top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Marso 25, 2024



Ipagpatuloy  natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Rat o Daga. 


Ang Rat o Daga ay silang mga isinilang noong 1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020, at 2032.


Ang kinaganda pa sa isang Daga, hindi man niya alam kung ano talaga ang kanyang gusto, alam naman niya kung papaano ito kukunin.


Kadalasan, hindi niya alam na ang langit mismo ang may panukala, basta ginusto o inambisyon niya ang isang bagay, sa bandang huli, mapapasakamay niya rin ito.


Tulad ng nasabi na, maaaring ang langit na mismo ang kusang magbigay ng katuparan sa kanyang mga ambisyon. Kaya naman ang isang Daga ay nakakaranas ng isang maalwan, masarap at maginhawang pamumuhay, lalo na sa panahong siya ay nagkaka-edad.


Sinasabi ring bukod sa pagiging praktikal, madali rin nilang nakukuha ang kanilang gusto, at may likas ding siyang kakayanan na pagtrabahuhin ang iba pang mga kasama niya na tatamad-tamad. Dahil dito, bagay na bagay sa isang Daga ang propesyong nag-uutos, tulad ng manager o supervisor ng isang malaking kumpanya.


Sa pakikipag-ugnayan, sinasabi ring kung nakapasok sa isang intriga at iba’t ibang problema na may kaugnayan sa siraan at sipsipan sa opisina o sa kumpanya, ang daga ay hindi basta-basta naaapektuhan ng mga intrigang ito.


Nangyaring ganu’n, dahil para sa isang Daga, pumapasok agad sa isip niya ang katagang, “Bahala kayo sa buhay n’yo, basta ako ginagawa ko ang aking trabaho.” Ibig sabihin, ang Daga ay hindi mapagpatol sa mga taong walang ibang ginawa, kundi pagtsismisan at siraan ang kanilang kapwa.


Ang nangyayari, dahil likas silang may mataas na IQ, lalo na sa mga bagay na may kaugnayan sa “human relationship” alam na alam niya kung paano makakaiwas sa mga siraan, sipsipan at mga sari-saring intriga. Ang kinaganda pa rito, kahit na masuot siya sa gulo at intriga, makikita mo pa rin siyang kampante, parelaks-relaks at parang hindi naaapektuhan. Dahil sa attitude niyang ito, madali niyang nalulusutan at nasosolusyunan ang mga problema. Kaya lang dahil ang Daga ay likas na may mataas na ambisyon, kung minsan ang iba’t ibang pangarap din ang nagiging dahilan upang siya ay makaranas ng matinding lungkot at kabiguan.


Ang kadalasan kasing nangyayari, nauubos na ang kanyang energy kung saan-saan, kaya imbes na maabot niya ang kanyang inaambisyon, nagpapalipat-lipat pa siya ng gusto o nagkakaroon pa siya ng bagong papangarapin, gayung hindi pa naman niya naaabot o natatapos hablutin ang nauna niyang pinangarap. Kaya para magtagumpay at mas lumigaya, ang dapat niyang gawin ay magpokus muna sa isang ambisyon at kapag nakamit na ito, saka na muli mangarap.


Sa ganyang paraan, darating ang pagkakataon, sa paisa-isang ambisyon na ito, tiyak na makakamit ng isang Daga, ang isang bonggang tagumpay.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.



Itutuloy….


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Marso 24, 2024



Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.



Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Rat o Daga. 


Ang Rat o Daga ay silang mga isinilang noong 1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020, at 2032.


Ang animal sign na Rat o Daga ay may zodiac sign na Sagittarius sa Western Astrology na pinaghaharian ng planetang Jupiter. Dagdag dito, ang Daga ay mapalad din sa direksyong hilaga, higit lalo tuwing ala-1:00 ng umaga.


Walang duda, higit na mas magiging mapalad ang mga Daga na isinilang sa “day time” higit lalo sa panahon ng tag-araw, kung ikukumpara sa kapatid niyang isinilang sa “night time” o gabi.


Ang nakakatuwa pa, pinaniniwalaan din na ang isang Daga ay likas na mabait, matulungin at higit sa lahat ay palakaibigan. Dahil dito, hindi ka dapat magtaka kung may matatagpuan kang naninirahan sa Daga na isa ring malapit sa kanya na nangangailangan ng kanyang pagkalinga, tulong at suporta. Sa ganitong pag-uugali ng Daga, mas lalo siyang sinusuwerte at pinagpapala ng langit.


Ang isa pang nakakatuwa sa isang Daga, sobrang hilig niyang mamili nang mamili, kahit na hindi niya naman ito mapapakinabangan, kaya naman siya ay napagbibitangan na gastador. Kumbaga, ang isa sa paboritong libangan ng Daga ay ang mag-shopping sa mga sikat at mamahaling supermarket. Libangan niya rin ang mamili lalo na kung may bagsak presyo sa isang department store. Sa ganitong sitwasyon, nagkakandarapa ang Daga na mag-shopping.


Sinasabing kung malilimitahan lamang ang ganitong pag-uugali, eh ‘di sana mayaman na ang mga daga at marami na sana siyang naipon para sa kanyang future.


Relaks, nangunguyakoy, kinakagat-kagat ang kuko, hinahawak-hawakan ang ilong at buhok, at minsan ay hindi mapakali, ito ang ilan lamang sa unconsciously mannerism ng Daga.


 Dagdag dito, kilala rin sa pagiging masipag sa trabaho at matulungin sa kanyang kapwa manggagawa ang isang Daga. Kung naghahanap ka naman ng isang ambisyosa o ambisyosong nilalang, matatagpuan mo rin ito sa isang Daga. Pero, kahit hindi mag-ambisyon, makukuha pa rin ng Daga ang kanyang mga luho at pangarap sa buhay. Ibig sabihin, lagi talagang pinagpapala ng langit ang isang mabait na Daga. Halimbawa, kung may kaibigan kang Daga na namumuhay ng sakto lang, magugulat ka dahil makalipas ang ilang panahon, ang simpleng buhay na ito ay biglang uunlad, yayaman, magkakaroon ng maraming ari-arian, savings at magandang bahay. Kahit pa sabihin na gusto lamang niya ng isang simpleng pamumuhay, wala siyang magagawa sa ipagkakaloob sa kanya ng langit.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.



Itutuloy….


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Marso 23, 2024



Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.



Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Boar, Pig o Baboy. 


Ang Boar, Pig o Baboy ay silang mga isinilang noong 1923, 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019 at 2031.


Tinatayang ngayong 2024, susuwertehin ang Baboy sa halos lahat ng aspeto ng kanyang buhay, basta’t limitahan lamang niya ang labis na paggastos sa lahat ng bagay.


Kapag nabuhay ang baboy sa katamtaman, malaking tagumpay na may kaugnayan sa materyal na bagay ang tiyak na mapapasakanya, higit lalo sa buwan ng Hunyo hanggang Hulyo. Kung saan, maraming blessings at biyaya silang matatanggap, unang-una na sa kanilang mga mahal sa buhay at maging sa kanilang mga kaibigan.


Dagdag dito, aangat din ang aspetong pangkabuhayan ng Baboy sa buong taon ng 2024. Tulad ng nasabi na, ang pag-angat ng kabuhayan ay iaabot o ibibigay sa kanila ng kanilang kapamilya at mga mahal sa buhay. Dahil dito, dapat iwasan ng Baboy ang pakikipagtalo o pakikipag-away sa kanyang mahal sa buhay at sa kanyang mga kadugo, dahil tulad ng nasabi na, sa kanila manggagaling ang suwerte at magandang kapalaran ng Baboy sa taong ito ng Green Wood Dragon.  


Bukod sa mga kadugo o kamag-anak, ang mga kaibigan ng Baboy ay may ambag din na bulto ng suwerte para sa kanila. Pero, hindi lang mga kaibigan at kamag-anak ang tutulong sa kanila, dahil pati na rin ang kamay ng nasa itaas ay ilalawit upang abutan sila ng mga biyaya at hindi masukat na pagpapala na may kaugnayan sa materyal na bagay.


Kaya iminumungkahi na laging magpasalamat sa nasa itaas, sa pamamagitan ng pagtulong sa kanilang kapwa na alam nilang walang-wala rin. Sa ganitong pag-uugali, ang langit mismo ang magpupuno at magbubuhos ng biyaya para sa mga Baboy, lalo na sa last quarter ng taong ito.  


Samantala, bukod sa kulay na green at yellow, mapalad din ang Baboy sa kulay na silver at gray. Sa pangkalahatan, kusa namang iigting ang mabuting kapalaran ng isang Baboy mula sa ika-19 ng Hunyo hanggang sa ika-27 ng Hulyo, mula sa ika-19 ng Oktubre, hanggang sa ika-27 ng Nobyembre at mula sa ika-18 ng Pebrero hanggang sa ika-27 ng Marso ngayong 2024 hanggang sa 2025.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.



Itutuloy….


 
 
RECOMMENDED
bottom of page