top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | January 18, 2022

Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa katangian at kapalaran ng animal sign na Water Tiger sa taong ito ng 2022.

Kung ikaw ay isinilang sa taong 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010 at 2022, ikaw ay mapabibilang sa animal sign na Tiger.

Ang isa sa mga positibong katangian ng isang Tigre ay ang pagiging masigasig sa anumang layunin o balak niya sa buhay at sa simula ng proyekto ay tunay na masiglang-masigla siya.

Ngunit ‘pag tumagal na, umiiral ang pagiging mainipin ng Tigre, kaya minsan, ang mga nasimulan niyang gawain ay kanyang binibinbin at hindi agad natatapos.

Gayunman, kung matututunan ng Tigre na iprayoridad ang mga sinimulan niyang gawain bago gumawa o humawak ng panibagong gawain, mabubuo ang napakaunlad at matagumpay na Tigre.

Sinasabi ring sa mga pamamaraan, tunay namang kakaiba at unconventional ang diskarte ng isang Tigre, kaya sa mga bagay na kakaiba at pambihira, hinahangaan at sumisikat ang kanyang mga proyekto at gawa. Kung ipagpapatuloy lamang niya ang pambihirang katangian na ito at iisipin kung paano siya kikita ng malaking halaga sa mga gawaing ito, dahil iba siya sa lahat, hindi lang pagsikat at pagkilala ng lipunan ang kanyang aanihin. Patuloy siyang magtatamo ng malalaki, kakaiba at magagandang kapalaran, na maghahatid sa kanya ng malaking pagyaman na mapakikinabangan niya hanggang sa pagtanda.

Bukod sa pagiging kakaiba, marami ring hakbang, panukala at pagkilos ang isang Tigre na unpredictable. Kaya matapos ang isang kakaibang pakikihamok, napakaraming humahanga at namamangha sa pambihirang kakayahan na ipinakita ng isang Tigre, kung saan noong una ay iniisip ng mga taong nakapaligid sa kanya na hindi niya ito magagawa. Ngunit dahil kakaiba at mahilig mag-eksperimento, may mga pagkilos at diskarte ang Tigre na kadalasang sumasablay at pumapalpak. Ngunit sa mga loopholes at pitfalls naman na ito siya higit na hinahangaan, at sa sandaling napagtagumpayan at nagapi ng isang Tigre ang lahat ng mga pagsubok at kapalpakang ito, malaking suwerte at dambuhalang tagumpay naman ang ipagkakaloob sa kanya ng langit, higit lalo sa buong taong ito ng 2022.

Samantala, likas din sa Tigre ang pagiging makatao at maawain, lalo na sa mga mahirap.

Dahil mababa ang loob ng Tigre sa mga kapus-palad, madalas siyang naloloko ng mga taong nagpapanggap na may mabigat na pangangailangan, ngunit ang totoong hangad o motibo ay dayain o paglalangan lamang ang kanyang kapwa. Kaya naman kung hindi mag-iingat ang Tigre sa mga racketeers at sa mga gumagawa ng scam, malamang na sa taong 2022, malaking halaga ng salapi ang maaaring madaya sa kanya.

Bagama’t malihim, kapag nakapalagayan ka ng loob ng isang Tigre at “at ease” siya sa inyong pagkakaibigan, kung gaano siya kalihim sa ibang mga kaibigan niya, sa iyo naman ay tiyak na ikukuwento niya ang lahat at walang ililihim sa kanyang buhay.

Gustong-gusto kasi ng Tigre na maihayag ang kanyang mga kakaibang ideya, karanasan at saloobin sa mga taong umuunawa sa kanyang kalagayan, at kasabay na iniingatan ang kanyang pribadong buhay.

Sa mga ganitong uri ng tao labis na napapamahal ang Tigre nang hindi niya sinasadya, dahil nararamdaman niya unconsciously na nakakatagpo siya ng tao na poprotekta, uunawa, magtatanggol at magmamahal sa kanya habambuhay.

Itutuloy

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | January 15, 2022

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | January 08, 2022

Maraming mambabasa natin ang nagtatanong kung ano ang magiging kapalaran nila ngayong Year of the Water Tiger, gayundin kung ano’ng kulay at elemento ang iiral at magiging masuwerte ngayong taon.

Sa pagkakataong ito, sisimulan natin ang Forecast 2022 upang malaman n’yo kung ano ang magiging dulot ng taon ng Water Tiger sa ating buhay, gayundin upang malaman ang inyong magiging kapalaran sa susunod pang mga buwan.

Gayunman, ang tatalakayin natin sa isyung ito ay ang masuwerteng elemento, pandispley at kulay sa taong ito. Ang Year of the Water Tiger ay iiral sa unang araw ng Pebrero 2022 o ikalawang New Moon ng taong 2022.

Alalahaning may dalawang mahalagang elementong iiral kasabay ng animal sign na Tigre at ito ay water at ang likas na elemento ng Tigre na wood o kahoy.

Dahil dito, ang masuwerteng kulay ngayong 2022 ay ang kulay ng tubig, na ayon sa sinaunang Chinese Elemental Astrologers, ang water ay may kulay na black o itim. Ito ang pangunahing pampasuwerteng kulay na maaaring gamitin at isuot sa taong ito.

Bukod sa black o itim, pinaniniwalaan ding ang kulay ng tubig ay colorless ngunit nagiging asul dahil sa repleksyon ng langit sa karagatan, kaya ang ikalawang masuwerteng kulay sa taong ito ay ang lahat ng shade o uri ng blue o asul.

Huwag din kalilimutan na ang wood o kahoy na ikalawang elemento ngayong 2022, tulad ng mga punong-kahoy at halaman ay may likas na kulay na green o berde, kaya ang ikatlong mahalagang kulay na magbibigay-suwerte at magagandang kapalaran sa taong ito ay ang kulay na green o berde.

Dagdag pa rito, tulad ng nasabi na, dahil ang year 2022 ay under ng elementong water at wood, napakainam at napakasuwerte ring magdispley sa sala o entrada ng ating bahay ng aquarium na may siyam (9) na isda, maaaring isang (1) pula at walong (8) itim ang kumbinasyon o vice-versa.

Ang nasabing pandispley ang hahatak ng salapi at maligayang relasyon at pagmamahalan sa buong pamilya.

Bukod sa aquarium at iba pang mga bagay na may tubig, mapalad ding pandispley ang mga bagay na nililok, ginawa o niyari sa kahoy. Mientras antique o de-kalidad ang kahoy na gagamitin sa pandispley sa bahay, maaari ring sa opisina o business site, tiyak na mas maraming pera at kasaganaan ang hihigupin ng nasabing pandispley.

Bukod sa nasabing mga kulay at elemento, alalahanin din na ang animal sign na Tigre sa Chinese Astrology ay Aquarius sa Western Astrology, kung saan ang Aquarius ay may ruling planet na Uranus, Saturn at co-ruler niya rin ang Sun. Dahil dito, ang Aquarius o Tigre ay magiging mapalad sa kulay ng Araw, at ito ay ang kulay na yellow o dilaw.

Upang higit n’yong maunawaan ang hiwaga at lihim ng Chinese Elemental Astrology sa kumbinasyon ng Western Astrology, narito ang mga kaparehong zodiac sign sa Western Astrology ng mga animal sign sa Chinese Astrology na nagsisimula sa Rat o Daga.

  • Rat o Daga - Sagittarius

  • Ox o Baka - Capricorn

  • Tiger o Tigre - Aquarius

  • Rabbit o Kuneho - Pisces

  • Dragon - Aries

  • Snake o Ahas - Taurus

  • Horse o Kabayo - Gemini

  • Sheep o Tupa - Cancer

  • Monkey o Unggoy - Leo

  • Rooster o Tandang - Virgo

  • Dog o Aso - Libra

  • Boar o Baboy - Scorpio

Ibig sabihin, may 12 animal signs sa Chinese Astrology o Animal Constellation na nakita ng mga sinaunang Astrologists sa China sa kalangitan at ang animal signs na ito ang nakita naman ng Western Astrologers sa kanluran, kung saan nakaiba lang sila ng cycle o ikot at pangalan.

Sa Chinese Astrology, taunan ang pagdating at pag-ikot ng animal signs, habang sa Western Astrology naman ay monthly o buwanan ang pag-ikot ng 12 zodiac signs.

Itutuloy

RECOMMENDED
bottom of page