top of page
Search

ni Gerard Peter / MC - @Sports | April 30, 2021



ree

Tuloy ang laban ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao kontra kay Mexican-American boxer Mikey Garcia sa Dubai, U.A.E., ayon kay Arnold Vegafria, ang business manager ng Senador.


Aniya, ilang detalye na lamang umano ang pinaplantsa at iaanunsiyo na nila ang laban para sa muling pagbabalik sa ring ni Pacquiao. Inaasahang sa Hulyo o Agosto gagawin ang nasabing laban. Isiniwalat ni Vegafria na noong pang isang taon ginagawa ang negosasyon para sa laban. Si Garcia ay ang 4-division champion na nanalo ng featherweight, super featherweight, lightweight at junior welterweight class.


Mismong si Garcia ang nagsabi na noong pang 2019 niya asam na makasagupa ang fighting senator. Bukod kay Garcia, ilang boksingero ang sinasabing nakapila para labanan si Pacquiao gaya nina Terrence Crawford na nitong huling balita ay di na matutuloy dahil walang sponsor at Errol Spence.


Samantala, ibinida ni dating heavy weight champion Mike Tyson na sasagupain niyang muli sa ring si heavyweight champion at mortal din niyang kasagupa na si Lennox Lewis. Ayon kay Tyson, gaganapin ang kanilang sagupaan sa Los Angeles sa Setyembre. Dahil dito, nilinaw nitong hindi tuloy ang pinaplantsang laban nila ni Evander Holyfield.


Matatandaang naglaban ang dalawa noong June 2002 kung saan pinabagsak ni Lewis si Tyson sa loob ng ikawalong round. Bukod kay Tyson, giniba din ni Lewis sina Vitali Klitschko, Holyfield, Shannon Briggs, Ray Mercer, Frank Bruno at Tyson.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | April 30, 2021



ree

Masusubok ang talino sa paggawa ng programa sa sport na Rugby sa buong mundo si Philippine Rugby Union President Ada Milby sa pagtakbo nito bilang miyembro ng Executive Committee ng World Rugby Federation sa Mayo 12.


Makakatapat ng 37-anyos na US Army staff sergeant sina Cristina Flores ng Rugby Americas North at Jonathan Webb ng Rugby Football Union ng Europa para sa bakanteng puwestong iniwan ni Gareth Davies.


Sakaling palarin ang Filipino-American at dating rugby player, palalakasin niya pagpapalawak ng sports sa Asya, higit na sa Pilipinas, na bansang hindi tradisyonal na naglalaro ng Rugby sports, ngunit malaki ang potensyal na kinakailangan lamang ng tamang gabay at exposure para mas lalo pang umangat sa buong mundo. “We know that in order to continue growing and developing world wide, we really need to have a focus effort in Asia, which means focusing on countries that are not traditionally rugby nation, countries like Philippines and India, China, Mongolia and all this nations that have huge populations and we have a great opportunity to grow the game through this population that been exposed to the sport yet so my priorities will be,” pahayag ni Milby, Huwebes ng umaga sa lingguhang TOPS: Usapang Sports live via zoom online.


Nais din ni Milby na madagdagan ng babaeng kinatawan sa World Rugby Executive Committee, kung saan tanging nag-iisang babae lamang ang naka-upo at kasalukuyang may 10 lalaki ang namumuno. “It’s really an exciting time. I am one of two female candidates that standing for the first time in the history of the organization of the international federation. And if I’m successful in my bid, I would be the first female elected to the position and I will be the first representative for Asia, male or female to hold the position,” paliwanag ni Milby. “It’s really a tight race for the moment, there are 3 of us in total running, and we’re a vying for the same position, to make sure that we’re strategically guide the global game of rugby which of course include racing a profile in the Philippines.”


 
 

ni Gerard Peter - @Sports | April 29, 2021



ree


Maaaring magkaroon na ng kalinawan sa mga darating na araw kung kailan pormal na bubuksan ang pinaka-aabangan at pinakananabikang 46th season ng Philippine Basketball Association (PBA).


Dahil ito sa kabi-kabilang mga kahilingan ng fans ng 12 koponan, na nais nang mapanood muli ang mga iniidolong manlalaro at coaches sa kauna-unahang professional league sa Asya.


Magdedepende pa rin sa magiging desisyon at napag-uusapan sa pagitan nina PBA commissioner Willie Marcial, kasama si San Miguel Corporation (SMC) sports director at Baranggay Ginebra Board Governor at Team Manager Al Francis Chua kina Executive Secretary Salvador Midialdea at Senator Christopher “Bong” Go, kahapon ng hapon sa Malacanang hinggil sa magiging plano at estado sa muling pagbabalik aksyon ng liga ng Filipino basketball superstars.


Yung mga pinag-aaralan namin, siguro after ng usapan namin sa Malacanang siguro after 1 or 2 days may kaunting liwanag na saan ang direksyon natin,” pahayag ni Martes ng umaga sa weekly PSA Forum webcast


Ikinuwento ng 59-anyos na Batangas-native ang patuloy na pangungulit at pagtatanong ng mga tagahanga kung kailan magbubukas ang PBA. “Nangungulit na yung mga fans kung kailan magsisimula kung papaano na, kung matutuloy ang PBA. May tumawag sa direct line ko, nagtatanong kung kailan mag-start ang PBA, gaya rin nu'ng isang araw may nakausap akong fans, pareho rin ang tinatanong, sinagot ko na lang na ginagawa at minamadali na namin ang lahat ng paraan kung papaano,” kwento ni Marcial “May isa ring lumapit sa akin ang sabi niya namimiss ko na at nakakatanggal ng mental health (problem), sagot ko, sige po kaya, minamadali rin namin, ginagawa natin ang paraan,” wika ng dating statistician ng PBA.


Sinabi ni Marcial na hindi nila inaalis ang opsyong ilagay muli sa isang ‘bubble’ ang mga laro gaya ng ginawa sa matagumpay na Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Clark, Pampanga. Patuloy pa rin itong nakikipag-usap sa gobernador ng Ilocos Norte at Mayor Jun-Jun Ynares ng Antipolo, Rizal sakaling ganapin sa kani-kanilang lugar ang ‘PBA bubble.’

 
 
RECOMMENDED
bottom of page