top of page
Search

ni Rey Joble @E-Sports | March 10, 2024



ree


Babandera ang Team Spirit bilang isang premyadong organisasyon na sasalang sa papalapit na Mobile Legends: Bang Bang Continental Championships Season 3 na gaganapin sa Marso 30.


Inanunsiyo ito ng Moonton Games and Fissure, ang organizers ng torneo kung saan papagitna sa Team Spirit, bitbit ang mga kasali sa Deus Vult, na nagkampeon sa Season 2 ng MCC at isa sa apat na nangungunang koponan sa M5 World Championship.


Ang Team Spirit ay kilala bilang sa mga pangunahing organisasyon ng esports sa Silangang Europa at gitnang Asya (EECA).


Pumukaw ng atensiyon ang Deus Vult sa M5 World Championship kung saan pinangunahan ang kanilang kampanya ni  "Kid Bomba." 


Ang kanilang magandang pagtatapos ay nakalikha ng ingay, dahilan para kuhain sila ng Team Spirit na pinapirma ang mga naturang players gaya nina Stanislav "SAWO" Reshnyak, Anton "HIKO" Pak, Kemiran "Sunset Lover" Kochkarov, Mathaios "Kid Bomba" Chatzilakos at Sergei "Marl" Finashev.


Ayon kay Adalyat Mamedov, Esports and  Commercial Lead, EECA ng  Moonton Games, bukas palad nilang tinatanggap ang Team Spirit para mas maging prestihiyoso at mas glamoroso ang naturang kompetisyon.


"As one of the world's esports juggernauts, we expect them to raise the league's competitive quality and entertainment value to the next level. Coupled with their world-beating talent equipped with teen spirit, they are set for an impactful first season."


Hangad naman ni Team Sprit chief executive officer Nikita Cheshir Chukalin na mas pagbutihin pa ang kanilang kampanya at mapanatili ang kanilang estado bilang pinakamahusay na team sa rehiyon.


Magandang hamon naman para sa Team Spirit, ayon kay Nikita, ang pagsali sa Mobile Legends: Bang Bang kung saan makikita kung gaano kataas pa ang kanilang potensiyal sa bagong larangan na kanilang sasalihan.  


 
 

ni Rey Joble @E-Sports | March 3, 2024


ree


Walong koponan ang maglalaban-laban para sa puwesto para dalhin ang Pilipinas sa prestihiyosong MSC 2024, ang pinakamalaking Mobile Legends: Bang Bang Mid-Season Cup na gagawin sa Riyadh, Saudi Arabia.


Ito ang layunin ng bawat prangkisa na sasalang sa nalalapit na Mobile Legends: Bang Bang Professional League - Philippines (MPL-PH).


Ang ika-13 Season ng MPL-PH ay bubuksan simula Marso 15, tatlong beses isang Linggo – Biyernes, Sabado at Linggo – hanggang Mayo 5.


Lahat ng mga laban ay gagawin sa Shooting Gallery Studios sa Makati City.


May on-ground activities din na gagawin sa papalapit na season, kabilang dito ang  Winstreak, kuwento hango sa tema kung saan magbabahagi ng mga kaalaman sa mga laban. 


Ang video ng  Winstreak ay hinati sa limang parte kung saan magkakaroon ng pagkakataon ang mga kalahok at iba pang mga nahihilig sa Mobile Legends na mas madagdagan ang kanilang nalalaman sa laro.


Bukod dito, naglaan din ang liga ng  Super Star Match para sa nalalapit na MPL Week na gagawin tuwing Miyerkules. Bilang pasasalamat ito ng MPL Philippines sa kanilang mga manonood at taga-suporta sa pagbibigay ng mga codes or gabay sa mga laro para mas mabilis matuto at mahasa ang mga manlalaro.


Ang nalalapit na season ng MPL-PH ay sinusuportahan ng Smart Communications, Inc. bilang opisyal na kanilang telco partner. Nakibahagi rin ang Infinix ng mas mahabang pakikipagsosyo sa MPL-PH para sa mas maihatid ng ang mga laban sa simula ng Season 13. Ito  ang ika-apat na sunod na taon na magkaagapay ang Infinix at MPL-PH.


 
 

ni MC @Sports | January 13, 2024



ree

Photo: SM Moa Arena / Fb


Umusad na sa semifinals ng Asia Pacific Predator League 2024 Grand Finals ang mga Filipino teams matapos dominahin ang group stages ng tournament.


Pasok na ang DOTA 2 powerhouses na Blacklist Rivalry at Execration sa semifinals ng tournament. Nangibabaw ang Blacklist, sa pangunguna nina Abed Yusop at Kim “Gabbi” Santos, sa Group A matapos ang 4-0 steamrolling ng kompetisyon.


Nakuha rin ng Execration ang semifinal spot na may 3-1 na puwesto sa Group A, kasama ang kanilang nag-iisang talo sa kamay ng Blacklist Rivalry. Natapos ang dalawang Filipino squad sa Group A laban sa Mythic Avenue Gaming ng Malaysia, ZOL Esports ng Pilipinas at India’s Whoops.


Nangunguna ang Team Aster ng China sa Group B ng DOTA 2. Sa Valorant, tinapos ng Team Secret of the Philippines ang paglalaro ng grupo na walang talo kasunod ng dominanteng performance laban sa TODAK ng Malaysia at Ender Dragon ng Singapore.


Nabigo ang Oasis Gaming at ZOL Esports ng Pilipinas na makapasok sa playoffs. Sa mga huling yugto ng Predator League, ang Team Secret ay makakaharap sa Team Flash mula sa Vietnam, FAV Gaming mula sa Japan at BOOM Esports mula sa Indonesia.


Tinapos ng Japanese at Indonesian teams ang group stage nang walang talo. Gaganapin ang grand finals ngayong weekend Sabado sa Mall of Asia Arena.                

 
 
RECOMMENDED
bottom of page