top of page
Search

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika- 10 Araw ng Abril, 2024


ree

Dapat nga bang sabihin ni Via kay Nhel ang tungkol sa kanyang pagbubuntis? 


“Karapatan itong malaman ni Nhel.” Sagot ni Via. Pero, kumokontra ang kanyang isipan, at sinasabing, “Paano kapag hindi natuwa si Nhel?”


Ngayon pa lang ay nasasaktan na siya, at para bang dinudurog ang kanyang puso. Kahit kasi sabihin ng utak niya na ‘wag paniwalaan ang sinasabi ng matandang babae, roon pa rin siya nagkaroon ng pagdududa. 


Paano nga kung sa huli ay ipamukha sa kanya ni Nhel na wala talaga itong pag-ibig sa kanya?


“Hindi ka pa ba nadadala? Palagi ka na lang umaasa! Sarili mo ngang ama hindi ka pinanindigan, at ngayon hindi ka pa sigurado kung nagsisinungaling nga ba o hindi si Nhel.”


Sambit ni Via sa kanyang sarili. 


“Marie?”


Ang Tatay Pedro niya ang nagsalita, kaya nakita niya ang panggigilalas sa mukha ng kanyang biyenan na hindi makapaniwala. 


Hindi rin niya inaasahan na magtatagpo ang dalawa. Kunsabagay, napapayag niya kasi si Nhel na magbakasyon sa kanila ang kanyang Tatay Pedro. Ang nais niya kasing mangyari ay mapalapit ang loob ng mag-ama.


Ramdam niya ang pag-aalinlangan ni Nhel, ngunit napapayag niya rin naman ito. Kaya naman parang gusto niyang umasa na tunay nga siyang mahal ni Nhel dahil sinusubukan nito na patawarin ang kanyang Tatay Pedro na sa tingin naman niya ay walang kasalanan. 


Una, hindi nito alam na buntis si Marie. Pangalawa, si Marie ang tumalikod dito dahil hindi niya kayang mabuhay sa piling ng isang mahirap. 


“Ano’ng ginagawa mo rito?” Gulat nitong tanong. 


“Huwag mo na guluhin ang relasyon ng mga anak natin!”


Umangat ang kilay ng matandang babae. “Kahit pa na kamukha mo si Nhel, hindi mo pa rin siya kinilala bilang isang anak!”


“Hindi ko alam na nabuntis kita noon.”


“Basta! Hindi ako papayag na manatiling kasal ang anak ko sa babaeng ‘yan!” Gigil nitong sabi na para bang nag-apoy bigla ang mga mata. 

Itutuloy…






 


Itutuloy…

 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-9 Araw ng Abril, 2024


ree

Tunay ngang buntis si Via. Pero, hindi niya ito magawang sabihin sa kanyang mister. 


Paano ba naman niya ibubulalas dito ang katotohanan kung hindi naman nagpapakita ito sa kanya? Dahil doon, kung anu-ano’ng senaryo ang nabuo sa kanyang isipan.


Maaaring isang araw, dumating na lamang si Nhel na may kasamang ibang babae at palayasin siya. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Kailangan niyang itaboy sa kanyang isipan ang kanyang naisip. Masyadong masakit, hindi niya kaya. 


“At ano pa ang ginagawa mo rito sa pamamahay ng anak ko?” Malakas na tanong ng isang babae. 


“Asawa ako ni Nhel,” wika niya. Mahinahon pa rin ang kanyang pagsasalita dahil ina ito ng kanyang pinakamamahal, kaya hindi niya gugustuhing magkaroon ito ng masamang imahe sa kanya. 


“Hindi ka karapat-dapat sa kanya,” wika nito. 


“Mahal ko siya.”


“Si Nhel o ang pera niya?” Sarkastikong tanong nito. 


“Kaya ko hong mabuhay kahit walang salapi. Pero, hindi ko makakayang mabuhay nang wala si Nhel,” wika niya sabay haplos sa kanyang puson. 


“Sinungaling!”


“Hindi po kasinungalingan ang pagsasabi ng katotohanan.” 


“Hindi mo pa rin alam kung ano ang pinapasok mo.”


“Alam ko ho.”


“Isang araw mawawala rin sa buhay mo ang anak ko. Hindi man niya sinabi ang intensyon niya sayo, nakakasigurado akong iiwanan ka rin niya.”


Malalalim na buntong hininga ang kanyang pinawalan. Sobra kasi siyang nasaktan dahil naisip din niya na maaaring mangyari iyon. 


“Si Mariz ang gusto ko para kay Nhel.”


“Pero, ako po ang gusto ni Nhel,” mariin niyang sabi. 


Bigla itong tumawa habang siya naman ay napahiya. Hindi niya maiwasang isipin alam nito ang sitwasyon nilang mag-asawa. 


“Gusto lamang paghigantihan at saktan ng Nhel ang kanyang ama. Alam ko ang plano, dahil ikinuwento sa akin ni Mariz. Kaya kung ayaw mo na mas masaktan pa, umalis ka na sa buhay ni Nhel.”


Itutuloy…






 


Itutuloy…

 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-8 Araw ng Abril, 2024


ree

Ibig sanang paniwalaan ni Via ang lahat. Ngunit, hindi niya mapigilan ang magduda. 


Nitong mga nakalipas na araw, maaga kung umalis si Nhel at gabi na kung umuwi. Samantalang dati ay halos ayaw nitong umalis sa kanyang tabi. 


“Ano’ng nangyari?” Kinakabahang tanong niya sa sarili. 


Ayaw sana niyang isipin na unti-unti na nitong pinaparamdan sa kanya na gusto na siya nitong hiwalayan. Ngunit, iyon ang nararamdaman niya. 


Miss na miss na niya si Nhel. At isa pa hindi na niya ito nahahalikan at nayayakap. Ibig sana niyang iparamdam dito ang kanyang pagmamahal, ngunit ayaw naman nito. 


Nagke-crave pa naman siya ng pizza na may mayonnaise. Hindi niya alam kung bakit nangangasim siya sa mayonnaise gayung dati ay hindi niya naman ito type. 


“Anak, kumusta ka na?” Tanong ng kanyang Tatay Pedro sa text. 


Agad naman niya itong sinagot. “Gusto ko ng pizza na may mayonnaise.”


“Naglilihi ka ba?”


Namilog bigla ang mata niya nang mabasa ang tanong na iyon. Bigla siyang kinabahan, ngunit hindi takot ang kanyang naramdaman kundi excitement. 


Ngayon pa lang ay hinihimas na niya ang kanyang puson, kahit na hindi pa niya alam kung buntis nga ba siya o hindi. Pero, bigla siyang kinabahan. Hindi niya kasi maiwasang itanong sa sarili na, “Ano kaya ang magiging reaksyon ni Nhel kung sakaling buntis ako?”

Itutuloy…

 
 
RECOMMENDED
bottom of page