top of page
Search

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Pebrero 20, 2024


ree


Kumunot ang noo ni Via sa matapang na pagbigkas ni Nhel  Zamora.


“Kung makapagsalita ka naman, parang aalipinin mo ako nang bonggang-bongga,” natatawang sabi niya. 


Ayaw niyang isipin na may plano talaga ang binata sa kanya. Tingin naman kasi niya ay mabuting tao ito.


“Paano mo naisip iyon?” Natatawa niyang tanong sa kanyang sarili. 


“‘Yan talaga ang gusto kong gawin.”


“Ano’ng kasalanan ko?”


“May kaugnayan ka kay Pedro Pedral,” inis nitong sabi.


“Kung magsalita ka naman parang hindi lang pangungutang ni Tatay Pedro ang kasalanan niya sa’yo,” wika niya na may halong pagtataka.


Kesa na sumagot, halakhak ang ginawang tugon ng Binata. Dapat sana ay makaramdam siya ng inis dahil parang pinagtatawanan siya nito, pero nagbago ang kanyang isip. Bumuka ang bibig niya para magtanong, ngunit bigla siyang natigilan. May napansin kasi siya sa mukha nito. 


“May hawig ka kay Tatay Pedro.”


Ngunit, muli na namang tumawa ang binata. 


“Ano bang nakakatawa?”


“He is my father.”


“Ano?!” Gilalas niyang tanong.


“Kung hindi ka nakakaintindi ng Ingles puwes Tatagalugin ko, ama ko si Pedro Pedral. Kaya ako nabubuwisit sa’yo, minahal ka niya nang husto gayung ang tunay niyang anak pinabayaan lang niya.”


Napasinghap siya dahil dama niya ang matinding pagdaramdam nito. At hindi rin naman niya ito masisisi.


“Ano kaya ang mararamdaman niya kapag pinahirapan ko ang pinakamamahal niyang anak-anakan?”


Sa tanong ng binata, biglang kinabahan si Via. Paano ba naman kasi ramdam na ramdam niya galit nito. 



Itutuloy…



 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Pebrero 19, 2024


ree


“May hindi tama,” wika ni Via sa kanyang sarili habang pinagmamasdan sina Tatay Pedro at Nhel Zamora. 


Bigla niya tuloy natanong sa kanyang sarili na, “Nasa perpektong sitwasyon na ba ako?”

“Wala!” Buong diin niyang sabi sa kanyang sarili. 


Ang dahilan kaya nagpakasal siya sa lalaking ito ay dahil bina-blackmail nito ang kanyang Tatay Pedro. 


Marahas na buntong hininga ang kanyang pinawalan. Dapat sana ay magalit siya 

sa binata pero hindi iyon ang nararamdaman niya ngayon. 


“Iba talaga ang mayaman, ‘no?” Hindi niya maiwasang itanong dito habang makasakay sila sa Montero. 


“Why?” Tanong nito habang nakatingin sa daan.


“Madali mong nakukuha ang mga bagay na gusto mo.” 


“Hindi lahat.”


“Ang dali mo nga akong nakuha.”


Marahang tawa ang pinawalan nito. “Sisihin mo ang ama mo.” 


“Hindi naman talaga siya sugarol. Nagkataon lang na hindi pa siya nakaka-recover sa pagkamatay ng nanay ko.”


“Masyado naman niyang minahal ang ina mo,” inis nitong sabi. 


Hindi napigilan ng dalaga ang mapangiti. Kapag pinag-uusapan kasi ang lovestory ng kanyang mga magulang, hindi niya maiwasan ang kiligin. 


“Paano ba naman kasi, wala raw minahal ng totoo si Tatay Pedro, kundi ang aking ina lang,” pagmamalaking sabi ng dalaga. 


“Damn!” wika nito sabay preno. Sa sobrang galit na kanyang naramdaman, hinampas pa nito ang manibela. Nanlisik ang mga mata nito habang nakatitig sa dalaga.


“Huwag mong asahan na magiging madali sa iyo ang lahat.”



Itutuloy…



 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Pebrero 18, 2024


ree

Hindi alam ni Pedro kung bakit siya kinabahan nang ipagtapat ni Via sa kanya na pumayag na itong pakasalan si Nhel Zamora.


Ang ex niya kasing si Alicia Zamora ang agad na pumasok sa kanyang isipan. Hindi rin niya alam kung bakit may kaba siyang naramdaman nang titigan siya ng binata. Alam niyang malaki ang pagkakautang niya rito, pero matindi ang talim ng pagkakatingin nito sa kanya, at para bang gusto siyang sakalin. Nagsakripisyo si Via para sa kanya, ang tanging mahihiling na lang niya ay mauwi sa pagmamahalan ang dalawa. Pero, talagang hindi siya mapakali.


Para tuloy gusto niyang tanungin kung kaanu-ano ng binata si Alicia, pero biglang nagbago ang kanyang isip. Marahil dahil natatakot siya sa maaaring isagot nito.


Marahas na buntong hininga ang kanyang pinawalan. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. 


“We’re leaving,” buong diing sabi ni Nhel Zamora.


“Saan tayo pupunta?” Pagtatanong naman ni Via.


“Sweetheart, mag-asawa na tayo kaya dapat lang na sumama ka na sa akin.”


“Ingatan mo ang anak ko ha?”


“Sinong anak?” Kunwa'y tanong nito sa kanya. 


“Si Via.” 


“Napakasuwerte talaga ng asawa ko, mahal na mahal ka ng iyong Tatay Pedro.”


Kumunot ang kanyang noo dahil sarcasm ang naaaninag niya sa tono nito.


“Aalis na po kami,” wika naman ni Via.


“Tatay ko na rin naman kayo,” sambit nito, sabay yakap at bulong, “Hindi ka pumirma sa birth certificate ko, pero nagawa mong pirmahan ang birthday certificate ng peke n’yong anak.”


Noong una ay hindi niya maintindihan ang sinasabi nito, pero naalala na naman niya si Alicia Zamora.



Itutuloy…



 
 
RECOMMENDED
bottom of page