- BULGAR
- Dec 29, 2020
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 29, 2020
Nagkampeon ang Pangalusian island sa katatapos na 2020 Philracom Presidential Gold Cup sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite kahapon.
Hindi na pinaporma ng Pangalusian Island ang nauunang Super Swerte sa huling 50 meters long matapos lampasan sa isang matulis na pagbulusok sa unahan.
Dumating na 2nd place ang Super Swerte na tumanggap ng halagang P600,000 at tumanggap ng P300,000 ang 3rd place na Wonderland at ang 4th place ay ang Boss Emong na tumanggap ng P150,000.
Samantala may P90,000 ang 5th place at tatanggap ng P60,000 ang 6th place. Sa umpisa nang karera kinuha agad ang unahan ni Princess Eowyn at Super Swerte. Habang naroroon ang kabayong Heneral Kalentong na pang-apat na puwesto kasunod ang Boss Emong at nasusundan ng Pangalusian Island.
Pagsapit sa huling likuan ay nagdatingan ang mga kalahok hanggang sumapit sa huling 500 meters at nauuna ang Super Swerte kasunod ang Boss Emong at Wonderland.
Pagsapit sa huling 300 meter umungos na ang super suwerte at nagparemate ang Pangalusian Island at nanalo ng kalahating katawan pagsapit sa finish line. Nagkamit ng unang premyo na P1.8 milyon bilang champion ang Pangalusian Island sa karerang nabanggit.
