top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | January 11, 2022



Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa animal sign na Water Tiger sa taong ito ng 2022.


Tulad ng naipaliwanang na, ang taong 2022 ay paghaharian ng Water Tiger, na magsisimula sa ika-1 ng Pebrero 2022. Maaaring maitanong mo kung ano ba ang mga pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Tiger ngayong 2022.


Kaya kung ikaw ay isinilang sa taong 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010 at 2022, ikaw ay mapabibilang sa animal sign Tiger.


Ang animal sign na Tiger ay siya ring Aquarius sa Western Astrology, na nagtataglay ng planetang Uranus. Dahil dito, inaasahang may malalaki at biglaang pagbabago na magaganap, hindi lamang sa mga pangyayari sa buong mundo kundi maging sa iyong kapalaran.


Kaya asahan mo na ang pagtaas at pagbaba ng graph ng pag-unlad sa aspetong pampinansiyal at materyal na bagay, ngunit muli itong aangat hanggang sa maabot mo ang rurok ng malaking kasaganaan sa buong taong ito ng 2022.


Sa pag-ibig, magkahalong ligaya at lungkot ang susundot sa iyong puso at pagkatao.


Ngunit kung matatagpuan mo ang isang tapat na Kabayo o mapagmahal at malambing na Aso, may pangako ng higit na malinamnam at matatag na pakikipagrelasyon.


Gayunman, ang pinakamapalad na oras para sa Tigre ay mula sa alas-3:00 hanggang sa alas-5:00 ng madaling-araw at mapalad din ang Tigre sa direksiyong silangan at hilagang-silangan o east-northeast.


Kaya kung ang isang Tigre ay gigising nang maaga, uunahan sa pagbangon ang Haring Araw o bandang alas-3:00 ng madaling-araw hanggang alas-5:00 ng madaling-araw, sa katahimikan ng nasabing sandali ay isasagawa na agad ang malalim na meditasyon o pagninilay, kasabay na ilalahad (affirmation) ang kanyang mga pangarap at nais matupad ngayong 2022, tiyak na ito ay maririnig ng langit. Kaya naman walang pagsalang ang mga dinasal at hiniling mo sa nasabing oras ay tiyak na mangyayari at matutupad.


Sa pagdidispley naman ng mga pigura o nililok na bagay na yari sa kahoy sa gawing east at northeast ng kanilang silid, tahanan o business site, tiyak na papalarin ang Tigre.


Samantala, pinaniniwalaan ng mga sinaunang Chinese Astrologers na bagama’t mahirap pakisamahan at unawain ang isang Tigre, kapag ikaw ay may kasamang Tigre sa inyong tahanan, walang duda na maiiwasan ng nasabing bahay ang tatlong pangunahing sakuna; sunog, pagnanakaw at bad elemental beings. Ibig sabihin, kapag may isang Tigre sa bahay, tiyak na walang magnanakaw, hindi masusunugan at hindi rin dadalawin ng multo o anumang bad spirit ang nasabing tahanan.


Isa sa likas na katangian ng Tigre ang pagiging aligaga, ibig sabihin, palagi siyang parang nagmamadali at maraming ginagawa, pero halos wala namang natatapos. ‘Yun na kasi halos ang likas na buhay ng isang Tigre, ang kumilos nang kumilos, maghabol ng oras at palaging magmadali.


Kaya naman kung matututunan ng isang Tigre na i-manage nang mabuti ang kanyang oras, aktibidades at schedule, hindi lamang sa buong isang linggo o buwan kundi kahit man lamang sa isang araw sa isang taon, walang duda na siya ay higit na magtatagumpay at mas maraming gawaing matatapos.


Sinasabi ring ang isa pang katangiang dapat na isaalang-alang ng Tigre ay ang pagiging mabilis magpasya. Kaya naman minsan ay nawawala sa lugar ang kanyang mga ikinikilos, proyekto at inaaturga. Gayundin, pinaniniwalaan na kung matututunan ng Tigre ang ugali ng kaibigan niyang Tandang na mahusay magplano at bago gawin ang isang bagay ay maingat at pinag-iisipang mabuti, matitiyak na ang magiging reasulta ay matumpay, mas masagana at maligayang buhay para sa Tigre.


Itutuloy


 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | January 19, 2021



Sa nakaraang isyu, tinalakay natin ang tungkol sa limang elemento, at ito ay ang: (1) Water o Tubig, (2) Fire o Apoy (3) Wood o Kahoy, (4) Metal o Bakal at (5) at Earth o Lupa.


Natutunan din natin ang dalawang pangunahing uri o cycle ng natural na ugnayan ng ikot ng limang elemento at ito ay ang:


Una, ang “conducive relationship” o kaaya-ayang ugnayan ng mga elemento. Ito ay nauuwi sa matandang paniniwala ng mga Chinese na nagsasabing, “From metal, we get water. From water, we get wood. From wood, we get fire. From fire, we get earth. From earth, we get metal.”


Habang ang ikalawang uri o klase ng ugnayan ng mga elementong ito ay ang “controlling relationship” o ugnayang humahawak at pumipigil.


Sa ugnayang ito, ayon pa rin sa paniniwala ng mga sinaunang Chinese, sinasabing, “Metal is controlled by fire. Fire is controlled by Water. Water is controlled by earth. And Earth is controlled by wood.”


Samantala, dahil ang taong ito, ayon sa Chinese Elemental Astrology ay Year of the Metal Ox, ang unang tatalakayin nating mabuti, na sobrang mahalagang dapat n’yong maunawaan at matutunan upang magamit sa pang-araw-araw n’yong ikaliligaya at ikatatagumpay ng inyong buhay sa taong ito ng 2021 ay ang kahulugan ng elementong Metal.


Tandaang ang panahon ng autumn o taglagas, ganundin ang panahon ng gabi o medyo pagabi ay ikinukonsiderang panahon ng Metal. Kaya masasabing ang mapalad at favorable na season ngayong 2021 ay ang panahon ng fall o taglagas.


Kung nasa Pilipinas ka, madali mong malalaman kung panahon na ng taglagas. Kung mahilig kang bumiyahe at mapag-obserba ka sa iyong nadaraanan, ang panahon ng taglagas ay kapag napapansin mong medyo nahuhulog na ang mga dahon ng malalaking punong-kahoy sa kahabaan ng gilid ng mga kalsada at minsan pa nga ay makikita mo ring nagkukulay-kahel o dilaw na ang mga dahon.


Kapag nakita o napansin mo ang mga palatandaang nabanggit, maaalala mong kusa ang artikulo nating ito at masasabi mo sa iyong sarili habang bumibiyahe ka at nakaupo sa bus, “‘Yun pala ang sinasabi ni Maestro Honorio Ong na panahon na marahil ng autumn o taglagas sa ating bansa at ang nangingibabaw na elemento sa kapaligiran ay metal o bakal.”


Kasabay ng panahon ng taglagas ay ang manaka-nakang kalungkutan sa damdamin at puso ng ilang taong namumroblema sa kanilang buhay, lalo na sa salapi, pag-ibig at kalusugan kung saan ang malalim na pagtataka at kalungkutang ito ay senyales din ng elementong bakal o metal, na natural lamang na mararamdaman ngayong 2021.


Gayundin, kapag panahon ng taglagas, may mga indibibwal na inaatake ng asthma, hika o breathing problem kung saan ito ay mga natural na senyales ng gumagawak na impluwensiya ng elementong Metal sa ating kapaligiran. Kaya dapat ay ‘wag masyadong mag-alala dahil pagdating ng summer, kasabay ng pamumulaklak ng mga punong-kahoy at halaman, ang lahat ng mga suliraning ito ay kusa ring lumilipas at nagpaparamdam.


Dagdag pa rito, dahil sa mismong salitang metal o bakal, perse, ‘yan na nga mismo —likas na magiging panghatak ng suwerte o magandang kapalaran ngayong 2021 ang lahat ng mga bagay na gawa o yari sa metal, tulad ng pang-araro at lahat ng agricultural tools, gaya ng piko, pala, bareta at marami pang iba. Gayundin, ang lahat ng gamit sa paggawa ng jewelry o alahas at mga relo, mga kung anu-anong burloloy at kaek-ekan na yari sa bakal na ikinakabit bilang palamuti sa katawan ay sadyang magiging mapalad sa buong taong ito ng Metal Ox.


Kaya naman masasabing hindi lang panahong ng taglagas ang dapat nating asahan sa taong ito, bagkus, ito rin ang panahon o pagkakataong maaaring lumago at sumagana ang mga negosyong may kaugnayan sa agrikultura, pagmimina, entertainment, leisure o pamamasyal, adventures at iba pang mga gawaing may kaugnayan pagsasaya tulad ng perya, carnival, recreation and amusement parks at iba pang kauri nito.


Tandaan ding ang simbolo ng metal ay bilog. Kaya tulad ng baryang pera, walang sulok na kumakatawan sa walang pagod ng pag-ikot at pagpapabalik-balik ng panahon, ang kalansing ng mga barya at lahat ng yari sa metal na may hugis bilog at tumutunog ay siguradong magbibigay din ng suwerte, magandang kapalaran at walang kahulilip na kasaganaan sa buong taong ito ng 2021.


Itutuloy

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 19, 2021




Sa may kaarawan ngayong Enero 19, 2021 (Martes): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte. Simpleng pamamahinga lang ng magagandang kapalaran kapag nakararanas ka ng paghinto ng buwenas ang kailangan.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magkahalong saya at hirap ang iyong mararamdaman dahil kitang-kita mo na ang iyong malaking parangap ay abot-kamay na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-28-30-43-45.



TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sisilip sa iyo ang isang malaking suwerte. Kapag ikaw ay nakitang nanatiling positibo sa kabila ng mga pangyayaring hindi mo sukat akalain, ang suwerteng ito ay dadapo sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-17-24-39-42.



GEMINI (May 21-June 20) - Mabibilis at hindi paawat ang mga buwenas na biglang lalapit sa iyo, ito man ay hadlangan ng ibang ang gusto ay sila ang buwensin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-20-24-28-34-37.



CANCER (June 21-July 22) - Akala ng nagtatalo, siya lang ang nanalo. Ang hindi niya alam at hindi rin alam ng marami, higit kaninuman, ikaw ang may pinakamalaking panalo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-27-30-35-42.



LEO (July 23-Aug. 22) - Nakatatawa ang mga karibal mo dahil akala nila ay suko ka na. Ang hindi nila alam ay patuloy kang lihim na susugod, kaya ang lahat ay walang magagawa kundi ang mamangha. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-21-25-34-46.



VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maraming biyaya at pagpapala ang ibibigay sa iyo ng langit dahil sa nakitang kontrolado mo ang iyong sarili. Kaya iwasan mo ang pabigla-biglang bugso ng emosyon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-5-16-23-38-41.



LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka dapat huminto dahil lang maganda na ang kapalaran mo. Huwag mong kakalimutan na rito sa mundo, walang hangganan ang pag-unlad habang nagsisikap. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-19-20-27-34-38.



SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tatanggap ka ng regalo mula sa langit dahil sa magagandang katangian na iyong ipinakikita sa kapwa, lalo na ang pagpapasaya mo sa mga kapus-palad at musmos. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-16-17-20-21-25.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakatutuwa kung paano ka mas susuwertehin. Makikitang ang totoo, ayaw mo sa regalo dahil ipinamimigay mo rin sa higit na may kailangan. Saludo sa iyo ang langit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-16-18-23-38-42.



CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bakit kaya may lungkot pa rin sa puso mo kahit ngayon ay nagsasaya ka? Ang lihim na dahilan ay naaawa ka sa mga nakikita mong marami ang walang-wala sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-14-28-30-32.



AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsaya ka nang magsaya. Bakit? Dahil noon pa man at habang ikaw ay nabubuhay dito sa mundo, kapag masaya ka, lalo kang binubuwenas. Muli, magsaya ka nang magsaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-15-17-25-34-46.



PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mula sa malapit at malayo, ang magagandang kapalaran ay nagdaratingan, pero higit sa lahat, ang pinakamalaking saya mo ay magmumula binili mong bagong gamit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-25- 29-39-40.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page