top of page
Search

ni Delle Primo - @Sports | June 19, 2022


ree

Makasaysayan kapag nagkataon ang itatala ng National University. Pinadapa ng Lady Bulldogs ang De La Salle University, 25-20, 25-12, 25-21 sa Game 1 ng UAAP Season 84 women's volleyball sa best-of-three finals sa Mall of Asia Arena kagabi.


Sa naturang panalo, isang hakbang na lang para sa NU upang ganap na masungkit ang titulo sa final four era. Nawalis din ng Sampaloc-based squad ang lahat ng elimination round matches hanggang sa makatuntong ng finals ngayong season.

Samantala, nagbitiw na sa kanyang posisyon si Philip Juico bilang pangulo ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) makaraang magsumite ang longtime official ng kanyang resignation letter kung saan hawak niya ang posisyon mula noong 2014.


Sa isang statement, sinabi ni Juico na nagbitiw siya sa isang board meeting noong Sabado sa Makati Diamond Residences sa Makati City.

May hanggang Nob. 2024 ang kanyang termino si Juico at papalitan siya ni dating PATAFA Executive Vice President and Secretary General Agapito Capistrano. Mananatili si Juico board dahil nahalal siya bilang Chairman Emeritus.


 
 

ni Delle Primo / VA - @Sports | June 8, 2022


ree

Naiposte ng University of Santo Tomas (UST) ang kanilang ika-9 na panalo sa UAAP Season 84 women’s volleyball na nagbigay sa kanila ng tiket papasok sa Final 4.

Winalis ng Tigresses ang determinadong UE Lady Warriors, 26-24, 25-18, 25-19, sa kabila ng mga errors na naitala nila kahapon sa Mall of Asia Arena upang umangat sa 9-4 na baraha.

Nalasap naman ng Lady Warriors ang kanilang ika-13 pagkatalo sa loob ng sindaming laro.


Naglaro ang UST na wala ang headcoach na si Kungfu Reyes dahil sa may inasikaso itong mahalagang bagay at pansamantalang humalili sa kanya ang assistant coach na si Yani Fernandez.


Samantala, nalasap ng Lady Warriors ang ika-13 pagkatalo ngayong season. Masigla rin ang simula ng UE at nakalalamang pa sa laban hanggang final stretch ng opening set, 24-23. Pero hindi pumayag si Imee Hernandez at umiskor ito sa gitna ng laban at ipatas sa 24-all ang iskor bago sumadsad si Janeca Lana sa dalawang straight attack errors at bigyan ng set ang UST.


Pinakabog pa ng Lady Warriors ang UST pagdating sa second frame sa 16-15 lead pero pumalag ang Tigresses sa 9-1 run matapos ang technical timeout, kasunod ng back-to-back aces ni Tin Ecalla sa 24-17.


Samantala, nalusutan ng National University ang pagwawagi kontra Far Eastern University, sa loob ng straight sets, 26-24, 25-17, 25-19, 25-10 para sa malinis na 13-0 rekord upang makaisang hakbang na lang para diretso na sila sa finals.

Hindi nagbigay ng pagkakataon ang Lady Bulldogs matapos ang pangunguna ng Lady Tamaraws sa 24-26 ng unang set.

Pinangunahan Michaela Belen ang nasabing panalo sa itinalang 18 puntos kasunod si Sheena Toring sa 12 puntos. Kasamang nagpakita ng impresibong laro sina Alyssa Solomon na nagdala ng 10 puntos at Jennifer Nierva na nagpasok ng 18 digs at 12 excellent receptions.

Tangka ng Lady Bulldogs ang 14-0 win-loss rekord sa Huwebes para sa Finals sa paghaharap ng National University at University of Santo Tomas ng 4 pm. Samantalang ang makakalaban ng Far Eastern University ay ang University of the East.

 
 

ni Delle Primo / MC - @Sports | June 6, 2022



Nadepensahan ng University of Santo Tomas ang korona sa ikatlong pagkakataon matapos sakmalin ang National University sa loob ng straight sets, 28-26, 21-15 sa UAAP Season 84 Men's Beach Volleyball sa SM By the Bay ng Mall of Asia sa Pasay City kahapon.

ree

Sa unang set, makikita ang determinasyon ng Bulldogs sa nagawang dumikit sa 11-10 subalit matindi ang pag-spike at mga matibay na blockings ng Tiger Spikers na sina Jaron Requinton, Rancel Varga at Vince Maglinao.

Pilak naman ang dala ng De La Salle University Green Archers matapos palasuhin ang University of the Philippines Fighting Maroons sa 21-17 ng First set at hindi pagbigay ng pagkakataon sa UP na dumikit sa muling inulit na marka sa 21-17.


Samantala, si Scottie Thompson ang hinirang na Most Valuable Player sa nagdaang PBA 46th season.


Top individual honor ang natanggap ng Barangay Ginebra guard kahapon sa Araneta Coliseum nang pormal na isara ng PBA ang nakaraang season bago binuksan kahapon ang Philippine Cup.

Si Thompson ang Best Player of the Conference noong 2021 PBA Governor's Cup, kung saan siya nagwagi ng Final MVP matapos pamunuan ang Ginebra tungo sa panibagong kampeonato.


Naungusan niya sa karangalan si TNT's Mikey Williams na ikalawang player lang sa PBA na tumanggap ng Rookie of the Year-MVP double. Ang iba pang contenders ay sina NorthPort's Robert Bolick at Magnolia's Calvin Abueva, ang Best Player ng Philippine Cup.


Si Thompson ang unang Ginebra player mula nang makuha ito ni Mark Caguioa noong 2012 para sa PBA MVP award.


Kasama ni Thompson sa PBA First Mythical Team ay sina Mikey Williams; San Miguel's June Mar Fajardo; Magnolia's Calvin Abueva; at NorthPort's Arwind Santos.


Ang PBA's All-Defensive Team para sa Season 46 ay sina Cliff Hodge (Meralco); Arwind Santos (NorthPort); Kelly Williams (TNT); Jio Jalalon (Magnolia); at Chris Ross (San Miguel Beer).


Ang mga PBA's Second Mythical Team ay sina Ian Sangalang (Magnolia); Christian Standhardinger (Ginebra); Matthew Wright (Phoenix Super LPG); Robert Bolick (NorthPort); at CJ Perez (San Miguel Beer). First time ito ng PBA na magdaos ng Leo Awards mula Marso 2020.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page