top of page
Search

ni Gerard Peter - @Sports | April 28, 2021



ree

Sasabak na rin ang premyado at beteranong shooting guard na si John Wilson upang pangunahan ang bagong koponan na Ozamiz Cotto sa Mindanao division ng Chooks-to-Go Pilipinas Vis-Min Super Cup na sisimulan sa Mayo 25.


Ang 34-anyos na journeyman na hinirang na MVP r ng 2019 Lakan Cup season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) at 7th pick ng Barangay Ginebra Gin Kings noong 2010 sa PBA ay magpapamalas ng kahusayan at leadership sa Super Cup kasunod ng runner-up finish ng koponang Go-for-Gold San Juan Knights laban sa Davao Occidental Tigers sa Lakan Cup.


Rumerehistro ng 19.3 puntos, 6.5 rebounds, 2.5 assists at 2,4 steals ang Datu Cup champion sa 41 laro sa semi-professional commercial league.


Makakasama ng dating JRU Heavy Bombers standout sa Ozamiz sina dating San Sebastian College playmaker at PBA, ABL, MPBL veteran na si Pamboy, Raymundo, Columbian Dyip at Manila Stars shooting guard Carlo Lastimosa, dating PBA at Sarangani Marlins player Marvin Hayes, at Fil-Nigerian at Hong Kong Eastern forward Joseph Eriobu.


Kabilang din sa koponan sina Jayvee Marcelino, Monching Talisayon, Jaie Berdan, Jay-ar Pagente, Kris Lucernas, Jay-r Jalem, MJ Casanova, Rey De Mesa, VJ Santos, Chris Santos, at Brent Palattao.


Sa pangangasiwa nina team owner Monching Talisayon at Wesley Sun, ang head coach ay si Miguel Borilla Jr. kasama ang coaching staff na sina Donald Ronquillo, Mark Joseph Casanova, Ian Dungca, at Aldo Panlilio.


Makakasalpukan ng Ozamiz sa Mindanao division ang Basilan Peace Riders, Cagayan De Oro Rafters, Zamboanga Los Valientes, Pagadian Explorers, Roxas Vanguards, Sindagan Saints, Tawi-Tawi; Valencia City at Bukidnon.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | April 27, 2021



ree

Pupuntiryahin ng Tubigon Bohol Mariners na makuha ang ikalawang sunod na panalo at mabitbit ang magandang momentum sa nagdaang laro sa pakikipagharap sa No.2 ranked na KCS Computer Specialist Mandaue City sa unang laro, habang patuloy na magmamalinis ang MJAS-Zenith Talisay City Aquastars laban sa nahihiraang Dumaguete Warriors sa main game ng featured double header ng 2nd round elimination ng Visayas leg ng Chooks-to-Go Pilipinas Vis-Min Super Cup sa Alcantara Civic Center sa Cebu.


Susubukang makabawi ng Mariners laban sa Computer Specialist ng 4 p.m. matapos itong tambakan sa unang pagtatapat sa 71-97, habang ganito rin ang nais ng Warriors na makaganti sa Aquastars na pormal ng pasok sa twice-to-beat semifinal round dahil sa malinis na 8-0 kartada sa main game ng 7 p.m.


Matapos bitbitin ang Mariners sa unang panalo, muling susubukang magpakitang gilas ni dating UE center/forward Narciso “Pari” Llagas Jr. na matulungan ang koponan na mas maiangat pa sa team standings bago ang nalalapit na pagpasok ng quarterfinal round.


More aggressive at sipag lang pagdating sa next game. Sana tuloy-tuloy na iyong magandang laro para makuha namin yung mas magandang improvement at mas mamataas pa 'yung game namin pagpasok ng quarterfinals,” wika ni Llagas.


Nagtala ng tournament high at season-high na 35 puntos ang 36-anyos na Cavite City-native na si Llagas para ihatid sa unang panalo ang Mariners sa 1-6 kartada. Dinaig ng 6-foot-4 stalwart ang 27 marka na itinala ni Dumaguete Warrior Jerick Nacpil nang manaig ang koponan kontra sa Mariners noong Abril 16. Tiyak na tutulong kay Llagas si league scoring leader Joesph Marquez, Jerry Musngi, Jonathan Ibarra, Jumike Casera at hometown bet Wade Cabizares.


Pursigido ang Computer Specialist na makabawi sa nakaraang pagkatalo nito sa 73-81 na pagkatalo sa Aquastars nitong Sabado. Muling magtutulong-tulong sina Shaq Imperial, Gileant Delator, Raffy Octubre, Gryann Mendoza at Jonel Bongaciso na mapatibay ang pagkakahawak sa ikalawang pwesto sa 5-2 marka.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | April 26, 2021



ree

Sakmal ng takot at pagkagitla ang lahat ng manonood ng live maging ang fans sa telebisyon ng UFC 261 nang malagim ang kinalabasan ng laban nina dating UFC middleweight champion Chris Weidman dahil nalasap niya ang nakahihindik na leg injury nang mabali ang kanang binti matapos isipa sa tuhod ni Uriah “Prime Time” Hall, tumupi ito at maranasan ang matinding sakit at saka ito na-stretcher palabas ng octagon. Natigil ang laban pabor kay Hall via 1st round TKO ng 17 seconds Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Pilipinas) sa jampacked Vystar Veterans Memorial Arena sa Jacksonville, Florida sa U.S.


Itinigil din ang laban nina Anthony “Lionheart” Smith at Jimmy “Brute” Crute matapos ang unang round kasunod ng doctor stoppage sa light-heavyweight bout.


Ang siksik-liglig na aksyon at excitement na hinatid ng UFC 261 sa pagbibigay daan muli sa mga tagasuporta’t tagahanga sapol ng magkaroon ng pandemic para masaksihan ang maningning at dumadagundong na knockout victories sa main cards kabilang na ang tatlong mabibilis na pagtatapos para sa championship titles.


Sadyang walang makapipigil sa bangungot na dala ni UFC welterweight champion Kamaru “The Nigerian Nightmare” Usman ng sentensyahan nito si UFC “BMF” titlist Jorge “Gamebred” Masvidal sa loob lang ng 2 rounds upang mapanatili ang titulo sa main event rematch.


Muli namang napasakamay ni “Thug Rose” Rose Namajunas ang UFC Strawweight title matapos tagpasin ang dating kampeon na si Zhang “Magnum” Weili (21-2) ng China sa pamamagitan ng matinding head kick na nagpatumba sa Chinese fighter sa 1:18 ng unang round.


Mahigit tatlong taon na rin ang nakararaan ng itarak rin ng 28-anyos na Milwaukee, Wisconsin-native na si Namajunas (10-4, 2KOs, 5 Subs) ang nakakawindang na KO kay dating champ na si Joanna Jedrzejczyk ng Poland vis 1st round, at sa pagkakataong ito, muling naulit ang pangyayari ng patumbahin nito ang Chinese defending champion sa unang round.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page