top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | June 17, 2021



Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Tandang o Rooster ngayong Year of the Metal Ox.


Kung ikaw ay isinilang noong 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017 at 2029, ikaw ay naiimpluwensiyahan ng animal sign na Tandang o Rooster.


Ang magiging kapalaran ng Tandang ngayong taon ay patungo sa positibo at magandang direksiyon, higit lalo sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Tulad ng dati mo nang ginagawa at pagkakamali, dapat mong iprayoridad ang iyong mga layunin mula sa pinakamahalaga. Ibig sabihin, kailangang timbangin mo ang iyong mga plano at bigyan ng sapat na atensiyon at oras dahil ngayong 2021, ang lahat ng balakin mo ay tiyak na magkakatotoo at ibibigay sa iyo ng langit.


Kaya lang, ang madalas na nagiging problema sa iyo, bagama’t naipaprayoridad mo ang mahahalagang gawain, hindi mo ito naipagpapatuloy na tapusin, kaya nabibitin sa iyo ang tagumpay. Kadalasan pa nga, hanggang simula ka lamang pero wala namang ending. Kaya sa taong ito ng 2021, tutal ay nasa kalagitnaan pa lang ang taon, kung gusto mo talagang magkaroon ng mas malaking tagumpay, tapusin mo na ang lahat ng iyong nasimulan bago ka magsimula ng panibagong proyekto. Kapag nagawa mo ‘yan, higit kang magiging maligaya at matagumpay sa buong 2021.


Ang isa pang mabuting balita, maraming magaganda at nagmamadaling oportunidad ang darating sa buhay mo. Kumbaga sa sasakyan, pila-pila na humahagibis sa kalsada, kaya kung babagal-bagal ka at hindi mo susunggaban ang mga oportunidad, maiiwanan ka sa pansitan. Ang malamang na mangyari, makikita mong nagtagumpay at maligaya na ang iyong mga kasabayan, habang ikaw ay nagmumukmok at kuntento na sa maliit na achievement at katiting na ligaya ng buhay.


Sa pag-ibig at career ay ganundin ang dapat ipatupad na diskarte— kung may mga oportunindad ng bagong pagkakakitaan o alok na magpapataas ng income at asset, sunggaban mo at ‘wag kang tatanggi dahil ang lahat ng ito ay magdadala sa iyo ng dagdag na yaman at kapakinabangang pangmateryal sa buong taon.


Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon ay ganundin, kung may mga lalaki o babaeng magpaparamdam, hindi na dapat magdalawang-isip pa, dahil sa taong ito, ang lahat ng kilitian, nakakikilig na biruan, paunti-unti na lambingan, kapag pinapasok mo sa iyong damdamin at isipan, ang anumang maliit na romansa ay magdudulot sa makisig, nakasasabik at napakasarap na romansa sa isang Tandang. ‘Yun nga lang, dahil magiging aktibo ng iyong libido ngayong 2021, makatuwiran lamang na mag-ingat pa rin sa mga relasyong bagama’t masarap at bawal upang hindi ka mapahamak at mapanatili mo sa lipunang iyong ginagalawan ang dati mong asta na akala mong hanga sa iyo ang lahat.


Mula sa kalagitnaan ng taon, Hulyo hanggang sa Oktubre at maaaring tumagos pa hanggang Nobyembre at Disyembre, bukod sa masayang love life, maraming alok na pagkakakitaan ang darating kung saan tiyak namang makakahawak ka ng malaking halaga. Pero dahil likas sa iyo ang paggasta, posibleng mawawala na parang bula ang halagang ito.


Kaya sa taong ito, ugaliin at ilagay mo sa iyong isipan na ang ang pag-iipon ay dapat mo ring iprayoridad. Kapag nagawa mo ‘yan, lilipas ang anim na buwan, darating ang bagong taong 2022 at sa panahong ‘yun, muli mong babalikan ang nangyari sa iyo sa nakaraang taon, magiging masaya ka dahil makikita mong sa halip na mga bayarin ang natira, matutuwa ka dahil kahit papaano ay nagkaroon ka ng bagong romansa at kumita ka pa ng dagdag na pera, na sapat upang ito ay muli mong mapalago sa pagpasok ng susunod na taong 2022.


Itutuloy

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | June 15, 2021



Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Tandang o Rooster ngayong Year of the Metal Ox.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017 at 2029, ikaw ay naiimpluwensiyahan ng animal sign na Tandang o Rooster.


Sa aspetong damdamin at sa pakikipagrelasyon, sinasabing bagama’t tapat umibig ang isang Tandang, hindi naman niya naibibigay nang buo at sagad ang kanyang pagmamahal dahil marami siyang isinasaalang-alang at kinatatakutan sa buhay pagdating sa aspetong pandamdamin.


Dagdag pa rito, sa panahong siya ay umiibig, nauuna niyang hanapin ang kapintasan ng kanyang kasuyo sa halip na ang magagandang ugali at kalikasan ng kanyang minamahal. Dahil dito, bihira sa isang Tandang ang sobrang umibig at magmahal dahil para sa kanya, kailanman ay hindi niya “i-a-idolize” o ilalagay sa sobrang taas na pedestal ng papuri, paghanga at pagmamahal ang kanyang sinisinta o tintangi-tanging babae o lalaki.


Kaya naman kapag nagkaroon na ng hindi pagkakaunawaan ang dalawang pusong nagmamahalan at niyaya ng hiwalayan ang Tandang, walang pagdadalawang-isip na hindi ka niya tatanggihan dahil para sa kanya, bukod sa aspetong pandamdamin, marami pa siyang dapat iprayoridad sa buhay. Kaya naman kapag sinasabi ng isang Tandang na mahal na mahal ka niya at ayaw niyang makipaghiwalay, posibleng hindi ito ang tunay niyang saloobin dahil kadalasan ay pilit niyang itinatago ang tunay na damdamin o saloobin sa kanyang minamahal.


Kaya naman kung bibigyan ng iskor kung gaano katinding mabigo ang Tandang sa pag-ibig, masasabing sa iskor na 1 to 10, hanggang 5 o 6 lang ang maitatala sa damdamin niya. Ito ay dahil ang Tandang ay hindi naman seryoso o tunay na nagmamahal sa kanyang kasuyo, dahil palagi siyang may reserbasyon at itinitira sa kanyang sarili at iba pang mga bagay na ipinaprayoridad niya sa buhay.


Sa kabila ng lahat, ang pinaka-compatible ng mapag-isip at mahilig mag-analisa na Tandang ay ang kapwa niya matalino at tusong Ahas. Ang relasyong Ahas at Tandang ay hindi mauubusan ng kuwento at halos lahat ng bagay sa silong ng langit ay kanilang masayang pagdedebatehan. Bagay na bagay din ang praktikal na Ox o Baka sa isang Tandang, kung saan ang relasyon nila ay mapupuno ng maraming mga proyekto at kasipagan. Gayundin, kapwa sila mahihilig at magugumon na palaguin ang kanilang career at kabuhayan.


Ang Dragon naman ay magugustuhan ang mga imposible at malalaking pangarap ng Tandang, na kung ang Tandang lang ang gagawa at magsisimula ay hindi niya ito matatapos, ngunit sa tulong ng Dragon, gaano pa kalaki ang plano ng Tandang, tiyak na ito ay kanilang matatapos at mapagtatagumpayan.


Tugma at ka-compatible din ng Tandang ang Tigre, Kambing o Tupa, Unggoy, Aso at Baboy hangga’t ang nasabing mga animal sign ay hindi kokontra, sa halip ay susunod at makikiayon sa mga iniisip at pinaplano ng matalinong Tandang.


Itutuloy

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | June 08, 2021



Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Tandang o Rooster ngayong Year of the Metal Ox.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017 at 2029, ikaw ay naiimpluwensiyahan ng animal sign na Tandang o Rooster.


Dahil likas na matalino at palaisip, nagagawa ng Tandang na solusyunan ang anumang mahirap na mga problema nang mahusay at kakaiba. Kaya naman sa isang grupo ng magkakaibigan, hinahangaan ang Tandang sa mga solusyon at kakaibang pormula na naiisip niya sa paglutas ng mga mabibigat na problema.


Ang problema lamang sa Tandang, madali niyang napupuna ang maliliit na detalye, kaya kahit maliit lang ang problema, ito ay napapalaki niya. Bagama’t likas na optimistic ang mga Tandang, dahil sa pagiging “critical minded” at mahilig sa detalye, kumbaga, ‘yung maliit na dumi sa isang malaking tela na kulay puti ang napapansin niya sa halip na ‘yung malaking puti na kulay. Dahil dito, sinasabing madalas hindi mapakali ang Tandang dahil sa mga nakikita niyang pagkakamali at imperfection sa kanyang paligid, kaya naman dahil binigyan ng kakaibang taas ng pag-iisip at pag-aanalisa, bihirang mapahinga ang isip ng isang Tandang kung saan, madalas siyang nawawalan ng totoong peace of mind.


Ngunit kung ang katalinuhang ito ng Tandang at ang pagiging palaisip ay sasamahan niya ng emosyon at damdamin, kung saan sa tuwing iibig ay isasantabi muna niya ang isip, higit siyang magiging kampante at maligaya.


Bukod sa matalino at palaisip, kilala rin ang Tandang sa pagiging praktikal, kaya madali niyang nalulutas ang anumang problema nang magaan at kahanga-hanga. Ngunit tulad ng nasabi na, dahil sa sobrang pagiging praktikal, sa panahong ang Tandang ay umiibig, hindi sinasadyang magiging praktikal din siya sa pagtutuos, kaya sa pakikipagrelasyon, hindi siya gaanong nagiging tunay na maligaya dahil ipipilit niyang maging prakital pati sa ang larangan ng damdamin at pag-ibig.


Kung matututunan ng isang Tandang na dumama sa halip na mag-isip at hanapan ng kung anu-anong detalye ang pakikipagrelasyon, higit siyang mag-e-enjoy sa romansang dulot ng isang wagas at tunay na pag-ibig.


Itutuloy

 
 
RECOMMENDED
bottom of page