top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | May 3, 2022


Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing ugali, katangian at kapalaran ng animal sign na Pig, Boar o Baboy ngayong Year of the Water Tiger.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007 at 2019, ikaw ay mapabibilang sa animal sign na Boar, Pig o Baboy.


Bukod sa mapagmahal at mapagkakatiwalaan ang mga taong isinilang sa Year of The Pig, sinasabi ring malalambing at mapang-akit sila. Hindi lang mapang-akit, bagkus, mainit sa kama, mahusay sa romansa at masarap magmahal dahil nagagawa nilang pagbutihin ang anumang relasyon na kanilang napapasukan.


Ngunit minsan, ang nagiging problema nila ay nahihirapan silang intindihin ang kanilang kapwa, kaya naman may tendency na madali silang mabugnot at mag-init ang ulo, kaya napagbibintangan sila na mahirap kausap at mabagal umintindi.


Sa kabila nito, ang totoo ay madali naman silang bolahin kapag pinuri-puri at nilambing sila. Kumbaga, kung papaliwanagan mo nang may kasamang pambobola ang Baboy, tulad ng nasabi na, dahil likas silang mabait at mapagparaya, madali mo talaga silang mauuto. At minsan, tulad ng nasabi na, madali ring napagsasamantalahan ng ibang tao ang likas na kabaitan at pagiging maawain ng mga Baboy.


Dagdag pa rito, may pagkagalante rin ang mga Baboy at sensitibo sila sa damdamin at kalagayan ng iba. Sabi nga sa aklat na Chinese Elemental Astrology ni E.A. Crawford, “The Boar is the original soft touch and will open his home and give out money to all. He is generous to those he loves and those he wants to love him, and will share everything he has, even to his own detriment.”


Dahil sa ganitong ugali ng mga Baboy, may isang panahon sa kanilang buhay na sila ay nababangkarote. Kumbaga, nalulugi ang negosyo o nauubos ang kanilang kayamanan. Gayunman, kahit magkandalugi-lugi at bumagsak ang kabuhayan, ang nakatutuwa sa Baboy, nananatiling buo ang kanyang loob, patuloy siyang lumalaban sa hamon ng buhay, hanggang sa bandang huli ay makikita mo siyang nakatayo, matatag at maunlad na muli ang kabuhayan.


Kaya ang ugaling nabanggit ang hahangaan mo sa mga Baboy. At kahit may panahong bumagsak ang kanilang kabuhayan, kayang-kaya nilang makarekober at muling umunlad agad.


Ganundin sa pag-ibig, kahit naisanla na ng mga Baboy ang kanilang puso at pag-ibig sa maling nilalang at kahit na nagkandabigo-bigo sa pag-aasawa at pakikipagrelasyon, darating din sa kanilang buhay na muli silang makaka-move on. Dahil dito, magagawa nila muling magmahal, magkaroon ng bagong karelasyon at makabuo ng mas masaya at panghabambuhay na pamilya.


Kung sa ibang mga animal signs ay walang ikalawang saya o gloria, para sa mga taong isinilang sa Taon ng Baboy, palaging may “second chance”. At ang ikalawang mundong ito sa kanilang karanasan ay siguradong higit na magiging maligaya, dakila at panghabambuhay.


Itutuloy

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | May 1, 2022


Sa pagpapatuloy ng Forecast 2022, ang tatalakayin naman natin ay ang huling animal sign sa Chinese Elemental Astrology, at ito ang Pig o Baboy.


Tatalakayin natin ang pangunahing ugali, katangian at kapalaran ng animal sign na Pig, Boar o Baboy ngayong Year of the Water Tiger.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007 at 2019, ikaw ay mapabibilang sa animal sign na Boar, Pig o Baboy.


Ang animal sign na Boar, Pig o Baboy ay pinaghaharian din ng impluwensiya ng planetang Mars, kung saan sa Western Astrology, ang Year of the Boar o Year of the Pig ay kinakatawan din ng zodiac sign na Scorpio.


Sinasabing higit na sumisikat at nagkakaroon ng iba’t ibang karangalan at ang iba pa ay yumayaman kung ang Baboy ay isinilang sa panahon ng tag-araw o tag-init kaysa sa panahon ng tag-lamig o tag-ulan.


Ang problema lamang sa mga Baboy na isinilang sa tag-araw, nagiging magastos o waldas at walang pakundangan sa materyal na bagay. Kaya naman ang pagiging labis gumastos na ugali ng Baboy ang nagiging dahilan kaya kahit lumago ang kanyang kabuhayan, hindi niya ito napapanatili. Sa halip, ang tendency ay muli siyang bumagsak o malugi sa kanyang negosyo.


Kaya kung ikaw ay Baboy at sa panahon ka ng tag-araw o tag-init ka isinilang, kailangang matutunan mong magtipid o limitahan ang iyong paggastos. Gayundin, limitahan mo ang iyong sarili sa anumang “excess” o kalabisan ng iyong mga ginagawa.


Sa pagiging mahinahon at may moderasyon sa lahat ng iyong ginagawa, partikular sa paggastos ng iyong kabuhayan, tulad ng naipaliwanag na, sa buong taon at sa lahat ng taon ng iyong buhay, mas matitiyak ang pag-unlad, kasaganaan at panghabambuhay na ligaya.


Samantala, sinasabi ring tamad o may pagkabatugan ang mga Baboy na isinilang sa panahon ng tag-lamig o tag-ulan. Kaya kung ikaw ay Baboy na isinilang sa nasabing panahon, alam mo na ang gagawin upang lalong umunlad at lumago ang iyong kabuhayan – supilin mo ang ugaling tamad, tutulog-tulog sa pansitan at palaging nakahilata o nakahiga sa sala.


Tunay ngang sa taong ito at sa lahat ng panahon ng iyong buhay, kapag nasupil o nagapi mo ang likas mong ugali na tatamad-tamad at tutulog-tulog, malaking surpresa ng magagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit, kung saan maaaring sa panahon ding ito umunlad nang todo ang iyong kabuhayan hanggang sa tuluyan kang yumaman.


Itutuloy


 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | April 26, 2022


Sa pagpapatuloy ng Forecast 2022, tatalakayin natin ang pangunahing ugali, katangian at kapalaran ng animal sign na Dog o Aso ngayong Year of the Water Tiger.

Kung ikaw ay isinilang noong 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006 at 2018, ikaw ay mapabibilang sa animal sign na Dog o Aso.


Ngayong taon, sinasabing maraming magagandang oportunidad at bagong kakilala na magdadala ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran sa Aso. Kaya ang kailangan niyang gawin ay maglalabas ng bahay upang mas madaling masagap ang suwerte at magagandang kapalaran na inilaan sa kanila ng langit ngayong Year of the Water Tiger.


Tinataya rin na magkakaroon sila ng bagong sirkulo ng mga kaibigan at samahan, na sigurado namang magdadala sa kanya ng dagdag na suwerte at magagandang kapalaran.


Kaya kung may mag-aalok sa Aso na sumali sa isang samahan o kaibigang magpapakilala sa kanila sa mga bago pang kaibigan, tulad ng nasabi na, sa mga ganitong sitwasyon ay makatatanggap at magtatamo siya ng mas marami pang magagandang kapalaran, lalo na sa larangan ng damdamin at materyal na bagay.


Kaya kung matututunan ng Aso na lumabas sa kanyang “comfort zone”, at kapag nawala na sa buhay nila ang pagdadalawang-isip, takot o pag-aalinlangan, sa halip ay labas nang labas at sugod nang sugod sa mga oportunidad na dumarating, tatanggap siya ng walang humpay na biyaya na noon pa inilaan ng langit sa kanya.


Hindi rin dapat makalimutan na dahil sa panahong ito ay panahon ng politika o halalan, tunay ngang ngayon na rin darating sa Aso ang pagkakataong magkamal ng maraming-maraming salapi, na kung iingatan o gagawin niyang puhunan, ito na rin ang pagkakataon upang siya ay makapagsimula ng negosyo na magpapayaman sa kanya nang bongga.


Samantala, sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, magkakaroon ng “variety” o sari-saring kulay ang mga ugnayan at karanasang mapapasukan ng Aso. Kabilang sa makukulay na karanasan ay ang masasalimuot, ngunit masasarap na romansa nag mag-a-uplift ng kanyang kaluluwa at pagkatao.


Kaya naman habang tumataas nang husto ang sulak ng libido, kung hindi mag-iingat, ang Aso ay maaaring masuot sa hindi inaasahang pagbubuntis. Maaari ring maganap ang hindi pinaghandaang pag-aasawa, kaya ngayong 2022, maghinay-hinay ka at dapat lagyan mo ng disiplina at matinding pagpipigil ang iyong sarili, lalo na sa larangan ng sex at pag-ibig sa buong taon, partikular sa mga buwan ng Agosto hanggang Nobyembre.

Dahil dito, ipinapayo na ang dapat mo pa ring iprayoridad sa taong ito kung hindi ka pa handang mag-asawa o magpamilya ay ang pagpapayaman. Sa ganu’ng paraan, ‘pag higit mong binigyang-pansin ang materyal na bagay, tuloy-tuloy na aangat ang graph ng aspetong pangkabuhayan sa iyong kapalaran hanggang ikaw ay tuluyang yumaman.


Bukod sa kulay na all shade of green, mapalad din ang Aso sa kulay na red o pula. Kung nais mo namang makipagsapalaran sa anumang uri ng number games, maaaring subukan ang kumbinasyon ng mga numerong, 6, 12, 18, 22, 29 at 39, ganundin ang mga numerong 3, 24, 27, 33, 45 at 54, higit lalo sa mga araw ng Martes, Huwebes at Biyernes.


Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran ng Aso sa buong taon mula sa ika-18 ng Mayo hanggang sa ika-21 ng Hunyo, mula sa ika-18 ng Setyembre hanggang sa ika-30 ng Nobyembre.


Itutuloy

 
 
RECOMMENDED
bottom of page