top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 25, 2020


ree


Napatunayan na ng ilang pag-aaral na hindi maganda sa mata ang pagiging tutok sa mga gadgets, ngunit sa patuloy na laban ng ‘Pinas sa Covid-19 pandemic na nagdulot ng ating kinakaharap na “new normal,” online classes na ang magiging sistema sa ilang lugar sa bansa.

Dahil dito, patok ang mga anti-radiation at UV glasses na walang grado para sa mga bata. Pero don’t worry mga momshies dahil may mga affordable na eyeglasses pa rin para sa mga chikitings at kabilang sa mga maaaring mabilhan ay ang Ideal Vision, Fievre at iba pang optical shop.

Ngunit isang paalala mga momshies, maging mapanuri sa pagbili ng eyeglass para sa mga anak, okay?

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 25, 2020


ree


Isa ba kayo sa mga pink lovers, ‘yung tipong gustong kulay pink ang halos lahat ng gamit? Well, kung gamit sa pangluto, ‘di ka na mahihirapang humanap pa ng mabibilhan, beshy, dahil one click away lang ang goodies.by.e sa Instagram na nagpo-post ng mga legit online shops!

Knows n’yo rin ba mga beshy na ang pagiging color pink lover ay may magandang epekto sa ating kalusugan? Ayon sa color psychology, ang kulay pink ay “sign of hope” na maganda para sa ating emotional health. Napatunayan din na nakapagdudulot ang kulay na ito ng calming effect sa ating nerves kaya aprub ‘to lalo na sa mga momshies!

 
 

ni Jersy Sanchez - @Life and Style| June 23, 2020


ree

TULAD ng ibang bagay, pati ang pagsusuot natin ng pang-araw-araw na damit sa trabaho ay mayroon ding pagbabago hindi dahil may batas o kautusan tungkol dito kundi bilang parte ng pag-iingat.

Kaya para sa mga beshies natin d’yan na balik-trabaho at problemado dahil out muna ang kanilang bonggang outfit of the day o OOTD sa work, don’t worry dahil we got you!

Narito ang ilang outfit ideas para hindi madaling kapitan ng anumang virus o germs ang ating kasuotan tuwing papasok sa trabaho:

  1. BUTTON DOWN SHIRT. Maganda rin kung short sleeves para hindi kailangang i-roll ang sleeves tuwing maghuhugas ng mga kamay, gayundin, mas madaling kumakapit at kumakalat ang germs sa long sleeves. Bukod pa rito, mas madaling hubarin ang damit kapag de-butones dahil hindi ito tatama sa mukha.

  2. DRAWSTRING PANTS. Sa uri ng pants na ito, hindi mo na kailangang mag-belt. Tandaan, kinakapitan din ng germs ang belt at kailangan itong linisin pagkatapos gamitin, kaya kung puwede namang hindi mag-belt, ‘wag muna. Isa pa, kumportable rin ito, besh!

  3. CANVAS SHOES. Oks itong gamitin, lalo na kung matagal kang nasa labas o babiyahe dahil mas madali itong i-disinfect gamit ang sabon at tubig. Gayundin, mas maganda kung walang sintas ang gagamiting sapatos para hindi kailangang hawakan. Kung hindi naman “fit” ang canvas shoes sa iyong workplace, puwede kang gumamit ng leather shoes na may rubber soles para madaling linisin.

  4. CLEAN HAIRSTYLE. Patok ngayon ang top knot hindi dahil stylish at mainit kundi para maiwasan ang pagtama ng buhok sa mukha. Make sure na iki-clip ang inyong bangs para walang rason para hawakan ang mukha. Para sa kalalakihan, puwede ang semi-kalbo, pero kung medyo mahaba ang buhok mo, oks din naman ang man bun o pagtatali ng buhok.

  5. SIMPLE ACCESSORIES. Kung puwede, iwasan muna ang pagsusuot ng singsing, braclet at kuwintas. Sa hikaw naman, subukan ang stud o flat at iwas muna sa dangling earrings. Ayon sa mga eksperto, more accessories, more surfaces na puwedeng kapitan ng COVID-19. Gayunman, kung kailangang mag-relo, rubber, plastic o metal watch muna para puwedeng hugasan.

Siyempre, ‘wag kalimutan ang facemasks at washable bags, gayundin, maligo pagkauwi sa bahay.

‘Wag kayong mag-alala dahil hindi naman ito pang-forever. Dedma muna sa OOTD dahil ang importante ngayon ay ang ating kalusugan, gayundin ang kasiguraduhan na ‘di tayo basta-basta kakapitan ng virus, germs o mikrobyo. Gets mo?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page