top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | January 13, 2024


Marami ang nagtatanong kung ano nga ba ang mangyayari ngayong taong 2024. Simula na natin ngayon ang isang espesyal na edisyon tungkol sa Prediksyon 2024.Tandaan sa taong ito ng 2024, iiral ang Animal Sign na Wood Dragon, at dahil Dragon ang isa sa pinaka-auspicious animal sign ayon sa Chinese Astrology. Tiyak na maraming indibidwal ang susuwertehin ngayon, lalo na silang mga ka-compatible ng animal sign na Dragon at bukod sa suwerte, higit na mas gaganda ang magaganap sa taong ito ng 2024 kung ikukumpara sa nakaraang taong ng Water Rabbit.  


Ang pag-uusapan natin ngayon para sa unang isyu ng Prediksyong 2024, ay tungkol sa masuwerteng kulay ng taong 2024. Tandaan, bukod sa animal sign na Dragon, bawat taon sa Chinese Element Astrology ay may naka-assign na element na umiikot, at nagkataong wood ang naka-assign sa taong ito ng 2024.


Kaya sa Chinese Element Astrology ang naging saktong pangalan ng taong 2024 ay Green Wood Dragon. Inilagay ko na ang salitang green o berde, dahil may nabasa ako sa isang social media forum na blue dragon umano ang 2024, na sobrang mali at hindi totoo, dahil ang blue o asul ay water, eh samantalang hindi naman water ang elemento ng taong 2024, kundi wood o kahoy. Kaya ‘wag kayong papaloko sa mga nagsasabing blue dragon ang year 2024. 


Kapag Chinese Element Astrology ang tatanungin, ‘wag kayong malito, “green o berde” ang opisyal na pampasuwerteng kulay sa taong ito ng 2024 na siya ring kulay ng mga punong kahoy at halaman na pinanggagalingan ng wood.


Eh bakit naman kulay yellow at peach ang isinusuot ng mga pamilya sa picture na ipino-post nila sa kani-kanyang social media platforms? Tama pa rin naman ang yellow, dahil ang yellow ay secondary color sa taong ito, bukod sa wood na elementong iiral sa 2024, tandaan at unawain din natin na ang Dragon ay may fixed element at ‘yan ang kulay yellow. Kaya ang isa pang secondary color sa taong ito ng 2024 ay green na kumakatawan sa wood o kahoy, habang ang yellow naman ay kumakatawan sa earth o lupa. 


Panigurado nakakita na rin kayo ng mga pamilyang gumagamit ng kulay brown, dahil inaakala o pinapalagay nila na ang kulay ng wood o kahoy ay brown, pero mali ‘yun, dahil ang brown na kahoy ay masasabing lanta o naputol na kahoy. Ang positibong katangian ng wood ay green na kumakatawan o sumisimbolo ng paglago at pamumukadkad ng kapaligiran at kapalaran ng bawat indibidwal sa taong ito ng 2024.


Alam kong madami sa atin ang magtataka kung bakit may mga pamilyang nagsuot ng kulay red noong New Year, pero ‘yun naman talaga ang pinakatama, dahil ayon sa Chinese Astrology pinaka-auspicious o masuwerteng kulay talaga ang pula, dahil ito ay kumakatawan sa power, kasaganahan, kalakasan, pag-ibig at bukod sa successful na materials things kumakatawan din ito sa prosperity at sexual urges na kung tawagin ay libido na siyang nagdadala ng mas maraming enerhiya, umaakit ng mas maraming suwerte at magandang kapalaran, lalo na kung ito ay susuotin mo sa unang araw ng pagsalubong ng Bagong Taon, na puwedeng-puwede mong gamitin sa pagsalubong ng Chinese New  Year na saktong hatinggabi ng February 9, 2024.


Samantala, ‘yung kulay peach na isinusuot din ng ilang pamilya noong New Year ay dapat n’yong malamang walang kaugnayan sa Chinese New Year at sa mga pampasuwerteng bagay, dahil ang kulay na “peach fuzz” ay idineklarang kulay ng taong 2024 ng Pantone commercial printing company, na nagde-design ng saktong kulay ng mga pangunahing industriya, kumpanya o business sa America na naka-base sa New Jersey, U.S.A. Kumbaga ang Pantone company ay isang “trendsetter” ng kulay para sa mga malalaking kumpanya, na kapag inisip mong mabuti ay halos wala naman talagang kaugnayan sa Feng Shui.

 

 


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | April 25, 2023


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa katangian at magiging kapalaran ng animal sign na Dog o Aso ngayong 2023 o Year of the Water Rabbit.


Ang Aso o Dog ay silang mga isinilang noong taong 1922, 1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018, at 2030.


Kung ikaw ay Aso o Dog na isinilang noong 1934 at 1994, ngayong Year of the Water Rabbit, susuwertehin ka kung dadalasan mo ang paglabas ng bahay at pakikipagsosyalan. Mas magiging maalwan din ang iyong kabuhayan kung ikaw ay mag-e-explore ng ibang ‘daigdig’ o venture. Ibig sabihin, ang Aso ay kailangang umalis sa kanyang higaan sa taong ito upang bumuhos sa kanya ang suwerte at magagandang kapalaran, lalo na sa career, pag-ibig at pinansyal na aspeto. Dagdag pa rito, marami ring hindi inaasahang salapi at pagkakakitaan ang papasok sa kaban-yaman ng Aso sa taong ito, kaya lang, kung hindi siya magtitipid, ang lahat ng darating na salapi ay parang tubig na agad-agad mauubos. Kaya sa buong 2023, isa lang ang dapat gawin ng Aso, ang mag-ipon muna bago gumasta. Kapag nagawa mo ‘yan, tuluy-tuloy na aasenso at lalong lalago ang aspetong pangkabuhayan sa buong taong ito ng Water Rabbit.

Para sa mga Aso o Dog na isinilang noong taong 1946 at 2006, matapos kang mamroblema sa mga nakaraang buwan o taon, magugulat ka, parang tinangay ng hangin at aalisin ng nasa itaas ang lahat ng iyong mga alalahanin sa buhay upang ito ay palitan ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Kaya sa taong ito, kailangang magrelaks ka lang at hindi dapat mag-panic sa anumang problema o suliranin na dumating dahil kusa itong masosolusyunan. At pagkatapos masolb ng problema, sunud-sunod na suwerte sa salapi, pag-ibig at damdamin ang darating sa buong taon. Upang mapanatili ang mga suwerteng ipagkakaloob sa iyo ng langit, palagi kang magpasalamat sa nasa itaas at sa pamamagitan ng lihim na pagtulong sa mga kapus-palad at sa mga kaibigan mong naghihirap.

Kung ikaw ay Aso o Dog na isinilang noong taong 1958 at 2018, napakasimple ng pormula para sa iyo. Sa sandaling nag-concentrate ka sa isang depenido at solidong layunin, kahit ano pa ang naisin at ambisyunin mo ngayong Year of the Water Rabbit, walang duda na ‘yun ay iyong makakamit. Kaya sa taong ito, mahalaga para sa isang Aso na tulad mo na hindi magpabago-bago ang isip at desisyon. Dahil sa bawat pagbabago ng isip, kabaliktaran ang iyong aanihin, sa halip na magtagumpay ay tiyak na mabibigo ka. Kaya tulad ng nasabi na, “one-track mind” o isang depenidong pagpapasya lang ang dapat upang sa ganu’ng paraan, tuluy-tuloy na darating ang suwerte at magagandang kapalaran sa buong 2023.

Gayunman, para sa mga Aso na isinilang noong 1970, kailangang mabilis ka sa pagpapasya at pagkilos. Maraming magagandang oportunidad at suwerte ang darating sa iyong harapan, ang problema, kung babagal-bagal ka, mawawala ito, at ang matitira sa iyo ay panghihinayang. Kailangang matuto ka na sa paglitaw ng bulalakaw sa langit, wala kang dapat gawin kundi humiling agad habang ito ay namamasdan mo pa. Dahil sa sandaling mawala ang bulalakaw sa iyong paningin, hindi na siya magbabalik. Kaya muli, paglitaw pa lang ng bulalakaw, humiling ka agad! Kapag ganyan ka kabilis, walang duda na ang lahat ng pangarap at gustuhin mo ay ipagkakaloob agad sa iyo ng langit.

Samantala, kung ikaw ay Dog na isinilang noong 1982, hindi ka dapat na labis na magtiwala dahil may babala na tulad ng dati ay maloko ka na naman ng malaking halaga. Dapat anumang venture ang papasukin mo sa taong ito, ‘wag ka agad maglalabas ng pera kung hindi naman siguradong mabebenta o kikita sa nasabing produktong paglalaanan mo ng pera. Kapag naging maingat ka sa taong ito, buong taon na iingatan ng langit ang iyong kapalaran at kikita ng malaking halaga, lalo na kung mananatili ka muna sa mga dati nang pinagkakakitaan.


Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, hindi ka dapat mag-alinlangan sa pangako, pag-ibig at pagkalinga ng iyong kasuyo dahil anuman ang maganap, mananatiling mainit at masarap ang inyong pagmamahalan, basta ang mahalaga, palagi kang positibo at nagtitiwala, hindi lamang sa iyong minahal kundi pati na rin sa langit. Sa ganyang paraan, tuluy-tuloy ang ligaya at panghabambuhay niyong relasyon.

Itutuloy


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | April 22, 2023


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa katangian at magiging kapalaran ng animal sign na Dog o Aso ngayong 2023 o Year of the Water Rabbit.


Ang Aso o Dog ay silang mga isinilang noong taong 1922, 1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018, at 2030.


Sa negosyo, pagkakaperahan at career, sinasabing sa taong ito ng Water Rabbit, maraming pagkakaabalahan ang Aso na may kaugnayan sa salapi. Ang problema, sa dami ng kanyang mga inaaturga, maaaring hindi niya matapos o maihatid sa tagumpay ang ilan sa kanyang mga ginagawa, kaya ang payo, kung magnenegosyo o mag-i-invest ang isang Aso ngayong 2023, dapat siguraduhin niyang matututukan niya ito upang ang nasabing investment o gawain ay tiyak na magtagumpay at kumita ng malaking halaga.


May babala kasi ng kung saan-saang bagay malilibang ang Aso ngayong Year of the Water Rabbit, kaya maraming bagay siyang na mapapabayaan, at tulad ng nasabi na, hindi ito dapat mangyari.


Upang masolusyunan ito, ang pinakaepektibong diskarte ay isa-isa lang munang gawain sa bawat panahon at tapusin muna ang gawaing ito bago magsimula ng panibagong pagkakaabalahan. Sa ganitong paraan, tiyak ang pag-unlad ng kabuhayan at maligayang karanasan para sa Aso ngayong 2023.


Kung marunong mag-concentrate sa isang gawain lamang o tumbok na investment ang Aso, mas makabubuting sa taong ito ng Water Rabbit ay tutukan niya ang mga pagkakaperahang may kaugnayan sa stock market, produktong pagkain, alahas at iba pang body accessories o mga gamit sa katawan. Sa mga gawain o negosyong nabanggit, ang Aso ay tiyak na yayaman nang sobra yaman.


Samantala, sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, kung ikaw ay Aso na wala pang karelasyon, upang makatagpo ng nakakakilig na pag-ibig, iminumungkahi na mas mainam kung dadalas-dalasan mo ang paglabas ng bahay at pakikipag-sosyalan, dahil ayon sa iyong kapalaran, sa mga ganitong okasyon mo matitisod at makikilala ang iyong true love.


Sa mga may kasintahan at may mga asawa na, kailangang alagaan n’yong mabuti ang inyong minamahal sa taong ito ng Water Rabbit dahil may tendency na tuksuhin sila ng ibang nilalang. Ngunit kung magiging malambing ka sa iyong kasuyo, mapag-aruga at hindi mo siya pababayaan, mas mapapanatili n’yo ang matamis, masarap at habambuhay na relasyon, hindi lamang sa taong ito kundi panghabambuhay na magmamahalan at magsasama ng iyong kasuyo.


Samantala, mapalad namang mapangasawa at makarelasyon ng Aso ang kapwa nya Aso, Tigre, Kabayo at Kuneho. Upang matiyak ang isang maligaya, maunlad at panghabambuhay na pamilya, pinakapaborableng panahon naman para sa mga Aso sa taong ito ng 2023 ang petsang mula ika-3 ng Mayo hanggang sa ika-15 ng Hulyo at mula sa ika-3 ng Setyembre hanggang sa ika-15 ng Disyembre.

Itutuloy


 
 
RECOMMENDED
bottom of page