top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports News | May 27, 2025



Photo: Kauna-unahang gintong medalya ang naitakbo sa 3000 Meter Runs secondary girls ni Chrisia Mae Tajarros, ng Leyte Region VIII Eastern Visayas na nagtala ng may pinakamabilis na oras 10:18: 6 sa unang aksiyon ng Palarong Pambansa 2025 sa Marcos Stadium sa Ilocos Norte. (Reymundo Nillama)


Laoag City – Samu’t saring emosyon ang ibinuhos ni Leyte runner Chrisha Mae Tajarros ng Region VIII-Eastern Visayas na matagumpay na nakuha ang unang gintong medalya sa 2025 Palarong Pambansa sa girls 3000-meter secondary girls’ event, kahapon sa Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium.


Hindi na muling tumakbong nakayapak ang 13-anyos na tubong Tanauan, Leyte matapos makabawi sa 2024 edisyon sa Cebu City kasunod ng silver medal finish sa likod ni Asia Paraase ng Central Visayas (Region 7).


Suot ang spike shoes na HEALTH LP 2 na supply mula sa Leyte Sports Academy, mas naging mataas ang ipinakitang performance ni Tajarros at iwanan sina Mary Mae Magbanua ng Region XIII-CARAGA sa 10:48.4 minuto na tumapos ng silver medal at Nathalei Faye Miguel ng Region I-Ilocos sa 10:50.4 sa 3rd place.


Nakuha ko yung gold, hindi po nasayang ang training,” wika ng Grade 9 student-athlete mula Tanauan High School sa Leyte Province. “Nagpapasalamat po ako kay God na narinig niya lahat ng panalangin ko at mga sacrifices na ginagawa sa training. Minsan po kase kapag nagte-training ako umiiyak po, pero yung bawat pag-iyak ko ginagawa kong motivation para makuha ko 'yung gintong medalya sa Palarong Pambansa para matupad yung pangarap ko na Olympics para matulungan ko 'yung pamilya ko,” dagdag ng anak ng fish vendor.


Bagaman nakamit ang inaasam na medalya sa 65th edisyon kinapos na mabura ang hinahangad na Palaro record ni Jie Anne Calis ng Davao City sa 10:10.16 noong 2015

Palaro sa Koronadal, South Cotabato.


Susubukan niyang kunin ang parehong medalya sa 1,500-meter secondary girls sa Huwebes ng umaga. Nakuha naman ng kanyang kakampi na si Efosa John Paul Aguinaldo ang ikalawang ginto ng koponan sa secondary boy’s long jump sa 6.90-meters.


Ginto rin ang inuwi ni Courtney Jewel Trianga ng Region V-Bicol sa 36.72-meters sa secondary girls discuss throw para talunin sina Heart Duarte ng NCR sa 35.73m at Baby Gryll Alforo ng Northern Mindanao sa 34.69m.


 
 

ni Gerard Arce @Sports News | May 26, 2025



Photo: Masayang sumalampak sa stage matapos ang Opening Ceremony ng Palarong Pambansa sa Ilocos Norte si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo bago kapanayamin ng Bulgar Sports. (GA) 


Laoag City – Tuluyan na ngang naisakatuparan ang matagal na pangarap ni first-ever Olympic gold medalist winner Hidilyn Diaz-Naranjo na magisnan at ganapin ang weightlifting sa 65th edisyon ng Palarong Pambansa sa Ilocos Norte.


Sapul nang makamit ng bansa ang kauna-unahang gold medal sa Summer Olympic Games sa 2020+1 Tokyo Olympics, ninanais na ito na mailagay sa nangungunang grassroots sports development ng bansa upang madagdagan at masundan ang yapak ni Diaz-Naranjo sa pandaigdigang kompetisyon, higit na sa Olympiad.


Lubos ang pagpapasalamat ni Diaz-Naranjo at maging ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) President Monico Puentevella sa Department of Education (DepEd), sa pamumuno ni Sec. Juan Edgardo “Sonny” Angara, sa ibinigay na malaking pagkakataon upang maging demonstration event ang palakasan. Ang weightlifting ay may 70 atleta mula sa 10 dibisyon (tig-lima sa boys and girls) mula sa 9 na rehiyong kalahok na pinangunguhan ng   Zamboanga Region na pinagmulan ni Diaz.


I should be thankful na ngayon andito na as a demo sports, kase I just realized na like this year na na-approved siya this February, na na-realize ko na hindi ganun s'ya kadali ma-approved, it’s not like that na you have to go down and spread the sports sa district mismo, so there’s a lot of district,” pahayag ni Diaz kahapon. “Hoping next year na ma-realize na maging regular sports sana mas maging marami pa na maging 10-15 regions na and then sana maging 150 athletes, sana maging goal tayo. And more technical officials and more knowledge and education for coaches.”


Nagpasalamat din si Puentevella sa DepEd upang makatagpo muli ng mga susunod sa yapak ni Diaz-Naranjo at Olympian weightlifters na sina Elreen Ando, Vanessa Sarno at John Ceniza na sumabak naman sa 2024 Paris Olympics.


This is the first step of a thousand miles. For many years, I was promised the sun and the moon by DepEd. Finally, I’m grateful to my compadre and sportsman, Sec. Angara for making this essential step for our Olympic champ Diaz, for helping SWP in this long-awaited quest. We shall soon have more champions together with Batang Pinoy our Future,” pahayag ni Puentevella sa mensahe nito sa Bulgar Sports kahapon, na binigyang papuri si Diaz-Naranjo sa pagsisikap nito para sa local federation.


 
 

ni Gerard Arce @Sports News | May 25, 2025



Photo: Palarong Pambansa - RTVM


Laoag City – Simbulo ng kadakilaan at pagkakaisa ang naging sentro ng atensyon sa Opening Ceremony ng 65th Palarong Pambansa na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos, habang naging parte rin ng pagdiriwang ang kauna-unahang Pinay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo kagabi sa Marcos Memorial Stadium (FEMMS) dito.


Nagpahayag ng kanyang makahulugang mensahe si PBBM bilang pormal na pagbubukas ng mga na naglalayong makabuo ng malawak na kahusayan sa sports ang mga kabataan. Pinamunuan ni Diaz-Naranjo ang Oath of Coaches at Technical Officials, bilang unang Technical Director ng demonstration sports na weightlifting. Ang baseball prodigy na si Gerick Jhon Flores, record-holder sa 11th BFA U12 Asian Baseball Championship ay maghahatid ng Athlete’s Oath.


Dumaan sa kahabaan ng Rizal Street at Sirib Mile sa Laoag City ang Parada ng may 15,000 atleta mula sa 17 rehiyon ng bansa  kasabay ang masaya at nagsisiglahang drum and lyre corps kasama ang mga student cheer squads.


Ang host na Region 1 kasama ang National Sports Academy (NAS), Philippine School Overseas, Bangsamoro, Region IV-B, Region II (Cagayan Valley), Cordillera Administrative Region, Region XIII (Caraga), Region IX (Zamboanga Peninsula), Region V (Bicol), Region X (Northern Mindanao), Region XII (Soccsksargen), Region VIII (Eastern Visayas), Region III (Central Luzon), Region VII (Central Visayas), Region XI (Davao Region), Region VI (Western Visayas), Region IV-A (Calabarzon) at ang dalawang dekada ng kampeon na National Capital Region.


 Binuksan din ang simbolikong sulo ng Palarong Pambansa nina dating Palaro athletes SEA Games, at Paralympians na sina Jemmuelle James Espiritu (Archery), Mark Anthony Domingo (Athletics), Jesson Cid (Decathlon), Roger Tapia (Para-athletics), at Eric Ang (Trap Shooting).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page