by Info @Brand Zone | Oct. 14, 2024
Nawawalan ka na ba ng gana? ‘Yun bang tipong wala ka pang ginagawa, pero feel mo pagod na pagod ka na? Minsan din ba sumagi na sa iyong isip na gusto mo na lamang magpahinga o magbakasyon? Huwag ka mag-alala, besh! Dahil marami ang nakakaranas ngayon nyan.
Ang pagka-burnout ay ‘di lang basta pagkapagod, at ‘di lang ito basta ordinaryong stress na dulot ng pang-araw-araw na trabaho. Ang mga dumaranas nito ay nawawalan ng ganang magtrabaho at hindi na gaanong nagiging produktibo.
Ang burnout ay konektado rin sa maraming aspeto. Subalit, ano nga ba ang kadalasang dahilan ng burnout? Narito ang ilang dahilan ng ibang tao. Kaya halina’t alamin natin ito!
Work-related na mga kadahilanan;
Mataas na demand sa trabaho
Pagtatrabaho sa isang magulong paligid at toxic na workmates
Mga kadalasang dahilan dulot ng lifestyle;
Kakulangan ng oras sa pagri-relax at pakikisalamuha sa kapwa
Napakaraming responsibilidad na ‘di nakatatanggap ng sapat na tulong mula sa mga malalapit na kaibigan at mga mahal sa buhay.
Mga pag-uugaling nagdudulot ng madaliang pagka-burnout
Pagiging perfectionist
Pagiging pessimistic, at pagiging controlling.
Pero, wait lang mga Ka-Bulgar, knows n’yo ba na puwede rin tayong ma-burnout dahil sa sarili rin nating desisyon? ‘Yun bang sa kagustuhan nating umasenso at lumaki ang kita, tanggap ka lang nang tanggap ng trabaho hanggang sa matambakan ka at mauwi sa burnout.
Ang mga sumusunod ay warning signs na maaaring may burnout ang isang tao;
Mga pisikal na senyales
Pakiramdam na laging magkakasakit, at laging pagod
Madalas na pagkakaroon ng sakit ng ulo, sakit sa likuran at kasu-kasuan
Mga emosyonal na senyales
Pakiramdam na walang magawa, talunan, at nag-iisa sa mundo
Pagbaba ng satisfaction at sense of accomplishment
Mga senyales sa pag-uugali
Pagtakas sa mga responsibilidad, at pag-iwas sa ibang tao
Binubuntong ang frustration sa ibang tao
Atin nang nabanggit kung ano ang ibig sabihin ng burnout, kadalasang dahilan, at sintomas nito. Samantala, narito naman ang ilang tips kung paano nga ba ito maiiwasan. Let’s go mga besh, sabay-sabay na natin itong alamin. Oki?!Ang pagkakaroon ng “me time,” ay makakatulong sa atin upang maiwasan ang stress o problemang ating kinakaharap. Kung maaari ay magpasa muna ng temporary leave of absence, at gamitin ito upang makapagbakasyon.
Mag-recharge ka rin kahit papaano! Huminga, mag-isip-isip at mag-enjoy din, ‘wag n’yo masyadong isubsob ang inyong sarili sa pagtatrabaho. Gets mo?
Lingid sa ating kaalaman ang taong kulang sa tulog ay madalas na irritable, mainitin ang ulo, at minsan ay wala na rin pokus. Mahalaga ang pagtulog upang makapagpahinga rin ang ating utak. Kaya naman inirerekomenda rin ang 30-minutong ehersisyo kada araw. Maglaan ng panahong sasapat sa pahinga, at makipagsalamuha sa iba bukod sa mga katrabaho at pamilya.
Pagbati! Dahil isa ka sa mga ‘di humihinto para makamit mo ang iyong pangarap. Kaya mga Ka-BULGAR, ‘wag kalimutang ngumiti. Laban lang, kaya natin ito! Okie?