top of page
Search

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Marso 26, 2024


ree


Kailangan maniwala ni Via sa sinasabi ni Nhel dahil kapwa naman sila nagmamahalan.


“Paano ka nakakatiyak?” Sarkastikong tanong niya sa sarili.


Hindi ba may kakaibang plano si Nhel, kaya siya pinakasalan?


Ang anumang katuwiran malibang sa salitang mahal niya si Nhel ay ayaw niyang tanggapin. Ang mahalaga ay nararamdaman niya ang pagmamahal nito. Hindi lang sa tuwing nagsisiping sila, kundi pati na rin sa pag-aasikaso nito.


“Nakakatuwa naman.”


“Ha?” Bulalas niya.


“Nakakatuwa naman na nagseselos ka.”


“Siyempre!” 


“Pero, bakit?”


“Dahil nga asawa kita!”


Umarko ang kilay ni Nhel at para bang hindi nagustuhan ang isinagot ni Via.


“Hindi ba dapat ang isagot mo ay dahil sa mahal mo ako?”


“Mahal nga kita,” wika niya nang salubungin niya ang tingin nito.


Hindi na siya nahiya dahil totoo rin naman iyon at may karapatan siyang sabihin ang mga katagang iyon. Bigla naman nawala ang ngiti nito at pakiramdam niya tuloy, hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi. Pagkaraan ay umiling siya nang umiling.


“Good.”


“May nararamdaman ka rin bang pagmamahal sa akin?”


Sa halip na sagutin ito ni Nhel, inangkin na naman nito ang kanyang labi. Ganu’n lagi ang ginagawa nito kaya agad na nandilat ang kanyang mga mata. Naisip niya kasi na baka hindi nito masagot ang kanyang tanong ay dahil sa ayaw nitong magsinungaling?



Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Marso 25, 2024


ree


“Sino si Mariz?”  Walang anumang tanong ni Via. Ayaw sana niyang ipahalata kay Nhel na nagseselos siya, kaya nga lang hindi niya ito mapigilan. 


“My ex-fiancée,” wika nito habang nakatitig kay Via, at sabay sabing, “Jealous?”


“Hindi, ah,” pagsisinungaling niya.


Bahagyang tawa naman ang pinawalan ni Nhel habang uminit naman ang ulo ni Via dahil pansin niyang inaasar lang siya nito. 


“Masama bang magselos? Eh, asawa mo naman na ako.”


Lumapad ang ngiti ni Nhel at sabay sabing, “Siyempre hindi.”


“Bakit hindi natuloy ang kasal n’yo?” Pag-uusisa ni Via.


“Dahil hindi ko siya mahal.”


“At sino naman ang mahal mo?” 


Sa halip na sagutin ni Nhel ang kanyang tanong. Hinila siya nito palapit sa kanyan at sabay angkin sa labi ni Via. 


“Hindi mo naman sinagot ang tanong ko.” 


“Hindi naman kasi lahat dapat ay sabihin pa. Nagagawa ko namang iparamdam sa iyo, hindi ba?” 


Marahan siyang tumango, pero hindi niya magawang alisin ang disappointment na kanyang nararamdaman. Mas gusto niya kasing marinig na siya ang mahal ni Nhel. 


“Just trust me,”


Iyon naman talaga ang gusto niyang ibigay at gawin. Ang pagkatiwalaan upang hindi na maghirap pa ang kanyang puso. Kaya nga lang, parang may nagsasabi sa kanya na kung ganu’n ang kanyang gagawin niya, baka masaktan lang siya. 


“Kailan kayo maghihiwalay?”


“Bago tayo ikasal.”


Bigla siyang natigilan. Pakiramdam niya ay ginawa lang siya nitong panakip butas. Ngunit, ang sabi naman ng kanyang isip, ‘OA lang ang kanyang nararamdaman.’ May tiwala naman siya kay Nhel.   


“Basta ayoko na makikipagkita ka sa Mariz na ‘yan.”


“Okey, wifey,” malambing nitong sabi sa kanya. 


Pero, parang may kakaiba sa tono nito, para kasi itong kaplastikan lang.



Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Marso 24, 2024


ree


“Gagawin ko ang lahat upang makuha lamang ang tunay na pag-ibig ni Nhel.” Sabi ni Via sa kanyang sarili.  


Oo nga’t nararamdaman niya na kailangan siya nito dahil lagi rin naman nilang pinaparamdam ito sa isa’t isa. At para sa kanya, alam niyang may pag-ibig doon. Eh, sa parte kaya ni Nhel? 


Mahal ba talaga siya nito o dahil naibibigay lang niya ang pangangailangan nito bilang lalaki? Gusto niya sanang isipin na mahal din siya nito, Pero, talaga bang iyon ang nararamdaman nito?


Nagsa-shower si Nhel at siya ay naiwan sa kanilang silid, nagtitiklop siya ng kanilang damit na kanyang nilabhan. Kahit na mayroon silang mga katulong hindi niya gustong ipaubaya sa mga ito ang lahat ng gawain. Sabi nga ng mama niya noon, mas mararamdam ng lalaki ang kanyang pagmamahal, kapag inaasikaso niya ito.


Bigla siyang natigilan nang may marinig siyang tunog ng cellphone.


Kumunot ang kanyang noo dahil alam niyang tunog ng sirena ng bumbero ang ringtone niya, pero katok sa pintuan ang narinig niya. Umangat lamang ang kanyang kilay nang mapagtanto niyang kay Nhel pala ang cp.


Ayaw sana niyang usyosohin kung sino ang tumawag, ngunit hindi niya napigilan ang kanyang sarili. Napahawak lang siya sa kanyang dibdib nang makita niya ang pangalan, at ito ay walang iba kundi si Mariz.


Marahas na buntong hininga ang kanyang pinawalan. Hindi pa man siya nakakasigurado kung sino ang babae na iyon, nakaramdam naman siya ng sobrang selos. Sa palagay naman niya ay natural lang iyon, dahil siya ang asawa ni Nhel.


Pero, hindi napigilan ng mata niya na maningkit. Hindi niya hahayaan na may sinuman na hahadlang sa relasyon nila. Mahal niya si Nhel, kaya sa kanya lang ito, at paniguradong yari ang sinumang mang-aagaw kay Nhel.


Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page