top of page
Search

ni MC / Rey Joble @Sports | April 21, 2024


ree

Naiposte ng Tecno ang kanilang ika-anim na sunod na panalo matapos walisin ang Onic Philippines, 2-0, sa MPL Philippines Season 13.


Pinutol naman ng ECHO ang tila lumalakas na laruan ng Smart Omega, ito ay matapos ang mas inspiradong laban nila sa Game 2, dahilan para manaig, 2-0. Sumandal ang ECHO kay Karl "KarlTzy" Nepomuceno, na pinaandar ang  Nolan para tulungan ang Orcas at tuluyang idispatsa ang Omegas.


Para kay  ECHO Coach Harold "Tictac" Reyes, ang mas eksperyensadong manlalaro nila ang siyang nagdala para sa Orcas. “Matibay lang talaga siguro kami mentally,” ang sabi ni Coach Tictac.


Matapos ang panalo, napatibay ng ECHO ang kanilang pagkapit sa ikatlong puwesto kung saan mayroon na silang 6-3 kartada samantalang nalaglag sa 1-8 ang Smart Omega.


Samantala, bukas na sa pagpapa-rehistro para sa Snapdragon Pro Series: Mobile Legends Bang Bang Season 5. Bukas ito para sa lahat ng mga manlalaro sa Timog Hilagang Asya. Muling masusubukan ang kakayanan ng mga Pilipinong manlalaro sa matinding hamong kanilang kakaharapin sa mga dadayong kalaban sa rehiyon.     

 

Samantala, pormal na binuksan ang Indigenous People’s Games sa Salcedo town Ilocos Sur nang makatanggap ng mainit na pagsalubong ang Philippine Sports Commission sa 271 na mga kalahok sa  14 na bayan sa isang malapiyestang opening ceremony.


Nagpasalamat ang Salcedo Municipal Mayor kay PSC Commissioner Matthew ‘Fritz’ Gaston, ang oversight commissioner ng proyekto sa pagdadala ng laro sa kanilang lugar dahil positibo ang pagtanggap nito sa IP communities.


“Nagpapasalamat ako sa PSC. Hindi ko akalain na mapili ang Salcedo na mag-host ng kauna-unahang IP Games ngayong taon. Sa pamamagitan po nito, mapo-promote pa namin lalo ang aming bayan,” ayon kay Gironella-Itchon, ang alkalde. 

                 

 
 

ni Rey Joble @E-Sports | March 27, 2024



ree


Nanatiling wala pa ring bahid ang paborito sa titulong AP Bren Sports at ipakita ang kanilang hangaring makuhang muli ang kampeonato ng MPLPH Season 13.


Winalis lahat ng AP Bren ang kanilang mga katunggali sa walong laro upang mapanatili ang liderato.


Sa ikaapat na pagkakataon, ipinakita ng AP Bren ang kanilang pagdomina sa torneo matapos walisin ang isa na namang kalaban – ang Minana Evos, 2-0. Pumapangalawa sa AP Bren ang Echo Express na may natipong walong panalo sa siyam na laro habang nasa ikatlong panalo ang Onic na may nakolektang anim na panalo sa walong laro.


Naiposte ng Echo ang kanilang ikaapat na sunod na panalo matapos blangkahin ang TNC Pro Team, 2-0.


Ito ang ikaanim na talo sa siyam na laro ng Minana na kasalukuyang umuokupa sa ikalimang puwesto sa torneo na kinabibilangan ng walong koponan. Ipinoste naman ng Onic ang kanilang ikatlong panalo sa isang serye matapos dominahin ang Minana.


Inilabas ng Onic si Duane “Kelra” Pillas’ Freya na siyang naging susi sa kanilang panalo. 


Sa laban kontra Minana, tila walang awat ang Onic at nadala pa nila ito sa laro kontra Omega. Halos perpektong laro ang ipinamalas ng Onic kung saan walang nasalanta sa mga manlalaro laban sa Omega.


Sa ikalawang laban, gumawa ng kanilang bagong estratehiya ang Omega kung saan nagkaroon ng palitan ng mga manlalaro kabilang dito sina John Paul “H2wo” Salonga, CJ “Ribo” Ribo Jr., Dexter “Exort” Martrinez, Nowee “Ryota” Macasa, at Jomari “Jown” Pingol, pero lumabas na mas handa ang Onic.


Sa isa pang laro, nakabawi ang Echo kontra RSG, 2-1. Matatandaang tinalo ng Raiders ang Echo sa kanilang MPL Invitational sa Indonesia noong Nobyembre ng nakaraang taon.


 
 

ni Rey Joble @E-Sports | March 23, 2024



ree


Pormal na inilunsad ang pre-season ng 2024 MLBB CN na gagawin simula Marso 31.


Mahahati sa dalawang parte ang naturang torneo kung saan walong koponan ang maglalaban-laban sa Stage 1 — kabilang na rito ang JDG, KBG, LL, MYG, NOVA, XYG, MXG, and MAX. 


Matapos makumpleto ang dalawang parte ng torneo, ang dalawang premyadong teams na aangat ay tutulak para lumaro sa Esports World Cup (EWC) China Qualification Tournament na kabilang sa Mid-Season Cup (MSC). 


Dahil sa opisyal na pagpasok ng  MLBB CN Esports sa China, nais ni Mike Chu, ang pinuno ng MLBB CN Esports region, na makapagsagawa ng mas balansiyadong torneo at lumikha ng mas kapana-panabik na sistema sa naturang kompetisyon. “We hope to create a stable competition system for local clubs quickly, establish competitive training opportunities for professional players, and bring the highest level of competition content for players who are looking forward to the launch and testing of MLBB CN in the short term,” dagdag pa ni Chu.


Masaya ring ibinahagi ni Chu ang pagsali ng China sa MLBB CN.


Nitong nakaraang torneo, nagsilbing host ang China sa kauna-unahang pagkakataon sa isang premyadong kompetisyon kung saan nanaig ang NOVA Esports. 


Ibinahagi rin ni NOVA Esports CEO Li Tingting ang pagnanais ng kanilang grupo na mas mapalawak pa ang kanilang husay at tumulong sa layuning mas palakihin ang esports sa buong mundo. "NOVA Esports has always prioritised the growth and expansion of esports globally. Joining MLBB CN and learning more about the tournament and local esports roadmap has made us very optimistic about the path of its global esports ecosystem. We look forward to participating in the 2024 MLBB CN tournament."


 
 
RECOMMENDED
bottom of page