top of page
Search

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-16 Araw ng Abril, 2024


ree

Biglang kinabahan si Pedro Pedral, kaya bigla rin siyang natigilan. Pagkaraan, napatingin siya sa larawan ni Via. 


“May masakit ba sa inyo?” Nag-aalalang tanong ni Nhel. 


Marahas at malalim na buntong hininga ang kanyang pinawalan, dahil hindi siya makapaniwala na makukuha niyang mag-stay sa bahay ng kanyang ama. Ayaw niyang umalis dahil nangangamba siyang kapag ginawa niya iyon, baka mawala pa ang pagkakataon na makita niya si Via.


“Pakiramdam ko may masamang nangyayari kay Via.” 


“Damn!” Hindi niya napigilang ibulalas.


Kahit kinabahan siya sa sinabi nito, para naman may umawat sa kanya na huwag maniwala.  


“Hindi mo siya tunay na anak kaya malabo mong malaman ‘yun!”


“Oo, hindi ko siya tunay na kadugo, pero minahal ko siya bilang isang tunay na anak.”


Napatingin si Nhel sa matandang lalaki at sabay sabing, “Asawa ko na siya.”


Natawa naman si Pedro sa isinagot ni Nhel.


“Shut up!” Gigil niyang sabi. 


“Masyado kang seloso.”


“Asawa ko siya.”


“Ama naman niya ako.”


Marahas na buntong hininga ang kanyang pinawalan, at sinabi na lang niya sa kanyang sarili na kailangan niyang maging maunawain. Hindi dapat selos ang kanyang pairalin. 

“Masyado kang seryoso.”


“Mahal ko kasi,” inis niyang sabi rito. 


“Kaya kailangan mo na kumilos para hanapin siya. Alam kong may hindi magandang nangyayari ngayon kay Via.”


“Shut up!” Gigil niyang singhal kay Pedro Pedral.


Nag-init ang ulo niya rito dahil talaga namang nakakainis na wala siyang magawa para alamin kung nasaan na si Via. 


“May magagawa ka,” sabi ng kanyang sarili. 


Hindi naman kasi siya ordinaryong tao para ‘di agad malaman kung ano ang gusto niyang malaman. Kahit tuloy ayaw niya, parang kailangan muna niyang buhayin ang isang uri ng pagkatao niya na gusto na sana niyang ibaon sa limot, at ito ay ang pagiging Mafia Lord. 

Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-15 Araw ng Abril, 2024


ree

“Tama naman ang ginawa ko, hindi ba?” Nalilitong tanong ni Via sa kanyang sarili.


Pagkaraan ay malalim na buntong hininga ang kanyang pinawalan. Hindi niya rin kasi maiwasan ang masaktan. 


Ito ba ay dahil sa kanyang pag-alis? Siguro, dahil hindi rin naman niya alam kung ano'ng gagawin niya, at kung saan siya pupunta. Basta ang alam niya, hindi puwedeng malaman ni Nhel ang tungkol sa kanyang pagbubuntis, dahil natatakot siya sa magiging reaksyon nito. Kung layunin lang ba talaga nito ang makapaghiganti sa kanyang Tatay Pedro. Paniguradong tatawanan lang siya nito at sasabihing, “Yehey, nauto kita!”


Kapag nangyari ‘yun, tiyak na madudurog lang nang husto ang kanyang puso. So, bakit pa niya hihintayin na mangyari iyon? Mas maigi nga sigurong umalis na lang siya. 


“Pero, paano ako mabubuhay?” Tanong niya sa sarili. 


Hindi niya alam kung ano ang isasagot kaya naglakad na lang siya nang naglakad. Doon na kasi ang ruta ng bus na kanyang sinakyan. 


Gapan, basa niya sa lugar na napuntahan niya. Ngayon niya pa lang napagtanto na pa-Nueva Ecija na pala ang bus na sinakyan niya. Basta kasi sumampa na lang siya sa bus na kanyang napili. Ang ginawa niyang basehan ay kung saan nagka-interest ang kanyang mga mata. 


Sa kaisipang iyon, hindi niya napigilan ang mapangisi nang husto. Naniniwala kasi siya na bawat desisyon na ginagawa niya ay may kaugnayan sa kung ano ang itinakda. 


Hello, miss, saan ka pupunta?” 


Wala sana siyang planong pansinin ang nagsalita, pero bigla itong huminto sa kanyang harap. Para tuloy siyang itinulos sa kanyang kinatatayuan. Ang tipo kasi nito ay iyong parang hindi gagawa ng mabuti sa kanyang kapwa. 


“Paraanin mo ako,” lakas loob niyang sabi. 


“Sasama ka sa akin!” 

“No!”


Nanlaki ang mga mata niya nang umangat ang kamay nito at akmang sasampalin siya.


Pero hindi ‘yun nangyaring dahil bigla na lamang itong tumalsik nang banggain ito ng isang kotse. 


Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-14 Araw ng Abril, 2024


ree

Hindi alam ni Nhel kung maniniwala ba siya sa sinasabi ni Pedro Pedral na hindi nito alam kung nasaan si Via. Malaki ang hinala niya na layunin lang nitong pahirapan siya. 


“Hindi kita niloloko,” wika ni Pedro. 


Kahit na wala namang sinasabi ni Nhel, na-gets agad nito ang tumatakbo sa isipan ng kanyang tunay na anak. 


“Iniwan mo kami.” Buong diin niyang sabi habang gigil na gigil. 


Sa kauna-unahang pagkakataon, gustong sumabog ng kanyang dibdib dahil sa sobrang bigat. 


“Wala akong ideya na buntis si Marie, at isa pa, hindi ko iniwan ang mommy mo. Siya ang nakipaghiwalay sa akin, dahil hindi niya ako kayang ipaglaban, at hindi rin siya handang maghirap.”


Bigla siyang natigilan sa sinabi ni Pedro. Wala naman kasi siyang ideya kung ano ang nangyari sa kanyang mga magulang. Sa katunayan, hindi nga nagkukuwento ang kanyang ina. Naririnig niya lang ang usap-usapan sa kanilang mga katulong. 


“Kung alam ko lang na nariyan ka. Hindi sana ako pumayag na makipaghiwalay sa mommy mo.”


Hindi niya alam kung maniniwala siya sa sinabi nito, pero nang tingnan niya ito sa mata parang nilapirot ang kanyang puso. Para kasing sinasabi ng mga mata nito na hindi siya nagsisinungaling. 


“May ideya ba kayo na buntis si Via?” Mahina niyang tanong. 


“Buntis?” Hindi makapaniwalang tanong nito. “Iyon ba ang dahilan kaya madalas siyang nagsusuka?” Dagdag pa nito. 


Doon na kinabahan si Nhel. Ang pumasok kasi sa kanyang isipan kapag nagsusuka ang isang babae ay paniguradong buntis na ito. Para tuloy gusto niyang sumigaw sa tuwa dahil magiging ama na siya, pero gusto niya ring umiyak dahil parang ayaw siyang papasukin ni Via sa buhay nito. 


“Hindi ko ‘yun hahayaan!”

Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page