top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | April 21, 2022


Sa pagpapatuloy ng Forecast 2022, tatalakayin natin ang pangunahing ugali, katangian at kapalaran ng animal sign na Dog o Aso ngayong Year of the Water Tiger.


Kung ikaw ay isinilang noong 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006 at 2018, ikaw ay mapabibilang sa animal sign na Dog o Aso.


Sinasabing bukod sa pagiging makatarungan, ang Aso ay kilala rin sa pagiging matapat at mapagmahal, lalo na sa iilang tunay niyang kaibigan. Kapag nagustuhan ka niya o naging best friend ka ng Aso, palagi niyang uunahin ang kapakanan mo bago ang kanya. Ganu’n ka-martir at masakripisyong magmahal ang Aso sa tunay at minamahal niyang kaibigan.


Madali ring tumalab sa Aso ang kasabihang, “First impression lasts,” kung saan kapag nagustuhan ka niya, sa una pa lang ito ay maitatala na sa kanyang memorya at alaala. Kaya kapag kinainisan ka niya sa una n’yong pagkikita, maaaring hindi na kayo magkasundo kailanman.


Gayundin, ang Aso ay mapanuri, kaya sa unang pagkikita pa lamang, tinatanong niya na agad ang kanyang sarili kung karapat-dapat bang maging kaibigan ito o hindi. Dahil para sa Aso, dalawa lang ang tao sa mundo — ang una ay isang kakampi at hindi kakampi. At tulad ng nasabi na, kapag naging kakampi ka niya, ang lahat ng importansiya, pag-aaruga at pagmamahal ay igaganti at ibabalik niya sa iyo.


Pangalawa, ang kalaban. Kaya sinasabing sa sandaling tinandaan ng Aso na kalaban ka, mahihirapan siyang alisin sa isip niya ang tingin niyang ito sa iyo.


Mahirap kasing baguhin ang paniniwala ng Aso, lalo na kung ang paniniwalang ito ay ibinase niya sa malalim na pagninilay, kung saan dahil ang akala ng Aso ay sadyang matalino at mahusay siya, hindi sinasadyang iniisip niya na ang lahat ng desisyon niya sa buhay ay tama at hindi na dapat pang baguhin.


Dahil matigas ang Aso sa kanyang paniniwala o matibay ang kanyang loob, may mga pagkakataong ang kanyang desisyon at damdamin ang nagbibigay sa kanya ng kabiguan at kalungkutan.


At dahil dito, nahihirapan siyang bawiin ang isang desisyon kahit alam na alam niyang mali o sablay ang nauna niyang pagpapasya.


Sinasabing kung magiging lenient lamang o madulas sa pagbabago ng pasya ang Aso, marami pang maliligaya at matatagumpay na karanasan ang matitikman niya, hindi lamang sa taong ito ng 2022 kundi sa buong panahon ng mahaba at fruitful na buhay niya.


Itutuloy


 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | April 12, 2022


Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing ugali, katangian at magiging kapalaran ng animal sign na Rooster o Tandang ngayong Year of the Water Tiger.


Kung ikaw ay isinilang noong 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005 at 2017, ikaw ay mapabibilang sa animal sign na Rooster o Tandang.


Ngayong 2022, maraming magiging tulong na manggagaling sa labas o sa ibang tao na may kaugnayan sa pinansiyal at aspetong pangkarangalan. Kaya naman sa panahong ito ng eleksiyon, sinasabing napakagandang oportunidad ito upang lumabas ka ng bahay. Dahil sa paglabas at pakikiimpok sa lipunan, maaari kang makakilala ng mga taong maimpluwensiya o may kapangyarihan na tutulong sa iyo upang lalo mo pang mapaunlad ang iyong career, propesyon at kabuhayan.


Dagdag pa rito, sinasabi ring ngayong taon, maraming mga pagbabago at oportunidad ang darating upang lalo mo pang mapayabong at mapaunlad ang iyong career, gayundin sa lahat ng aspeto ng kabuhayan at pagkakaperahan. Ibig sabihin, maraming mga tulong at iba’t ibang uri ng tao ang mag-aabot sa iyo ng materyal na bagay at iba pang blessings, kaya palagi kang magpasalamat sa nasa itaas, dahil tulad ng nasabi na, maraming biyaya ang ihuhulog sa iyo ng langit, partikular sa buwan ng Mayo at Oktubre.


Samantala, kung nagkaroon ng mga problema at stressful na sitwasyon sa career o trabaho noong 2021, ang mga negatibong pangyayari ay unti-unti nang mawawala at huhupa. Gayunman, kung ayaw pa ring matanggal ng mga bagay na gumugulo sa isip mo, puwede kang maghanap ng bagong career o pagkakakitaan, sapagkat suwerte ka ngayong Year of the Water Tiger. Kaya ang career o bagong pagkakakitaan mo ay higit na magdaragdag sa iyo ng inner peace at mas maraming biyaya at pag-unlad. Ibig sabihin, ‘wag kang matatakot na tumahak ng bagong landas, lalo na kung stressful ang kasalukuyan mong sitwasyon. Dahil sa pagbabago ng landas, career o propesyon, higit kang magiging maligaya at maunlad.


Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, kung ikaw ay binata o dalaga, maaaring hindi pa ito ang panahon upang ikaw ay magkaroon ng panghabambuhay na karelasyon o pag-aasawa. Ngunit sinasabi ring ituloy mo lang at sunggaban ang mga pakikipagrelasyong darating, ibukas mo ang iyong puso at magmahal ka ngayong 2022, hindi upang mag-asawa o magpakasal na, kundi ang bawat relasyong dadanasin ay gawin mong inspirasyon o pampaganda ng buhay. Partikular ang mga long distance relationship (LDR) o sa social media nagsimula ang relasyon, kung saan ang lahat ng ito ay magsisilbing pampataas ng iyong libido upang lalo kang sumigla at mas maging maligaya sa buong taon.


Kasabay nito, sa buong taong 2022, likas na magiging masuwerte ang Tandang sa mga kulay na yellow at gold, puwede ring gumamit ng silver at white. Habang mananatili naman sa Tandang bilang pampabuwenas ang kumbinasyon ng mga numerong 5, 14, 23, 32, 35 at 41, ganundin ang mga numerong 8, 17, 28, 36, 43 at 55, higit lalo sa mga araw ng Miyerkules at Sabado. Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran sa lahat ng aspeto ng buhay mula sa ika-14 ng Abril hanggang sa ika-23 ng Hunyo, mula sa ika-19 ng Agosto hanggang sa ika-31 ng Oktubre at mula sa ika-14 ng Disyembre hanggang sa ika-23 ng Enero 2023.


Itutuloy


 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | April 9, 2022


Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing ugali, katangian at magiging kapalaran ng animal sign na Rooster o Tandang ngayong Year of the Water Tiger.


Kung ikaw ay isinilang noong 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005 at 2017, ikaw ay mapabibilang sa animal sign na Rooster o Tandang.


Bukod sa inaakala ng Tandang na siya ay matalino at minsan ay totoo naman ito, siya rin ay sobrang perpeksiyunista, kaya ayaw na ayaw niyang nakakakita ng mga bagay na may mali at kapintasan. Kumbaga, galit siya sa pangit at sa mga bagay na hindi nakaayos, kaya naman siya rin ang ay dakilang mamimintas.


Sa kabila nito, palagi naman siyang may solusyon sa hindi magagandang bagay. Kaya naman ikinatutuwa niyang mag-isip kung paano itatama ang mga mali na nakikita niya at kung paano pagagandahin ang mga bagay na may kapintasan. Ito ang isa sa nagpapasaya sa buhay ng Tandang — ang mag-isip at mag-analisa ng kung anu-anong mga bagay sa silong ng langit, kaya inaakala niya na siya ay tunay na matalino dahil sa ugali niyang ito.


Kadalasan, tama naman ang naiisip niyang solusyon sa mga pangyayari, ngunit ang problema sa Tandang, hindi niya agad naipatutupad ang solusyon, ambisyon o plano sa buhay dahil ayaw niyang kumilos nang may kulang o hindi pa masyadong perpekto ang isang proyekto.


Marahil, ito ang pangunahing dahilan kaya siya ay nabibigo, hindi umuunlad at hindi ganap na yumayaman at nagiging maligaya. Tulad ng nasabi na, dahil sa kaiisip niya at sa pagiging sobrang perpeksiyunista, ipatutupad na lang sana ang isang bagay na tiyak namang mapagwawagian o ikauunlad niya ay hindi niya agad ito nagagawa.


Dahil sa kakuparang ito ng Tandang na mag-execute ng mga plano niya sa buhay o solsuyon sa isang problema, tumatagtal bago niya mapitas ang napakalaking tagumpay na matagal nang inilaan sa kanyang kapalaran.


Ganundin sa pag-ibig, dahil hindi niya basta ma-execute o maibulalas sa napupusuan niyang babae o lalaki ang kanyang pagmamahal, at minsan kahit kasama na niya ang magpapaligaya sa kanya, pinipintasan at hinahanapan pa niya ng kapangitan. Ang mga bagay na ito ang nagiging hadlang upang ganap siyang umunlad, magtagumpay at magiging maligaya.


Kaya para sa Tandang, pagdating sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, hindi mo na dapat hanapin ang perpektong ugnayan. Mas mabuting hayaan mong may mali o kaunting kapintasan nang sa gayun, kahit may bahagyanng mali sa isang relasyon, maitatama at maitutuwid din ito habang kayo ay patuloy na nag-aalalayan at nagpapadama ng wagas na pagmamahalan sa isa’t isa.


Sa sandaling natanggap ng Tandang na hindi perpekto ang mundo at wala namang relasyon na walang mali o kapintasan dahil ang mga ito ay bahagi ng buhay — saka matatamasa ng Tandang ang tagumpay at wagas na kaligayahan sa larangan ng pag-ibig.


Samantala, bagay sa Tandang ang matalino at madiskarteng Ahas. Tugma rin sa pagiging maangas at energetic na Tandang ang masipag at masikap na Baka, na walang ginawa at inatupag kundi ang pagpapayaman at pagkakaperahan. Ang mga pagtatangka at ambisyon ng Tandang na hindi naman niya mabigyan ng katuparan ay matutupad ng mahusay at magaling na Dragon, kaya naman ang Dragon at Tandang ay bagay na bagay din.


Gayunman, ma-a-appreciate ng magara at kakaibang Tigre, Unggoy, Baboy, Kambing o Tupa, ang pagiging mahusay at maangas ng Tandang, kung saan ang nasabing mga animal signs ay sadya ring katugma at ka-compatible ng tipikal na Tandang.

Itutuloy


 
 
RECOMMENDED
bottom of page