top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Marso 17, 2024



Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Boar, Pig o Baboy.


Ang Boar, Pig o Baboy ay silang mga isinilang noong 1923, 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019 at 2031.


Ang animal sign na Boar, Pig o Baboy ay pinaghaharian din ng impluwensya ng planetang Mars, kung saan sa Western Astrology, ang Year of the Boar o Year of the Pig ay kumakatawan din sa zodiac sign na Scorpio.Sinasabing higit na sumisikat at nagkakaroon ng iba’t ibang karangalan at ang iba ay yumayaman kung ang Baboy ay isinilang sa panahon ng tag-araw o tag-init kesa sa panahon ng tag-lamig o tag-ulan.


Ang problema lamang sa mga Baboy na isinilang sa tag-araw, nagiging magastos at waldasera sila pagdating sa materyal na bagay. Ang pagiging magastos ay nagiging sanhi kung bakit hindi lumalago ang kanilang kabuhayan. Kaya kung ikaw ay Baboy at sa panahon ka ng tag-araw o tag-init isinilang, kailangan mong matutunan kung paano magtipid. Gayundin, limitahan mo ang iyong sarili sa anumang “excess” o kalabisan ng iyong mga ginagawa.


Sa pagiging mahinahon sa lahat ng iyong ginagawa, partikular na sa paggastos ng iyong kabuhayan, tulad ng naipaliwanag na, sa buong taon at sa lahat ng taon ng iyong buhay, mas matitiyak ang pag-unlad, kasaganahan at panghabambuhay na ligaya.


Samantala, sinasabi ring tamad o may pagkabatugan ang mga Baboy na isinilang sa panahon ng tag-lamig o tag-ulan. Kaya kung ikaw ay Baboy na isinilang sa nasabing panahon, alam mo na ang gagawin upang lalong umunlad at lumago ang iyong kabuhayan – supilin mo ang ugaling tamad, tutulug-tulog sa pansitan at palaging nakahilata o nakahiga sa sala.


Tunay ngang sa taong ito at sa lahat ng panahon ng iyong buhay, kapag nasupil o nagapi mo ang likas mong ugali na tatamad-tamad at tutulug-tulog, malaking sorpresa ng magandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit, kung saan maaaring sa panahon ding ito umunlad ang iyong kabuhayan hanggang sa tuluyan kang yumaman.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.


Itutuloy….


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Marso 16, 2024



Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.



Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Dog o Aso. 


Ang Dog o Aso ay silang mga isinilang noong 1922, 1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018 at 2030.


Bukod sa aspetong pangkabuhayan, magiging positibo rin ang takbo ng career at propesyon sa buong taon, kung saan may mga recognition o pagkilala silang matatanggap at maaari ring sa taong ito, tataas ang graph ng kinikita at maaari ring magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan sa iba’t ibang larangan na kanilang pinagkakaabalahan sa kasalukuyan.


Kaya naman, kung naghahangad ka na paunlarin pa ang iyong career at pakikisalamuha sa lipunan, ito ang tamang sandali o panahon upang lalo mo pang dagdagan ang iyong achievement, ganundin ang pakikilahok sa career, propesyon at larangan ng politika.


Sa nasabing mga gawain, career, politika at negosyo, tunay na hindi lang sila uunlad, bagkus, ang lahat ng gawaing ito ay magdudulot din sa kanila ng maligayang karanasan sa buong taon.


Gayunman, sa aspetong pangpinansyal at pagkakakitaan, sa kalagitnaan ng taon, unti-unting aangat ang kita at kasabay nito, dahan-dahan na ring aasenso ang kabuhayan ng pamilya.


Dagdag pa rito, kung hindi nagtagumpay ang mga pinasok mong proyekto noong 2023, tiyak namang bago matapos ang 2024, isa-isa nang matutupad ang mga napurnadang gawain. Kaya naman tinitiyak na higit na maraming achievement at pagpapala kang matatanggap ngayong Green Wood Dragon. 


Hindi lang proyekto ang matutupad, bagkus, may pangako rin na bago matapos ang 2024, may darating pang iba’t ibang oportunidad na pagkakakitaan.


Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, bagama’t may mga pagseselos at paghihinala na magaganap, lalo na sa kalagitnaan ng taon, hindi mo naman dapat palakihin at paniwalaan ang mga tsismis na wala namang basehan. Sa halip, ituon mo pa rin ang tiwala at pagmamahal mo sa iyong kapareha kesa madamay pa ang inyong iniingatang relasyon.


Kapag dumating ang panahon na wala na kayong tiwala sa isa’t isa, subukan mong pasyalan ang mga lugar na una n’yong pinuntahan habang binubuo n’yo ang matibay na relasyon na may pangakong habang namamasyal kesa ituon ang isip sa pagseselos, paghihinala at mga walang basehang pagbibintang sa kasalukuyan.


Minsan, hindi magandang tumingin at uliratin pa ang kasalukuyan kung ito ay makakagulo lamang sa relasyon. Sa halip, mas dapat n’yong pagtuunan kung paano kayo nagsimula at kung paano n’yo binuo ang nakakakilig na relasyon.


Sa mga single, ngayong Year of the Dragon, sobrang laking tsansa na matagpuan n’yo ang lalaki o babae na magbibigay sa inyo ng maligaya at nakakakilig na relasyon.


Gayunman, ‘wag kayo masyadong umasa na ang papasuking ugnayan ay magtatagal o magiging panghabambuhay. Sa halip, ang isipin mo lang ay ang kasalukuyan. 


Sa panahong kayo ay magkasama, hindi n’yo dapat isipin ang nakaraan. Sa halip, ibigay n’yo ang best at pinakamasarap na romansa bago tuluyang masimot ang patak ng maliliit na buhangin sa orasang kristal.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.



Itutuloy….


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Marso 13, 2024



Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.



Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Dog o Aso. 


Ang Dog o Aso ay silang mga isinilang noong 1922, 1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018 at 2030.


Sa career at propesyon, ang Aso ay tiyak na magiging magaling na lawyer, union organizers, social workers at tugma rin sa kanya ang public service at pagiging manager. Ang mga negosyong may kaugnayan sa arts o sining, ganundin sa lahat ng uri ng kaartehan, kagandahan, pabango, makukulay na mga bagay, musika at pagsasayaw ay tugma rin sa isang Aso dahil may likas na karisma at mapang-akit, ang negosyong pag-aalok at daldal nang daldal ay sigurado namang magpapayaman din sa isang Aso habang kinukuwentuhan at dinadaldal niya ang mga kliyente at mamimili, lalong lalago at uunlad ang anumang uri ng kalakal na kanyang hinahawakan. 


Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, sinasabing malakas ang sex appeal ng Aso at kapag siya ay may gusto, bagama’t sa umpisa ay susubukan niyang itago ang kanyang damdamin, hindi niya pa rin ito mapipigil dahil para sa isang Aso, ang paghanga ay hindi niya magawang ilihim, kaya kusa niya itong ine-express sa iba’t ibang artistic na paraan. Dahil dito, bukod sa tapat at totoo umibig, ang Aso rin ay napaka-expressive rin pagdating sa sex at love. Kaya naman masasabing sobrang tamis at sarap kung siya ay magmahal.


Dagdag pa rito, hangad din ng Aso na maging malaya sa pagdedesisyon, lalo na sa aspetong pandamdamin. Kaya kung pinakikialaman at didiktahan mo siya, malulungkot ang isang Aso. Sa umpisa ay mapapasunod mo siya, pero sa umpisa lang ‘yun dahil sa bandang huli, iiral pa rin ang ugali niya na naghahangad na makalaya.


Kaya ang iniutos at pinapagawa sa kanya, lalo na pagdating sa pag-ibig at career na hindi naman talaga niya gusto ay tiyak na susuwayin din niya. Pagkatapos nito, basta’t alam niyang nagmamahal siya at doon siya masaya, ‘yun ang gagawin at tatahakin niyang direksyon. Dahil dito, kadalasan ay napagkakamalan ang Aso na matigas ang ulo at may matinding paninindigan sa isang bagay na ginugusto nila.


Sa larangan ng compatibility, compatible ang Aso sa Kabayo at Tigre, sapagkat silang tatlo ay pare-parehong tapat at may mataas na pangarap para sa ibang tao at adhikaing ipinaglalaban.


Okey ding makasama ng Aso ang Daga, Ahas, Unggoy at Baboy, sapagkat madali ring makakabuo ng isang makabuluhan at masayang relasyon sa isa’t isa ang nasabing animal signs. Ngunit, Kuneho ang tunay at higit na ka-compatible ng isang Aso, kung saan inaasahang makakabuo sila ng maligaya at panghabambuhay na relasyon.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024. 


Itutuloy….


 
 
RECOMMENDED
bottom of page