top of page
Search

ni Delle Primo - @Sports | June 1, 2022


ree

Ginapi ng Ateneo ang UST sa straight sets, 25-20, 25-20, 25-20 para maukit ang ikalawang puwesto sa Final 4 ng UAAP Season 84 women’s volleyball tournament.


Hindi nasira ang diskarte at bentahe ng Lady Eagles sa kabila ng pagtatangkang dikitan ng UST ang opening sets. Pinangunahan ni Faith Nisperos ang panalo sa naitalang 18 puntos, 15 attacks kasama ang 7 excellent receptions samantalang sina Vanie Gandler at Joan Narit ay nagpasok ng 12 at 11 puntos para sa Ateneo.


Kasunod si Jaja Maraguinot sa 16 excellent sets samantalang sina Roma Doromal at Dani Ravena ang dumepensa sa 8 excellent digs at 7 excellent receptions. Nagbigay kislap sa pagwawagi ng Eagles ang rookie middle blocker na AC Miner sa 8 puntos.


Sa pagdikit ng UST sa 18 ng 3rd set, bumitaw sina AC Miner at Faith Nisperos para sa 5-0 para sa 23-18 bentahe. Sinagot ni Eya Laure para sa UST ang kill, subalit bumawi si Nisperos ng kill.


Sa kabilang banda, para sa UST, nanguna si Laure sa 14 puntos kasama ang 14 excellent receptions at anim na excellent digs. Nanatili ang UST sa 2nd place. “We prepared for this, nag-manifest naman sa mga kilos ng bata. May mga lapses pero nakakarecover right away. We don’t mind kung ilang sets, ‘di namin napansin na matatapos na pala in straight sets so we just grabbed it,”pahayag ni Ateneo headcoach Oliver Almadro.


Sa ikalawang laro, hinagupit ng Adamson ang FEU sa straight sets, 22-25, 25-9, 25-18, 25-18, para sa ikatlong panalo.


Si Lucille Almonte ang nanguna para sa Adamson sa pinakawalang 17 puntos kasama ang 11 excellent digs kasunod niya si Kate Santiago, na naglaro sa 3rd set para sa 14 puntos.


Malaking factor is 'yung pasa kasi kahit gaano kagaling 'yung setter natin and 'yung mga spikers natin e ang nagsisimula ang first ball talaga sa pasa so I think yun yung nabalik and nag-gain ng momentum so hayun, awa ng Diyos nagtuloy-tuloy na,” pahayag ng Lady Falcons head coach Lerma Giron.

 
 

ni Delle Primo / VA - @Sports | May 20, 2022


ree

Perpekto ang naging simula ng National University sa UAAP Season 84 women's volleyball tournament nang walisin ang University of the Philippines (UP)sa Mall of Asia Arena.


Pumalaot ang Lady Bulldogs 25-10, 25-20, 25-15 victory, umibayo sa 7-0 ng elimination round ang pinakamalupit na simula ngayong season.


Samantala, nasagap ng Fighting Maroons ng ikaapat na diretsong talo upang tapusin ang first round sa 3-4 win-loss slate.


May 13 puntos si rookie star Michaela Belen, lahat sa kills habang si skipper Princess Robles ay dumagdag ng 12 markers kasama ang 12 digs, at may 11 puntos si Ivy Lacsina. Rumehistro ang NU ng 44 kills para sa 26 lang ng UP, at nalimitahan ang errors sa 16.


"Kailangan din namin 'tong panalo na 'to going to the second round. Kasi momentum namin 'to para ma-motivate lalo 'yung team at makapag-prepare pa kami para sa mga mas mahirap na game sa second round," ayon kay NU head coach Karl Dimaculangan.


Sa unang laro, tinapos ng Adamson ang first round sa pamamagitan ng panalo matapos walisin ang University of the East (UE), 25-23, 25-20, 25-18.


Dahil dito, nakabawi ang Adamson sa huling kabiguan nito sa kamay ng University of Santo Tomas para tumapos na may 4-3, panalo-talong baraha habang tumapos naman ang Lady Warriors na wala ni isang panalo (0-7).

Pinangunahan ni May Ann Nuque ang nasabing panalo ng Adamson sa iniskor na 15 puntos, kasunod si Lorene Toring na may 14 puntos at katuwang ang playmaker na si Louie Romero na nagtala ng 19 excellent sets. Nanguna para sa UE si Ja Lana na may 16 puntos kasunod si Ercae Nieva na may 14 puntos.

 
 

ni Delle Primo / GA - @Sports | May 20, 2022


ree

Isang hakbang na lang sa gold medal ang National esports team Sibol's Mobile Legends: Bang Bang team nang pumasok sa grand finals ng 31st SEAG matapos gapiin ang Singapore, 2-1.


Sa pangunguna ng world champions Blacklist International, agad umarangkada sa Game 1 at tiyakin ang bronze medal kung saan haharapin ang sinumang manalo sa Indon M3 world championship at dating core lineup.esia/Malaysia.


Tiyak na sa silver medal si boxer Rogen Ladon nang talunin kagabi sa semis ng flyweight ang Thailand at pumasok na sa final. Maging si Eumir Felix Marcial kontra Peerapat Yeasungnoen ng Thailand via 5-0 sa final round ng men’s under-75kgs. Natalo sa Indonesian si James Palicte sa -63 kgs, nagkasya sa bronze medal.


Gold medalist si Fil-Jap Rena Furukawa vs. Myat Noe Wai Chu ng Myanmar upang makuha ang full point score sa women’s 57kgs ng judo. Nakuntento sa silver si John Viron Ferrer sa men’s under-90kgs.


Naibulsa ni Megumi Kurayoshi Delgado ang bronze medal sa women’s under-63kgs.

Samantala, tiyak na sa bronze ang boxer na si Nesthy Petecio kontra Myanmar nang umusad sa semis round ng women's amateur boxing noong Miyerkules ng gabi.


Kasama sina Ian Clark Bautista (vs CAM), Marjon Pianar (vs INA), at Irish Magno (vs INA) sa kani-kanilang semis matches ngayong Biyernes habang kagabi ay bumabanat pa sina Josie Gabuco (vs THA) at Riza Pasuit (vs VIE) sa semis rounds din.


Lahat sila ay tumiyak na ng bronze medal at kung magtatagumpay kagabi at ngayong Biyernes, aabanse sa gold medal round sa Linggo.


Bronze naman si Rosegie Ramos sa women's 49 kgs class ng weightlifting, 4th place ang pinsan ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz’s na si Mary Flor Diaz sa women’s 45 kgs maging si Fernando Agad Jr. sa men’s 55 kgs.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page