top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Enero 31, 2024


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng animal sign na Dragon ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Ang Dragon ay silang mga isinilang noong taong 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012, 2024 at 2036. Pagdating sa pag-ibig at pakikipagrelasyon sinasabing sa murang edad naiinlab ang Dragon at kapag hindi nila nakatuluyan ang kanilang puppy love, binuburo na lamang nila ang kanilang sarili sa pagiging single. Kadalasan sa mga Dragon ay matagal nilang mahanap ang kanilang aasawahin habang ang iba ay tuluyan nang hindi nakakapag-asawa.


Subalit sa totoo lang, karamihan talaga sa Dragon ay hindi nila nakakatuluyan ang kanilang first love. May mga pangyayari pa nga na hindi sila nakaka-recover sa kabiguang ito, kaya naman ang ending, kahit umibig pa siyang muli, hindi na ito kasing tindi nang nauna niyang pag-ibig. Dahil nga nabigo siya sa naunang pag-ibig o pakikipagrelasyon, nahihirapan na sila muling magtiwala, at maniwala sa salitang forever.  Sa kabilang banda, may mga Dragon naman nakaka-recover sa unang pag-ibig o pakikipagrelasyon na nagdudulot din sa kanila ng matinding kabiguan at pagkasawi.


Kung makaka-recover man sila, magiging maligaya na sila habambuhay. Maging ang kanilang ikalawang pag-ibig ay dapat kamukhang-kamukha ng kanilang naunang naging nobyo o nobya, lalo na pagdating sa pisikal na itsura. Sa ganitong paraan, tunay ngang may pangako ng isang maligaya, maunlad at panghabambuhay na pag-ibig sa mga isinilang na Dragon.Dagdag dito, bagamat mahirap mapaibig ang isang Dragon, sinasabi namang kapag nakuha mo ang kanyang tiwala at simpatya, tiyak na habambuhay ka na niyang mamahalin.Ngunit, once na sirain mo ang kanyang pagtitiwala, mahihirapan na naman ang mga Dragon na magpatawad. At dito na papasok ang pagkukuwestiyon niya sa kanyang sarili na matapos ka niyang mahalin at pagkatiwalaan ay magagawa mo pa ring sirain ang kanyang tiwala.


Kaya kung ika’y may boyfriend o girlfriend na isang Dragon, hindi mo siya dapat pagsamantalahan o lokohin. Dahil kapag ganu’n ang nangyari, darating at darating ang panahong gagantihan ka niya ng palihim at lantaran sa panloloko at pagkakamaling ginawa mo sa kanya.   Tugmang-tugma naman sa isang Dragon ang may karisma, at mautak na Unggoy. Pagdating sa pagnenegosyo at pagpapaunlad ng kabuhayan, saktung-sakto ang mga Dragon sa Rat o Daga, dahil ang kanilang pagsasama ay siguradong magiging maunlad, at maligaya. Aalagaan naman ng isang Ahas o Snake ang pagiging agresibo hanggang sa mapawi ang pag-aalinlangan ng isang Dragon, at mararamdaman din ng isang Ahas na may karamay at kasangga siya na isang matapang na Dragon.


Sa ganitong bonding, ang pagsasama ng Ahas at Dragon ay tunay ding magiging maligaya. Manatili kayong nakasubaybay sa Forecast 2024, na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang Bulgar upang madami pa kayong matutunan at matuklasan tungkol sa inyong magiging kapalaran sa taong ito ng 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang kayo’y suwertehin sa buong taong ito ng Year of the Green Wood Dragon.


Itutuloy…


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Enero 30, 2024


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng animal sign na Dragon ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Ang Dragon ay silang mga isinilang noong taong 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012, 2024 at 2036.


Ang Dragon ay nagtataglay ng kakaibang tapang at enerhiya. Gayunman, kahit sila ay may pagkadominante, hindi naman sila nawawalan ng alalay o tauhan na sumusunod at inuutus-utusan nila. Kaya naman, sa kalagitnaan ng kanilang edad ay sadyang napapaligiran ang mga Dragon ng mga tapat na tauhan na lalong nagpapayaman at nagpapalakas sa kanila.


Dahil nga ang isang Dragon ay laging masigla at punumpuno ng enerhiya sa kanilang buhay, hindi sila pupuwedeng walang ginagawa, dahil kung ganito ang magiging sitwasyon ng isang Dragon, paniguradong manlulumo at magkakasakit sila.


Kaya naman, ang pinakamasuwerte, pinakadakila, pinakamapalad at pinakamayamang Dragon ay ‘yung Dragon na aktibo, busy at madaming ginagawa. Sa ganu’ng sitwasyon, bukod sa pagyaman, ang Dragon ay tiyak na liligaya habambuhay.


Kaya naman, kapag ang Dragon ay may gustong abutin, ito ay kanyang pinaghihirapan.


Karamihan sa Dragon ay dambuhala at sobrang laki, ngunit nakababahala na may mga sandali ng kanilang buhay na matatagpuan mo silang bigo.


Ngunit, kung ikaw ay isang Dragon at minsan ka nang nabigo, nalungkot o nasawi sa anumang aspetong ng iyong buhay, hindi ka dapat mawalan ng pag-asa, dahil sa lugmok na senaryo ng iyong karanasan, may bababa na isang anghel mula sa langit upang hanguin ka sa kumunoy ng iyong mga problema at sa sandaling nahango ka na, ‘yung mga dating yaman ng iyong buhay at karanasan ay tiyak na ibabalik isa-isa nang mas maganda at bongga, kung ikukumpara sa mga nakaraan mong tagumpay.   


Dahil laging nakikitaan ng pagiging buo ang loob, bagay na bagay sa isang Dragon ang negosyong may kaugnayan sa pagbebenta, dahil kayang-kaya nilang ibenta ang mga bagay na wala naman talagang kakuwenta-kuwenta.


Bukod sa pagbebenta, bagay din sa isang Dragon ang career at negosyong sila ang namumuno o siya ang namamahala. Dahil sa sandaling naging manager sila, tiyak na lalaki at lalago ang organisasyon na pinamumunuan nila.


Manatili kayong nakasubaybay sa Forecast 2024, na eksklusibong n’yo lang mababasa sa pahayagang Bulgar upang marami pa kayong matutunan at matuklasan tungkol sa inyong kapalaran. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat niyang gawin upang suwertehin at magtamo ng marami pang mga biyaya at mga pagpapala sa buong taong ito ng Year of the Green Wood Dragon.


Itutuloy…


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Enero 29, 2024


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng animal sign na Dragon ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Ang Dragon ay silang mga isinilang noong taong 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012, 2024 at 2036.


Madaling nagtatagumpay ang mga Dragon dahil sa kanilang pagiging matapang. Kaya kapag nakakita ka ng isang Dragon na bigo sa buhay, paniguradong pinanghinaan sila ng loob. 


Dalawang klase ang Dragon, kaya maski ako ay nagtataka rin kung bakit sa kabila ng sinasabi at pinaniniwalaang napakasuwerte umano ng Dragon ay may nakikita pa rin tayong bigo at malungkot ngayon. 'Yun nga ang dahilan, ang isang katangian kasi ng Dragon ay ang pagiging masigla, magagalitin, panay ang ungol, pinamamalo ang mahabang buntot at higit sa lahat bumubuga ng apoy - ito ang mga Dragon na ubod ng suwerte sa buhay, at lagi mong matatagpuang maligaya. Ginawa kasi ang hayop na Dragon upang lumipad at makipaglaban.


Samantala, 'yung isang klase naman ng Dragon ay nasa loob lang siya ng kanyang kuweba, nakahiga, maghapong natutulog na para bang ginaw na ginaw, at ayaw lumabas ng kuweba para makipaglaban at makipagsapalaran. Naduwag, ika nga at ayaw nang umalis sa kanyang comfort zone. Sad to say, sila ang mga bigo at hindi masaya sa kanilang buhay. Kulang na nga lang sabihin ng kanilang pamilya na, “Ba't ayaw mong magtrabaho, akala ko ba magaling ka?”


Pero sa katunayan, obvious naman ang sagot at hindi lang niya lang ma-open up, ngunit hayaan n'yo kong sabihin ko na ngayon, “Eh paano, ako ang Dragon na nasa loob lang ng kuweba buong maghapon at panay lang ang tulog!”


Kaya nga sinasabing kapag ang isang indibidwal na isinilang sa Year of the Dragon ay kadalasang kinakampihan ng kanilang mga magulang, nakakalungkot isipin na napakarami sana niyang power, potential, at opportunities na nasayang lamang. Oo, napakarami sana niyang suwerte sa buhay na hindi niya pinitas o pinuntahan dahil sa takot at karuwagan na kanyang nararamdaman. Masaya at kuntento na kasi siya sa loob ng bahay. 


Manatili kayong nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibong n'yo lang mababasa sa pahayagang Bulgar, upang marami pa kayong matutunan at matuklasan tungkol sa inyong magiging kapalaran sa taong ito ng 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs. Kung ano ang dapat gawin upang suwertehin at magtamo ng mas maraming suwerte at pagpapala sa buong taong ito ng Year of the Green Wood Dragon. 


 
 
RECOMMENDED
bottom of page