ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | March 2, 2021
Hinablot ng Our Tito ang 2021 Philracom 4 Year Old and Above Local-Imported Challenge Race na ginanap noong linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Ang Our Tito ay sinakyan ng hineteng si Jockey Danny Boy Camanero at naorasan sa bilis na 1:39.2 sa distansiyang 1,600 meters na pumangalawa ang Change The Racer at pangatlo ang Righteous Ruby at pumang-apat ang Pangalusian Island.
Sa umpisa ng karera agad kinuha ni Righteous Ruby ang unahan habang kasunod ang Change The Racer.
Pagpasok sa huling likuan unti-unti nagpapalakas ang Our Tito na isa-isang sinasagasaan ang bawat kalaban pagsapit sa huling 500 meters ay dumating na pangatlo ang kabayo ni Putch Puyat habang nag-aagawan sa unahan ang mga liyamadong Change The Racer at Righteous Ruby.
Pagsapit sa huling 100 meters ay nilampasan na nang Our Tito ang mga kalaban na Change The Racer at Righteous Ruby hanggang sumapit sa finish line.
Tumanggap ng trophy at cash na P300,000 ang Our Tito makaraang tanghaling kampeon habang tumanggap naman ng P112,500 ang 2nd place, ang Change The Racer at nakapag-uwi ng P62,500 at ang Righteous Ruby ay 3rd place at P25,000 naman ang napunta sa 4th place na Pangalusian Island.
Ang pagkakapanalo ng Our Tito ay naging dahilan upang mag-carry over sa 1st Winner Take All (WTA) na halagang P1,080,940.31.
RACE01 – CAMBARI ISLAND (3)Finish: 3/2/1/4, P5.00 WIN 3 P10.00,P5.00 FC 3/2 P111.00, P2.00 TRI 3/2/1 P100.20,P2.00 QRT 3/2/1/4 P263.20
RACE 02 – DOUBLE SUNRISE (14)Finish: 14/4/1/5/8/9,P5.00 WIN 14 P32.00,P5.00 FC 14/4 P873.00,P2.00 TRI 14/4/1 P21,071.6,P5.00 DD 3/14 P267.00,QRT CarryOver P20,379.28,PEN CarryOver P6,404.17,SIX CarryOver P22,112.44
RACE 03 – UNIVERSE (11)Finish: 11/8/7/2/1/13,P5.00 WIN 11 P51.00,P5.00 FC 11/8 P2,187.50,P2.00 TRI 11/8/7 P3,044.80,P5.00 DD 14/11 P824.50,QRT CarryOver P70,292.94,P2.00 DD1 3/14/11 P1,574.40,P5.00 XD 3/11 P199.00,PEN CarryOver P19,513.27,SIX CarryOver P33,337.73
RACE 04 – DEL MONTE (14)Finish: 14/11/5/2/1/8,P5.00 WIN 14 P27.50,P5.00 FC 14/11 P176.00,P2.00 TRI 14/11/5 P386.80, P5.00 DD 11/14 P1,044.00,P2.00 QRT 14/11/5/2 P5,954.40,P2.00 DD1 14/11/14 P4,866.20,P5.00 XD 14/14 P1,162.50,P2.00 PEN 14/11/5/2/1 P4,571.60,SIX CarryOver P40,347.89
RACE 05 – OUR TITO (6)Finish: 6/7/5/8/4, P5.00 WIN 6 P49.00,P5.00 FC 6/7 P220.50, P2.00 TRI 6/7/5 P270.20,P5.00 DD 14/6 P1,032.00,,P2.00 QRT 6/7/5/8 P548.20,P2.00 DD1 11/14/6 P8,112.00,P5.00 XD 11/6 P1,798.50,P2.00 PEN 6/7/5/8/4 P2,707.20
RACE 06 – BATANG DRAGONFinish: 4/2/14/7/3/13,P5.00 WIN 4 P70.50,P5.00 FC 4/2 P180.50,P2.00 TRI 4/2/14 P591.00,P5.00 DD 6/4 P1,514.00,P2.00 QRT 4/2/14/7 P940.00, P2.00 PK6 3/14/11/14/6/4 ( 4 of 6 ) P4,980.00 CarryOver P702,157.63,P2.00 DD1 14/6/4 P3,675.60,P5.00 XD 14/4 P311.00,PEN CarryOver P6,680.94,SIX CarryOver P49,398.10