top of page
Search

ni Gerard Peter - @Sports | June 07, 2021



ree

Ilan sa malalaking personalidad sa boxing ang nagsasabing kayang talunin at pabagsakin ng nag-iisang 8th Division World champion Manny “Pacman” Pacquiao ang makakatapat na si unified WBC/IBF welterweight titlist Errol “Truth” Spence sa Agosto 21 sa Las Vegas.


Binalaan ni dating light-welterweight at welterweight titlist at minsang pinatulog ni Pacman na si Ricky Hatton ang 31-anyos na unbeaten champ mula Texas na huwag maliitin ang kakayahan ng Filipino future Hall of Famer dahil delikado ang mga patama nito kahit 42-anyos na ito.


Manny is absolutely incredible. Why he wants to be fighting on at 42 against Errol Spence Jr with everything he has achieved I’ll never know! When I met Manny Pacquiao, he seemed to be a very sensible person, very educated. He’s a very clever person,” wika ni Hatton sa Metro column. “Traditionally boxers don’t know when to call it a day. They don’t know when to pick the right time to hang their gloves up but you would like to think he is clever enough to do that and the fact that he is accepting this fight only means he must feel he is still capable of mixing it up at that level.”


Kumpiyansa ang strength and conditioning coach na si Justine Fortune na maipaparamdam ni Pacquiao (62-7-2, 39KOs) ang bilis at lakas laban sa mas batang undefeated American champion, na tsansa ng Filipino boxing legend na maging 5-time 147-pound title holder. “Pacquiao is on a different level. Pacquiao is a different animal. It's just the volume of Pacquiao's punches, ferocity and speed and the power,” pahayag niya sa panayam ni Ellie Seckbach ng EsNews. “It ends in a stoppage,” bulalas ni Fortune, na siyang tatapos sa unbeaten mark ng 2012 London Olympian na may record na 27 wins at 21 rito ay mula sa knockout.


Speed, power and the will to win of Manny will make him win,” saad ni Peñalosa kay Lito delos Reyes sa panayam ng Philboxing.com. “Pacquiao by late KO, referee will stop the fight or the cornerman will stop it,” saad naman ng 48-anyos na dating WBO bantamweight champion.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | June 05, 2021



ree

Dalawang lugar na lang ang pinagpipilian ng Philippine Basketball Association (PBA) na maaaring pagganapan ng bagong season ng Philippine Cup conference.


Inihayag ni PBA commissioner Willie Marcial na napipisil nilang ganapin ang panimulang komperensya ng 46th season sa Ynares Sports Center sa Antipolo City o sa Ynares Sports Arena sa Pasig City, na siyang magdedepende sa quarantine classification na ilalabas ng pamahalaan matapos ang Hunyo 15.


Malaki umano ang posibilidad na isa sa dalawang Ynares basketball gymnasiums gaganapin ang All-Filipino tourney na bubuksan sa huling linggo ng Hunyo o sa unang linggo ng Hulyo.


Ayon pa kay Marcial, nakausap na nila ang Antipolo Mayor para sa buksan ang mga laro sa Ynares Sports Center. Gayunpaman, kinakailangang maghintay muna ng susunod na klasipikasyon na ilalabas ang Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) bago gumawa ng hakbang. “We'll discuss the finer details of plans after June 15,” pahayag ni Marcial, na umaasang mas magiging maluwag ang mga quarantine protocols sa National Capital Region Plus Bubble, na kinabibilangan rin ng Cavite, Laguna Bulacan at Rizal, kung saan nakatayo ang Ynares Sports Center.


Aminado ang pamunuan ng kauna-unahang pay-for-play league sa Asya na hindi nila kinakailangan ng malaking pagdarausan ng mga laro dahil inaasahan nilang ipinagbabawal pa ang panonood ng fans sa loob ng gymnasiums, bagamat ang Ynares Sports Arena sa Pasig ay maliit ang kapasidad. “So kung kami-kami lang, pwede na ang Ynares-Pasig,” wika ni Marcial. “Ang problema lang sa Ynares-Pasig eh walang dugouts. We would need to put up tents as dressing areas for the players.”


Kung ikukumpara sa “PBA Bubble” noong isang taon sa Angeles University Foundation Gymnasium sa Pampanga at diretsong uwian sa Quest Hotel sa Clark, Freeport, Pampanga, mas magiging madali para sa mga bumubuo ng mga koponan ang close-circuit setup na uwian ng bahay kung sa isa sa dalawang Ynares gymnasium ang mapipili.

 
 

ni VA / Gerard Peter - @Sports | June 04, 2021



ree

Patuloy sa kanyang masugid na preparasyon para sa nalalapit na Tokyo Olympics sa gitna ng pandemya ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena.

Sa huling kompetisyon na kanyang nilahukan, nakopo ni Obiena ang gold medal sa Folksam Grand Prix-Goteborg 2021 sa bansang Sweden. Nagawang matalon ni Obiena ang baras na may taas na 5.70 meters sa una niyang attempt upang makamit ang gold medal.

Tinalo niya si reigning Olympic gold medalist na si Thiago Braz ng Brazil na nagkasya lamang sa silver sa naitala nitong 5.65 metérs. Pumangatlo sa kanila si Paul Haugen Lillefosse ng Norway na nakapagtala ng 5.60 meters.

Nagtangka pa si Obiena na talunin ang baras na itinaas sa 5.80 meters ngunit bigo siya sa kanyang tatlong attempts habang nangabigo rin sina Braz at Lillefose sa tangka nila na matalon ang taas na 5.75 meters.


Samantala, umaasa pa rin si Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na aabot sa 20 national athletes ang maipapadala ng bansa sa 2021 Tokyo Olympics kasunod ng panibagong tagumpay ni taekwondo jin Kurt Barbosa sa Asian Olympic Qualifying Tournament nitong nagdaang weekend.


Tiwala ang kinatawan ng ika-8th district ng Cavite na malalampasan na ng bansa ang 13 national athletes na naipadala sa 2016 Rio Olympics, kung saan nagwagi ang Pilipinas ng silver medal mula kay women’s under-53kgs weightlifter Hidilyn Diaz.


Kabilang sa mga Olympian na nakipaglaban sa Rio Olympics ay sina 6-time Southeast Asian Games gold medalist Eric Shauwn Cray, 2017 SEAG marathoner champion Mary Joy Tabal, Long-jump queen Marestella Torres-Sunang, boxers Rogen ladon at Charly Suarez, golfer Miguel Tabuena, Judoka Kodo Nakano, swimmers Jesse Lacuna at Jasmine Alkhaldi, table tennis Ian Lariba, taekwondo jin Elaine Kirstie Alora, at weightlifter Nestor Colonia. “Ang laki ng nawala dun sa mga atletang kabilang sa 20 na target nabawasan na tayo, pero in spite of that, nagdadasal pa rin ako na maaabot sa 20, but definitely malalagpasan na natin yung 13,” paliwanag ni Tolentino.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page