa Wild Card Gym sa Los Angeles, California, habang sina 2019 AIBA women’s World champion Nesthy Petecio, Irish Magno at Carlo Paalam ay nasa Thailand.


Nasa Istanbul, Turkey ang national karatekas na sina 30th SEAG champion Jamie Lim (women’s +61kgs), biennial meet bronze medalists Joane Orbon (women’s -61kgs), Sharief Afif (men’s +75kgs), Ivan Agustin (men’s -75kgs) at Alwyn Batican (men’s -67kgs), habang si 2018 Asian Games bronze medalist Junaa Tsukii ay nasa Serbia pa, at maaaring sumunod sa kanyang mga ka-team mates.






 
 

ni Gerard Peter - @Sports | March 28, 2021



ree

Malaki ang paniniwala ni undefeated ONE women’s Atomweight No.1 contender Denice “The Menace” Zamboanga na para mapatunayang isang kampeon, kinakailangang wala itong inaatrasang laban kahit sino man ang itapat o humarang sa landas patungo sa inaasam na tagumpay.


Sapol ng umentra sa mundo ng ONE Championship ay nagsimulang umukit ng pangalan at gumawa ng ingay ang 24-anyos mula Quezon City ng sunod-sunod nitong talunin sa kumpetisyon sina Jihin “Shadowcat” Radzuan ng Malaysia, Japanese legend at dating title contender Mei “V.V” Yamaguchi at Watsipanya “Dream Girl” Kaewkhong ng Thailand upang ipakitang matindi ang paghahangad niyang makuha ang titulo laban sa kasalukuyang kampeon na si Angela “Unstoppable” Lee.


For me if you’re a real champion, whoever it is, you will accept it,” wika ng Pinay fighter sa ginanap na virtual Media Day nitong Huwebes ng umaga. “I think this is the best way to prove that I really deserve the no.1 ranking and the championship belt,” dagdag ni Zamboanga, na kasalukuyang nagsasanay ng mabuti sa Bangkok, Thailand.


Kinokonsidera ng 5-foot-2 Pinay fighter na pinakamalakas na makakalaban nito sa ONE women’s Atomweight World Grand Prix ang unang makakatapat nito sa Mayo 28 na si dating UFC fighter at Road FC women’s Atomweight champion Seo Hee “Hamderlei Silva” Ham ng South Korea dahil sa malawak na eksperyensya sa larangan ng mixed-martial arts.


I think she is the biggest challenge for me. I know that she is a well-rounded fighter and I agree that she is the most experience, but I’m going to work with my striking and ground game,” saad ni Zamboanga, na nakikinita niyang pareho sila ng istilo ng pakikipaglaban ni Yamaguchi, ngunit sinabi nitong mas delikado ito mas lamang ito pagdating sa kanyang background dahil sa dami naging laban sa sa iba’t ibang promotional fights tulad ng UFC, DEEP, Smackgirl, ROAD FC at Jewels fighter.





 
 
RECOMMENDED
bottom of page