top of page
Search

ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | August 22, 2023


ree

Engganyung-engganyo ang kabataan ngayon sa playground lalo na sa swing, ang ilan nga ay nagwawala at umiiyak ‘pag ‘di sila napagbibigyang maglaro.


Pero, kung patagalan naman sa swimg ang pag-uusapan, ibahiin natin si Richard Scott, 53- anyos, na kasalukuyang nakatira sa U.K, dahil nagtagal lang naman siya ng 36 hours and 32 minutes na nagpaduyan-duyan.


Nagsimula siya noong Mayo 14, 2022 alas 6:10 ng umaga, sa Loch Leven’s Larder playground at natapos siya ng Mayo 15 ng gabi.


Upang hindi makasama sa kanyang kalusugan ang record breaking attempt, pinahintulutan siya ng Guinness na magkaroon ng 5 minutes break sa kada isang oras ng pag-upo sa swing. Inipon lamang ni Scott ang kanyang breaktime upang umidlip sa loob ng 12 minutes.


Ayon ka kanya, malaki ang naitulong ng kanyang pag-idlip kaya nakatagal siya ng 36 hours sa swing.


Matagumpay na napasakamay ni Scott ang titulong kanyang pinaghirapan dahil na-beat niya lang naman ang previous record holder na si Quinn Levy na tumagal ng 34 hours sa kanyang swing marathon.


Mapapanood ang 36 hours marathon ni Scott sa Facebook page ng Rotary Club of Kinross and District.


Pagbabahagi ni Scott, bata pa lang umano siya ay pangarap na niyang mag-swing marathon. Bukod dito, malaking karangalan para sa kanya ang mabasa ang sariling pangalan sa Guinness Book of World Records.


Grabe, mga ka-BULGAR, biruin mo ‘yun, ‘di naging hadlang ang kanyang edad sa gusto niyang gawin, hindi kaya biro ang 36 hours and 32 minutes na magpaduyan-duyan, kalahating oras ka pa nga lang ay mangangayaw ka na dahil sa pagkahilo. Pagbati para kay Scott!


 
 

ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | August 19, 2023



ree

Ang average lifespan ng goldfish ay 10 hanggang 15 taon lamang, kaya malamang sa malamang ay bibilib din kayo sa aking ibabahaging kuwento, dahil umabot lang naman siya sa edad na 43. Yes, mga ka-BULGAR, 43 years siyang nabuhay.


Ang goldfish na tinutukoy natin ay si Tish na napanalunan ni Peter Hand bilang premyo noong 1959, si Peter ay 7-anyos noon.


Inalagaan ni Peter si Tish hanggang sa ikasal siya at umalis sa kanilang tahanan, kung saan ang kanyang ina na si Hilda, ang nag-alaga kay Tish.


Si Tish ay nagsilbi umanong suwerte sa buhay ni Nanay Hilda.


Ang nakakamangha pa sa kuwento ng buhay ni Tish ay noong 1988, tumalon umano ito sa bowl na kanyang pinaglalagyan, wala sa bahay noong si Nanay Hilda kaya ‘di niya alam kung gaano na katagal si Tish sa sahig. Sa kabutihang palad nang ibalik siya ni Nanay Hilda sa tubig ay nagpatuloy ito sa paglangoy na para bang walang nangyari.


Sa paglipas ng mga taon, habang tumatanda si Tish, ang mga kaliskis nito ay nagiging silver.


Pagbabahagi pa ni Nanay Hilda, ayaw umano ni Tish ang ingay kung kaya’t sinisiguro niyang tahimik ang kanilang kapaligiran hangga’t maaari.


Pasok si Tish sa Guinness World Record bilang pinakamatandang goldfish sa buong mundo na sinundan ng British goldfish na pinangalanang Fred sa pagmamay-ari ni A.R Wilson, namuhay si Fred ng 40 years at pumanaw noong 1980.


Ang nakakalungkot na ibinahagi ni Nanay Hilda ay ang pagkamatay ni Tish noong Agosto 6, 1999, isang taon matapos siyang maparangalan.


May ilang haka-haka na ang goldfish umano ay namumuhay sa loob ng 50 years, ngunit hanggang ngayon ay ‘di pa rin ito napapatunayan at wala pa ring nakaka-beat ng record ni Tish. Nakakamangha ang kuwento niya, hindi ba mga ka-BULGAR?




 
 

ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | August 15, 2023



ree

Opisyal nang tinalo ni Erin Honeycutt, 38-anyos, mula sa USA ang world record ni Vivian Wheeler, 75, na dating may pinakamahabang balbas.


Imagine, nakayanan niyang pahabain ang kanyang balbas ng 11.81 inches na ‘di man lang uminom ng kahit na anong supplement. Kung ikaw si Honeycutt, kakayanin mo rin kaya ito?


Ayon sa kanya, siya ay may polycystic ovarian syndrome (PCOS), isang kondisyon na nagdudulot ng hormonal imbalance at maaaring magresulta sa hindi regular na pagkakaroon ng menstruation, pagtaas ng timbang, pagkabaog, at labis na paghaba ng buhok.


Nagsimulang tumubo ang balbas ni Honeycutt, noong siya ay 13-anyos pa lamang.


Gumamit siya ng iba’t ibang paraan upang matanggal ito, tulad ng pag-aahit at pagwa-wax.


3 times a day kung mag-ahit ng balbas si Honeycutt, ipinagpatuloy niya ito hanggang sa siya ay tumanda


Hindi lamang ang PCOS ang isyu sa kalusugan na kinailangang labanan ni Honeycutt dahil noong 2018 umano, nasugatan ang kanyang paa at agad siyang idinala sa ospital, kung saan nagkaroon siya ng necrotizing fasciitis sa kanyang binti, na isang bihirang bacterial infection na nagresulta sa pagkamatay ng mga bahagi ng malambot na tissue ng kanyang katawan.


Ayon sa kanya, buong tapang niya umanong haharapin ang pagsubok na ito sa kanyang buhay.


Gayunman, ang kanyang mga komplikasyon sa kalusugan ay hindi tumigil do’n. Ang presyon ng kanyang dugo ay tumaas nang tumaas hanggang sa siya ay na-stroke.


Pinayuhan si Honeycutt ng kanyang doktor na kung patuloy siyang mag-iisip nang positibo, mas mabilis siyang gagaling.


Ang binti ni Honeycutt ay naging septic at gangrene, na nagresulta sa kanyang pagpapasya na putulin na lamang ang kalahati ng kanyang paa.


Si Honeycutt ay madalas na naco-confuse sa kung ano ang magiging hitsura ng kanyang balbas kapag siya ay ganap na tumanda.


Hanggang sa nagpasyahan ni Honeycutt na pahabain ang kanyang balbas sa panahon ng nationwide lockdown na ipinatupad dahil sa pandemya ng COVID-19.


Sa pagsali ni Honeycutt sa Guinness World Records, na sumunod sa yapak ng iba pang mga babaeng may balbas tulad nina Vivian Wheeler at Harnaam Kaur, sana umano ang kanyang kuwento ay makapagbigay ng kumpiyansa sa iba pang mga kababaihang mayroong PCOS, na nagpapatunay na maaari silang yakapin ng lipunan at ng kanilang mga mahal sa buhay.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page