top of page
Search

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-13 Araw ng Abril, 2024


ree

“Mabuti naman at nandito ka, anak ko,” nakangiting sabi ni Marie.


“Ano’ng kasinungalingan ang sinabi mo sa asawa ko?!” Gigil niyang sabi. 


Kahit na ano’ng taktak ang gawin niya kay Pedro Pedral, wala pa rin siyang sagot na nakuha rito. 


Ang sabi kasi nito, wala rin talaga siyang ideya kung saan pupunta si Via. Basta ang nais lang nito ay magpakalayu-layo. Kahit nga si Pedro ay nagtataka rin kung bakit ganu’n na lang kapursigidong umalis ni Via. 


“Mayroon ba itong nililihim?” Naitanong niya sa sarili. 


Sa kaisipang iyon ay bigla siyang kinabahan. Lahat naman kasi ay malalaman niya dahil masyadong transparent si Via sa kanyang nararamdaman. 


“Eh, paano kung buntis pala ito?” Naitanong niya siya sa sarili. 


Sa kaisipang iyon, bigla siyang kinabahan. Parang drum na tinambol ang kanyang puso.


Iyon lang kasi ang alam niyang dahilan kung bakit ito biglang umalis.  


Hindi siya papayag na hindi siya kikilalanin ng kanyang anak. Hindi pa nga niya sigurado kung buntis nga ba si Via o hindi, pero nasasabik na siyang malaman na magiging ama na siya. 


“Kasinungalingan ba na paghihiganti ang dahilan kaya pinakasalan mo ang babaeng iyon? Hindi ba gusto mo lang makapaghiganti sa kanya?” 


No.”


“Sinungaling! Anyway, nandito si Mariz. See kung gaano siya kaganda?” Nakangising tanong nito. 


Naningkit ang kanyang mga mata at galit na sinabing, “May asawa na ako, kaya wala akong pakialam sa kahit sinong babae!”  Talagang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng kanyang ina. 


Marahas na buntong hininga ang kanyang pinawalan. 


Hindi nga pala niya tunay na kilala ang kanyang ina, ayaw din kasing  ilapit ni Marie ang kanyang loob sa nag-iisa niyang anak. 


“Pero, ako ang nararapat sa iyo,” wika ni Mariz. 


“Shut up!” Gigil niyang sabi na talagang nagpahinto rito. 


Hindi siya papayag na may sinumang hahadlang sa pagmamahalan nila ni Via. 


Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-12 Araw ng Abril, 2024


ree

Marahas na buntong hininga ang pinawalan ni Nhel. Hindi na kasi niya kayang tiisin pa ang pagka-miss sa kanyang asawa na si Via. Para bang mababaliw na siya kapag hindi pa niya ito nakita at nakasama ngayong araw. 


“Ano’ng ginagawa mo rito?” Gulat na tanong ni Pedro Pedral. 


Muli siyang napabuntong hininga. Hindi kasi niya maiwasan ang magtaka kung bakit ganu’n ang reaksyon nito kaya napakunot siya at buong pagtataka niya itong sinagot na, “Susunduin ko na po ang asawa ko.”


“Asawa?” Sarkastikong banat nito. 


Ibig niyang mabuwisit sa paraan ng pagbigkas nito sa katagang asawa na para bang hindi ito naniniwala na tinatrato niya si Via bilang kanyang asawa. Pero, bigla rin siyang natigilan. Tinatrato nga ba talaga niya ito bilang asawa?


Gusto niyang sagutin ito at sabihing ‘oo naman’ dahil inaangkin niya rin naman ito.


Pero, iyon lang ba ang dapat maging basehan para masabi niyang tinatrato niya ito nang tama?  Hindi ba dapat nakaakibat din doon ang pagmamahal?


“Nasaan na ho si Via?” Magalang pa rin niyang tanong. 


Hindi niya alam kung bakit hindi na siya nakakaramdam ng galit kay Pedro. Sa palagay kasi niya ay lumipas na iyon, o baka naman natabunan lang nang pagka-miss sa kanyang asawa?  Tama, iyon nga ang dahilan. 


“Wala si Via rito.”


“Saan ho nagpunta?”


“Hindi ko alam.” 


“Puwede ko ba siyang hintayin dito?” Magalang pa niyang tanong kaya parang gusto niyang manibago sa kanyang sarili. 


“Pero, hindi ko alam kung kailan siya babalik.’’


“Maghihintay ako,” mariin niyang sabi. 


Kung gusto man siyang ipagtabuyan ni Pedro, hindi niya ito hahayaang magtagumpay. 


“Last week pa siya umalis. Hindi rin siya nagsabi kung saan siya pupunta. Basta ang gusto niya makalayo sa iyo,” mariing sabi ni Pedro. 


“Bakit?


“Dahil nalaman niya at kinumpirma ni Marie na niloloko mo lang siya.”

Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-11 Araw ng Abril, 2024


ree

“Sigurado ka na ba sa magiging desisyon mo?” 


Hindi agad nakakibo si Via sa tanong ng kanyang Tatay Pedro. Unang-una, ayaw niyang magsinungaling dito. Pero, alam niyang sobra itong mag-aalala kapag hindi niya pinanindigan ang una niyang sinabi rito. 


“Sigurado na ho ako, huwag na kayong mag-alala dahil hindi na kayo gagalawin o guguluhin ni Nhel.”

“Pero, ikaw inaalala ko,” wika nito. 


“Kaya ko ang sarili ko,” mariin niyang sabi. 


Ayaw niyang dumating sa punto na ipamukha sa kanya ni Nhel na wala ito kahit katiting na pagmamahal para sa kanya. Napakahirap naman kasi talaga ang umasa. Saka ayaw na niyang bigyan pa ito ng pagkakataon na saktan siya, dahil baka kapag nangyari ‘yun, mas piliin na lang niyang lumubog sa kanyang kinalalagyan. 


“Paano ang asawa mo?” Naguguluhang tanong pa rin nito. 


“Mag-asawa lang naman kami sa salita.”


“Naniniwala ka ba na peke ang kasal n’yo?”


“Dapat ba kong umasa na tunay ang kasal namin?” 


“Nakakasiguro ako na mahal ka ni Nhel.”


Bahagyang tawa ang pinawalan ni Via at sabay sabing, “Kahit naman mahal niya ako, nakapagdesisyon na ako. Lalayuan ko na si Nhel.”


Marahas na buntong hininga ang kanyang pinawalan. Mas mabuti nang umalis siya, para hindi na siya masaktan pa. Saka, ayaw niyang madamay pa ang magiging anak nila ni Nhel. 


Mas maiging lumayo na lang muna siya sa mga taong makakapagbigay pasakit sa kanya. At alam niyang si Nhel lang ang makakapanakit sa kanya at tiyak niyang hindi niya iyon kakayanin. 

Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page