top of page
Search

ni Gerard Peter - @Sports | May 29, 2021



ree

Magsisilbing daan ang kauna-unahang professional league sa katimugan na Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup upang mas maipamalas at maipakita ng mga kabataan at homegrown talents mula Mindanao ang kanilang matayog na kaalaman pagdating sa pampalakasan.


Tatlong team owners mula sa Mindanao division ang nakakita ng pagkakataon upang maitulak pa rin ang larong basketball sa kanilang lugar, kahit na may nagaganap na krisis ng COVID-19 pandemic – na siya ring pamamaraan upang mas simulang palakasin at patatagin ang sports development sa kani-kanilang nasasakupan.


I have no second thought. When the VisMin organizers presented to me the program, I immediately sought an audience with our Governor (Roberto Uy), then approved agad,” pahayag ni Roxas, Zamboanga del Norte May Jan Hendrick Vallecer sa weekly TOPS ‘Usapang Sports’ On Air. “Napakaganda ng programa. I also love and played basketball, pero hindi ko na itinuloy yung passion ko. Right now, nakikita ko maraming bata dito sa amin ang mahuhusay and through VisMin Cup, hopefully ito ang maging tuntungan nila para matupad yung pangarap nilang makalaro sa mataas na level ng kompetisyon,” ani Vallecer sa sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), PAGCOR at Games and Amusements Board (GAB).


Ganito rin ang paniniwala ni Iligan City Sports Director at team manager Amador Baller na iginiit na malaki ang maitutulong ng liga para higit na magpursige ang mga kabataan na ibalik ang kanilang atensyon sa sports.


We’re proud of our team. Except on one player, lahat ng kinuha namin tagarito sa Iligan City. Maraming gustong makapaglaro ng high-level competition sa basketball pero walang mapaglaruan. With this VisMin Cup, tiyak marami tayong madidiskubre na talento rito,” sambit ni Baller.


Para naman kay Lance Samuel Co, team consultant ng Pagadian City Explorers, hindi pahuhuli sa talento sa aspeto ng sports ang Mindanao at napapanahon ang VisMin Cup para sa kanilang layuning maipakita ang galing ng Mindanaoan.


Also, malaki ang maitutulong ng liga para maexposed ng Mindanao, lalo na dito sa amin sa Pagadian ang magagandang tanawin at world-class tourist destination.,” wika ni Co.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | May 28, 2021



ree

Handa nang makipagsabayan at makipagtagisan ang mga homegrown talents ng tatlo sa siyam na koponan para sa karapatang maangkin ang kauna-unahang titulo ng Mindanao division ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup na inuurong ang pagbubukas simula sa Hunyo.


Wala pa mang pormal na napipiling lugar para pagdausan ng Mindanao leg matapos umatras ang Dipolog City na maging host ng kauna-unahang professional league sa katimugan dahil sa tumataas na kaso ng mapaminsalang coronavirus disease (Covid-19) sa Zamboanga del Norte, inihayag ni Chief Operating Officer ng Vis-Min na si Rocky Chan na namimili na lang sa dalawang Local Government Unit (LGUs) kung saan idaraos ang mga laro sa Mindanao.


I hope to get a word from the LGUs that we are in talks, hopefully today, but in the week will be finalizing. Actually, may isa ng nag-commit na LGU who’s willing to host the Mindanao leg, but for now I cannot divulge until we finalize kase I don’t want to pre-empt the negotiations namin,” pahayag ni Chan, Huwebes ng umaga sa weekly TOPS: Usapang Sports webcast sa Sports on Air. “We’re choosing two LGUs na lang po, medyo may pinaplantsa lang po tayo, but rest assured na within a week malalaman na natin kung sino ang official host for the Mindanao leg,” dagdag ni Chan sa programamg suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusement Board (GAB) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).


Gayunpaman, napabanggit ni City Sports Director at team manager ng Iligan City na si Amador Baller, na pinagpipilian na lamang ang Mindanao Civic Center sa Lanao del Norte at isang sports complex sa Pagadian City.


Puro bata at walang mga pro yung team namin. Yung iba MPBL lang galing, mga varsity player ng Cebu, pero native ng Iligan. Though we’re planning to get additional players from Luzon, kase ang daming ex-pro ng ibang teams,” eksplika ni Baller. “Malaking tulong na we’re invited sa league para makatulong na ma-promote sa mga kabataan, mostly mga bata ang kinuha para ma-develop at mabigyan ng chance na matupad ang mga pangarap nila.”

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | May 27, 2021



ree

Dalawang Philippine national boxers ang didiretso sa semifinal round ng 2021 Asian Elite Men’s and Women’s Boxing Championships kasunod ng mga impresibong panalo sa ikalawang araw ng aksyon sa Dubai, UAE.


Nagpakawala ng malulutong na kombinasyon sa mukha si Mark Lester Durens upang makuha ang referee stop contest (RSC) sa quarterfinal round laban kay Mansour Khalefahat ng Kuwait sa unang round pa lang ng men’s -under49kgs light-flyweight division upang umabante sa semifinal round.


Nakatakdang makatapat ni Durens si Daniyal Sabit ng Kazakhstan na tinalo naman sa kanilang sariling quarterfinal bout si Kornelis Kwangu Langu ng Indonesia via 5-0.


Nakakuha rin ng ticket patungong semifinals sa men’s bantamweight category si Junmilardo Ogayre ng gulpihin si Rukmal Prasanna ng Sri Lanka via 5-0, mula sa 30-27, 30-27, 29-28, 30-27, at 29-28 sa mga hurado. Sunod na kakaharapin ni Ogayre si No.1 seed Mirazizbek Mirzahalilov ng Uzbekistan na dinaig si Mohammad Hassam Uddin ng India sa iskor na 4-1.

Tumawid din ng quarterfinals si Jere Samuel dela Cruz ng banatan si Jeewantha Wimukthi, 4-1 sa lightweight bout para kaharapin si Varinder Singh ng India.


Matapos ang impresibong panalo ni John Paul Panuayan sa preliminary rounds laban kay Majid Alnaqbi ng UAE, yumuko ito sa quarterfinals kay No.1 seed Bakhodur Usmonovat ng Tajikistan matapos makuha ang referee stop contest sa round no.3 sa welterweight class.


Hindi rin nakalusot sa semifinals si Maricel dela Torre sa women’s lightweight category ng sibakin ni 2019 Southeast Asian Games bronze medalist Huswaton Hashanah ng Indonesia sa pamamagitan ng 0-5 mula sa 27-30, 27-30, 26-30, 27-30 at 27-30 sa mga hurado.

Maaga namang napatalsik si 2018 Tammer Cup gold medalist Marvin Tabamo sa preliminary round ng men’s flyweight laban kay Ramish Rahmani ng Afghanistan, 2-3, na silver medalist sa President Cup.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page