top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | April 4, 2023


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng animal sign na Rooster o Tandang ngayong Year of the Water Rabbit.


Ang Tandang o Rooster ay silang mga isinilang noong taong 1921, 1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017, at 2029.


Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, sinasabing sa panahong ito ng iyong buhay, hindi mo na dapat pang balikan ang mga kabiguan at tagumpay. Sa halip, anuman ang bunga o idinulot ng nagdaang mga relasyon, kalimutan mo na ‘yun, at mag-move on ka na, kasabay ng pagkakaroon ng bago at mas makabuluhang relasyon.


Halos ganu’n nga ang nakatakdang mangyari, kung saan, sa Year of Water Rabbit, ang mga Tandang na wala pang kasintahan, hindi pa nagkakaroon ng nobyo o nobya, at mga wala pang-asawa, kusang lalakas ang kanilang magnetismo sa opposite sex. Kaya ang posibleng mangyari, bigla kang makakatagpo ng isang nilalang na magpapaligaya sa iyo sa buong 2023, lalo na kung ang nasabing nilalang ay isinilang sa animal signs na Baka, Dragon at Ahas.


Sa kabilang banda, kung wala pa ring love interest na dumarating sa taong ito, hindi ka dapat malungkot, magmukmok o mawalan ng pag-asa dahil sa bandang huli at sa hindi inaasahang pangyayari, lalabas ang isang babae o lalaking ipinadala sa iyo ng langit na makakasama mo sa pagbuo ng mga pangarap at kaligayahan habambuhay.


Tulad ng nasabi na, magiging kalugud-lugod at maligaya ang pakikipagrelasyon ng Tandang sa kapwa niya Tandang, gayundin sa Baka, Ahas at Dragon.


Maraming suwerte at magagandang kapalarang darating sa Tandang ngayong taong 2023, mula sa ika-5 ng Mayo hanggang sa ika-14 ng Hunyo, mula sa ika-28 ng Agosto hanggang sa ika-28 ng Setyembre at mula sa ika-Disyembre 5 hanggang sa ika-28 ng Enero 2024.

Itutuloy


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | April 01, 2023


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng animal sign na Rooster o Tandang ngayong Year of the Water Rabbit.


Ang Tandang o Rooster ay silang mga isinilang noong taong 1992, 1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017, at 2029.


Sa mga dadaluhang pagtitipon, sinasabi ring dagdag na salapi ang mapakikinabangan nila, kung saan may pangako rin ng makabuluhang mga paglalakbay at dobleng tubo o kita sa anumang investment na papasukan ng Tandang. Gayundin, maraming surpresa at hindi inaasahang karangalan ang matatanggap ng Tandang sa buong 2023.


Upang lalong makamit ang mga pagpapala at mabuting kapalaran ngayong Year of the Water Rabbit, dapat mapanatiling kampante at hindi magiging marahas, sa halip ay paiiralin ang diplomansya at kahinahunan upang tulad ng nasabi na, mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang bubuhos sa karanasan ng Tandang sa buong taon.


Sa negosyo at pagkakakitaan, aangat nang husto ang aspetong pampinansyal at pangkabuhayan ng Tandang sa buong taong ito ng Kuneho. Ang problema lamang, kapag hindi iniwasan ang sobrang luho at wala sa lugar na paggastos, maaaring ang magandang kabuhayan o salaping tatanggapin sa taong ito ng 2023 ay mabilis na mauubos. Kaya dapat na magtipid, magsinop at mag-ipon nang mag-ipon, sa halip na gumastos nang walang habas.


Ibig sabihin, kung ikaw ay Tandang at kumita ka ng malalaking halaga sa taong ito o nakahawak ka ng dambuhalang halaga ng salapi, dapat pa ring pairalin ang pagtitipid at pagsisinop ng kabuhayan upang lubos mong mapakinabangan ang mga biyayang pangmateryal na ipagkakaloob sa iyo ng langit ngayong 2023.


Dagdag pa rito, sinasabi ring maraming magagandang oportunidad ng pagkakakitaan ang darating sa Tandang ngayong Year of the Water Rabbit, kung saan dapat ay hindi siya matakot o mag-alinlangan. Sa halip, tuka lang nang tuka sa bawat butil ng mga biyaya na mahuhulog mula sa langit upang tuluy-tuloy na umunlad at sumagana ang kabuhayan ng Tandang.


Samantala, kung magbebenta o bibili naman ng mga bagay, hindi ito inirerekomenda sa taong ito ng Water Rabbit, bagkus, ang mga ito ay dapat gawin sa susunod na taong 2024.


Dagdag pa rito, hindi rin inirerekomenda na magpalit ng career ang Tandang ngayong Year of the Water Rabbit. Gayunman, mas maganda na magdagdag ng kabuhayan, pagkakaabalahan o investment.


Sa halip, ang pinakapaborable at magandang gawin ng Tandang para sa kanyang career at kabuhayan ay magdagdag ng skills at kaalaman. Sa ganyang paraan, ‘pag pinagsikapan niyang i-develop ang kanyang personality at skills, lalong magniningning ang suwerte at magandang kapalaran ng Tandang ngayong 2023.

Itutuloy


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | March 25, 2023


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng animal sign na Rooster o Tandang ngayong Year of the Water Rabbit.


Ang Tandang o Rooster sila ang mga isinilang noong taong 1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017, at 2029.


Dahil alam ng mga Tandang na matalino sila, hindi sila pumapayag na matalo. Kaya bago pumusta o pumili ng papanigan, sinisigurado ng Tandang na siya ay mananalo. Sa sandaling maramdaman niyang matatalo ang kanyang pinanigan, siguradong gagawa ng paraan ang Tandang upang manalo ang pinustahan niya. Ibig sabihin, masarap kakampi o kasama ang Tandang pagdating sa pakikipagtunggali dahil takot siyang matalo, kaya laging sinisigurado ng Tandang ang panalo bago pa dumating ang aktuwal na labanan.


Ang ikinaganda pa sa Tandang, dahil palaging nag-iisip at may katalinuhan, nagagawa niyang maging simple ang kumplikadong bagay. Kaya kahit ano’ng mabigat na problema ang dumating, hindi niya ito iniinda dahil para sa kanya, ang mga bagay na kanyang pinoproblema ngayon, kinabukasan ay madali lang niya itong masosolusyunan.


Gayundin, ang nakakatuwang parte sa diskarte ng Tandang, kapag mababaw ang problema, nagagawa niya naman itong kumplikado. Minsan ay nasa ilalim na ng ilong niya ang solusyon sa isang simpleng problema, ngunit hindi niya pa matuklasan, na nagiging dahilan upang lalo siyang malungkot at mamroblema. At dahil napaka-complex ng mga salitang inilagay ng Dakilang Lumikha sa utak ng isang Tandang, hindi puwede sa kanya ang mga simpleng bagay dahil gagawain niya itong kumplikado.


Samantala, bagay na makapareha ng Tandang ang isang Baka na walang kamuwang-muwang sa buhay kundi ang tanging interes lamang ay ang magnegosyo, mangalakal, at magpayaman.


Tunay ngang magiging maligaya ang buhay ng Tandang kapag nagkaroon siya ng asawa na hindi tulad niya na masyadong kumplikadong mag-isip—ito ay isang babae o lalaki na may simpleng trabaho, mangatwiran, personalidad at may simpleng pangarap lang sa buhay. Sa piling nito, habambuhay na uunlad at magiging maligaya ang Tandang.


Dagdag pa rito, dahil inaakala ng Tandang na matalino at magaling siya, tunay ngang bihira sa kanila ang tamad. Kaya makikita mo sa Tandang na palaging may pinagkakaabalahan upang magamit ang kanilang uumapaw na enerhiya. Kaya kapag nakatagpo ka ng Tandang na walang ginagawa, tiyak na siya ay sobrang bigo sa buhay.


Karamihan kasi sa pinaniniwalaan ng Tandang ang kanilang tagumpay sa buhay, kaya palagi mo silang matatagpuang positibo, aktibo at nagkukunwaring masaya.


At dahil sa taglay na galing, aktibo at laging postibo sa buhay, minsan ay nagiging magara ang kanilang suwerte at kapalaran. Ang kuwento ng magsasaka na nakahukay ng kayamanan sa gitna ng kanyang bukirin ay siyang eksaktong kuwento sa buhay ng isang Tandang.


Ibig sabihin, sa kakakilos ng kung anu-ano at palaging masigla, makakatagpo ang Tandang ng dambuhalang suwerte at magandang kapalaran nang hindi niya inaasahan.


Itutuloy


 
 
RECOMMENDED
bottom of page