top of page
Search

ni Gerard Peter - @Sports | May 21, 2021



ree

Umaasa ang ilang Filipino grassroots swimmers sa pangunguna ni bemedalled international at national champion Jasmine Mojdeh na mabibigyan sila ng pagkakataon na mairepresinta ang Pilipinas sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre 21-Disyembre 2.


Patuloy sa paghahanda at pagsasanay ang 14-anyos na Palarong Pambansa star sa ilalim ng pangangalaga ni coach Virgilio de Luna, kung saan kasama ang iba pang mga local grassroot swimmers sa Lucena, Quezon para sa isinasagawang bubble training.


Inihayag ng dating Palaro at PRISAA (Private Schools Athletic Association) champion athlete at kasalukuyang coach na si De Luna na hindi sila tumigil sa pagpapalawig ng kanilang programa at pag-eensayo upang ihanda ang mga ginagabayang swimmers sakaling magpatawag ng try-out o wildcard entry ang pamunuan ng Philippine Swimming Incorporated (PSI) na binubuo halos ng mga manlalangoy na Filipino-Americans.


Nag-aim pa rin ang players at pinipilit na magtraining, para kung may chance, andun yung naka ready kami,” wika ni de Luna, kahapon ng umaga sa lingguhang TOPS: Usapang Sports sa Sports on Air. “Hoping na magkaroon ng chance na makakuha ng wildcard na mabigyan ng chance para sa SEA Games,” dagdag ni de Luna sa programang suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusement Board (GAB) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).


Kahit man malayo sa kanyang nakasanayang tahanan sa Paranaque City ang sophomore student sa Brent International School-Laguna, walang patid ang pagdalo nito sa klase sa pamamagitan ng online classes habang nagsasanay ng dalawang beses kada araw sa Mayao sa Lucena.

Sa ngayon, focus lang kami sa swimming training ng twice a day sa pool, pero by next week baka mag-3-times a day na kami with my team mates. Mayroon naman kaming social distancing kapag may training,” paliwanag ni Mojdeh, kasama ang mga team mates mula Philippine Swimming League at B.E.S.T (Behrouz Elite Swim Team).

 
 

ni Gerard Peter / MC - @Sports | May 18, 2021



ree

Inaasahang maganda ang ipakikitang laban ni Nonito Donaire Jr. kontra kay defending WBC bantamweight champion Nordine Oubaali ng France dahil sa tulong ng kanyang trainer na si Mexican mixed martial arts guru Tony Diaz.


Gagawin ang 12-round bout ng dalawa sa Dignity Health Sports Park sa Carson City, Los Angeles sa Mayo 29. Ayon sa mga kritiko, kapag tumagal ang laban ay matatalo si Donaire pero kung hindi naman ay siguradong muling mauupo sa trono ng boksing ang Pinoy fighter na si Donaire.


Target ng 38-anyos na si Donaire na maagaw kay Oubaali ang korona at wala pa umano sa hinagap nito ang pagreretiro. Sakali umanong matalo niya si Oubaali, target ni Donaire na agawin ang hawak ni super WBA/IBF champion Naoya Inoue sa isang rematch o harapin ang mananalo sa laban nina WBO champ JohnRiel Casimero at regular WBA beltholder Guillermo Rigondeaux na gaganapin sa August 14.


Hindi umano madaling kalaban si Oubaali, 34, dahil ito ay two-time Olympian na naging pro noong 2014. Bentahe ni Donaire sa laban ang lakas at bilis nito pero hindi rin umano puwedeng maliitin ang lakas at talento ni Oubaali. Tatanggap si Donaire bilang challenger ng premyong $114,360 habang si Oubaali ay magbubulsa ng $216,540. Ang mananalo sa laban ay tatanggap ng bonus na $40,100.


Samantala, nananatiling buhay pa ang negosasyong pagtatapat ng nag-iisang eight-division World champion Manny “Pacman” Pacquiao at UFC two-division world titlist “The Notorious” Conor McGregor, ayon sa malapit na taga-pamahala ng Fighting Senator. Inihayag ng business manager ni Senator Pacquiao na si Arnold Vegafria na patuloy pa rin ang pag-uusap sa pagitan ng kampo ng legendary boxing icon at ng mixed martial arts champion at one-time professional boxer.


Hinihintay na lamang umano ang pinal na desisyon ng magkaparehong panig dahil may nakalaan nang kontrata para sa kanilang napipisil na laban. Ngunit kinakailangan muna nilang unahin ang mga naunang nakalinyang laban – si McGregor laban kay Dustin Poirier para sa kanilang trilogy fight sa UFC 264 sa Hulyo 10 sa Las Vegas, Nevada at Pacquiao (62-7-2, 39KOs) laban kay dating 4-division champion Mikey Garcia (40-1, 30KOs) sa Hulyo o Agosto.


 
 

ni Gerard Peter - @Sports | May 16, 2021



ree

Pamumunuan ni Filipino middleweight boxer Eumir Felix Marcial ang 8-man team na sasabak sa Asian Boxing Confederation (ASBC) sa Mayo 21-Hunyo 1 sa Dubai, UAE, bilang preparasyon sa pagpasok sa huling yugto ng paghahanda para sa 2021 Tokyo Olympics sa Hulyo at 31st Southeast Asian Games sa Nobyembre.


Atras muna sa paglahok ang Pinoy boxers na kasalukuyang nagsasanay sa training camp sa Thailand National Sports Center sa Muaklek simula pa noong Marso, kabilang na ang tatlo pang sasabak sa Olympiad na sina Carlo Paalam, Nesthy Petecio at Irish Magno, dahil sa magiging problema sa quarantine rules at protocols sakaling magbalik ang mga ito sa naturang bansa upang ipagpatuloy ang pag-eensayo.


Inihayag ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary-general Ed Picson na bumuo muna sila ng mga boksingero na mula sa 'Pinas sa pangunguna ng 25-anyos na Lunzuran, Zamboanga City-native kasama sina 2012 Qinhuangdao World champion at 5-time SEA Games gold medalist Josie Gabuco (48kgs), Maricel dela Torre (60kgs), Mark Lester Durens (49kgs), Marvin Tabamo (52kgs), Junmilardo Ogayre (56kgs), Jere Samuel Dela Cruz (60kgs), at John Paul Panuayan (64kgs).


If they go to Dubai and go back to Thailand to resume training, mag-quarantine sila eh, so you lose whatever momentum you gain from the long training in Inspire sa Calamba in the bubble and then Muaklek in Thailand and then the tourney exposure in Dubai. Then pagbalik for about 14-days then it sets you back. Ang desisyon ng mga coaches which is their recommendation to me na ituloy na lang yung training sa Thailand and send most of the participants, including Eumir Marcial, who is in Zamboanga to the tournament,” pahayag ni Picson, Martes ng umaga sa lingguhang PSA Forum.


Sinabi ni Picson na magandang pamamaraan na makasali ang 3-time SEAG champion bago ang inaasahang pagbubukas ng Summer Olympic Games simula Hulyo 24-Agosto 8 sa Tokyo, upang makalaban niya ang ilang Asian boxers na lalaban din sa quadrennial meet.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page