top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Marso 4, 2024


Ipagpapatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Tandang o Rooster.


Ang Tandang o Rooster ay silang mga isinilang noong taong 1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017 at 2029.


Bukod sa organisado at perpeksiyunista, kilala rin ang Tandang sa pagiging matapang at matalino. Kaya naman sa anumang laban ng buhay, ang Tandang ay hindi basta-basta umaatras o sumusuko. Sa halip, matapos niyang isipin at timbangin ang isang paraan, sa paghugot ng kanyang espada at pagsugod, tiyak ang kanyang pananaig at pagtatagumpay.


Dagdag pa rito, isa rin sa pangunahing mahusay na ugali ng Tandang ay ang pagma-manage ng mga taong kanyang nasasakupan kung saan madali niyang nakukumbinse at nauutusan ang mga taong nakapaligid sa kanya. Kaya naman sinasabing ang isa sa pinakamagandang trabaho o propesyon para sa isang Tandang ay ang pagiging manager sa isang kumpanya o korporasyon. Puwede rin sa kanya ang pagiging lider na siya ang hahawak ng malaking grupo ng mga tao na tiyak namang mapapasunod niya at mama-manage niya nang maganda at maayos.


Napakahusay din ng Tandang na mag-analisa ng mga bagay, kaya madali niyang nasosolusyunan ang anumang mahirap na problema at pagsubok. Sa pakikipagdebate, sobrang lawak din ng kanyang isip at pinagkukunan. Ang problema lang, kapag tiyak siyang tama ang isang bagay na kanyang pinaninindigan, hinding-hindi niya babaguhin ang prinsipyo o paniniwala na kanyang pinanghahawakan.


Sa pakikipagdebate, sobrang lawak din ng kanyang isip at pinagkukunan. Ang problema lang ay kapag alam niyang tama ang isang bagay na kanyang pinaninindigan, hinding-hindi na niya babaguhin ang prinsipyo o paniniwala na kanyang napanghawakan.


Sa asta at pagkatao, madali mong makikilala ang isang Tandang dahil ang porma niya ay laging assertive, - may malaking tiwala sa kanyang sarili at simpatiko. Ito ang pagpapakilala niya sa kanyang sarili sa lipunan at ito rin ang mukhang na inihaharap at ipinapakita niya sa mundo. Kaya naman bihirang-bihira kang makakita ng isang Tandang na malungkutin at lupaypay ang balikat. Dahil tulad ng isang matikas na Tandang na timitila-tilaok sa gradas ng buhay - laging buo ang loob at may pagmalalaki niyang hinaharap ang mga tao at ang mundo.


Sa asta at pagkatao, madali mong makikilala ang Tandang dahil ang porma niya ay palaging buo ang loob, malaki ang tiwala sa sarili at simpatiko. Ito ang pagpapakilala niya sa kanyang sarili sa lipunan at ito rin ang mukhang inihaharap at ipinakikita niya sa mundo. Kaya naman bihira kang makakita ng Tandang na malungkutin at lupaypay ang balikat. Dahil tulad ng isang matikas na Tandang, palaging buo ang loob at may pagmalalaki niyang hinaharap ang mga tao.


Nagagawa ng Tandang ang ganitong kakisig at kahusay na tindig dahil sa bawat paggising niya, nagtataka rin siya sa kanyang sarili kung saan palaging punumpuno ng istamina, reserbang lakas at positibong pananaw ang pang-araw-araw na buhay ng isang Tandang.


Sinasabing kung ang lahat ng magagandang katangian ng isang Tandang ay gagamitin lamang niya sa negosyo, tiyak na mabubuo ang isang napakalaking kahariang tiwasay at ubod ng yaman. Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.



Itutuloy….


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Marso 3, 2024



Ipagpapatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Tandang o Rooster.


Ang Tandang o Rooster ay silang mga isinilang noong taong 1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017 at 2029.


Tandaan natin na ang Unggoy at Daga ay ka-compatible ng Dragon kaya’t ang nasabing animal signs ay tiyak na susuwertehin sa taong ito ng 2024, gayunman ang Tandang ay kabilang din sa kanila. Nangyaring ganu’n, dahil ang Tandang ay ang “secret friend” ng Dragon. Kaya tiyak na susuwertehin din sa lahat ng aspeto ng buhay ang Tandang.


Samantala, ang Rooster o Tandang ay siya ring may zodiac sign na Virgo sa Western Astrology na may ruling planet na Mercury.


Sinasabing ang Tandang ay papalarin mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi habang ang mapalad naman nilang direksyon ay ang timog at timog-silangan.


Sinasabing higit na mas malakas tumilaok at kilala rin sa pagiging palapintas ang Tandang na isinilang sa panahon ng tag-init o tag-araw, kung ikukumpara sa kapatid niyang isinilang sa panahon ng tag-ulan o tag-lamig.


Isa sa pinakapangunahing ugali ng Tandang ay ang pagiging palaayos, ayaw na ayaw nilang hindi nakaayos ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid. Bagama’t gustung-gusto nilang ayusin ang lahat ng bagay, madalas ding matagpuan na maraming kalat at abubot ang silid ng isang Tandang dahil nahihirapan silang tanggalin o itapon ang mga bagay na mayroong sentimental value para sa kanila.


Bukod sa pagiging organized, kilala rin ang Tandang sa pagiging perfectionist.


Kumbaga, ayaw na ayaw nilang nakakakita ng pagkakamali o kapintasan. Dahil dito, maraming proyekto o gawain tuloy ang imbis na matapos at pagkaperahan na ay tumatagal pa.


Sinasabi na kung matutunan lamang ng isang Tandang na hindi maging sobrang perfectionist at masyadong metikuloso sa kanilang ginagawang proyekto o layunin, tiyak ang magaganap - mas maraming tagumpay, pag-unlad ang kanilang matatamo na kung sa materyal na aspeto o sa negosyo, ‘yun nga ang solusyon, tapusin at ipasa na agad ang mga proyektong kanyang nasimulan upang mas madali silang umunlad at yumaman lalo na ngayong 2024.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.


Itutuloy….


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Pebrero 28, 2024



Ipagpapatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Monkey o Unggoy.


Ang Monkey o Unggoy ay silang mga isinilang noong taong 1932, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016 at 2028.


Dahil ka-compatible ng Unggoy ang kasalukuyang animal sign na umiiral sa taong ito, walang duda na ang Unggoy ay makakapagtamo rin ng iba’t ibang uri ng suwerte at magandang kapalaran ngayong 2024, lalo na pagdating sa career, pag-ibig at sa aspetong pangkabuhayan. Ang kailangan gawin ng Unggoy ngayon ay maging alisto sa mga bagay na kanyang pagkakaperahan.


Kumbaga, hindi dapat sila tutulug-tulog sa mga oportunidad na dumarating. Kapag may nag-aya sa Unggoy sa mga gawaing pagkakakitaan ng malaking halaga, walang dapat gawin ang Unggoy kundi sunggaban agad ito, at laging isaisip na ngayon ang pinakamapalad at pinakamasuwerte niyang taon lalo na sa larangan ng salapi at materyal na bagay.


Dahil nga likas na masuwerte ang Unggoy sa Year of Green Wood Dragon, kahit hindi sila lumabas ng bahay ay paniguradong makakatanggap pa rin sila ng iilang suwerte. Pero kung ikukumpara mo naman sa Unggoy na lumalabas ng bahay, nakikipagsalamuha, at umaalis sa comfort zone, tunay ngang mas grandeng suwerte at magandang kapalaran ang paniguradong mapapakinabangan nila ngayong 2024.


Kaya naman sinasabi ring kahit ano pa ang gawin ng Unggoy sa taong ito ng Green Wood Dragon ay tiyak na papalarin. Lalo na kung nagbabalak silang lumipat ng trabaho o magbago ng career.


Gayundin, sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, sinasabing sa taong ito ng 2024, kung ang isang Unggoy ay nakaranas ng kasawian, ngayon na sila makakabawi at makakaranas ng masayang pakikipagrelasyon.


Sa panahon ding ito ang lahat ng mga problemang pangpinansyal, pandamdamin at kaguluhan ng isipan na dala-dala ng Unggoy sa kasalukuyan ay ganap nang aalis na, kaya naman makakaramdam na ang Unggoy ng kapayapaan.


Sa mga mag-asawa, tunay ngang umasa kayong mas lalong iinit at sasaya ang inyong pagmamahalan. Bukod sa tagumpay at ligayang pandamdamin, kapwa madaragan din ang kinikita ng bawat miyembro ng pamilya na magdudulot ng dagdag pag-unlad sa buong pamilya.


Inaasahan ding itatala ang masasayang pamamasyal sa taong ito ng 2024, na magiging dahilan upang ma-refresh at ma-recharge ang inyong inner self na sasagap sa mas marami pang suwerte.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.


Itutuloy….


 
 
RECOMMENDED
bottom of page