top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 1, 2024




Natagpuan ang isang barkong lumubog higit isang daang taon na ang nakararaan sa baybayin ng Michigan.


Inihayag ng Michigan Shipwreck Research Association ang pagkakita dito nu'ng Marso 23 sa Holland, Michigan, ayon sa isang post sa Facebook mula sa nasabing samahan.


Isang grupo ng mga eksperto mula sa organisasyon ang nakatuklas sa katawan ng sinasabing kakaiba at buong-buo pang barkong pandagat ng Milwaukee na lumubog nu'ng Hulyo 1886 dahil sa pagkakabangga.


Ang pagkakahanap sa nasabing barko ay nagmarka ng ika-19 na lumubog na barko na natuklasan sa baybayin ng West Michigan ng nasabing grupo.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 21, 2024




Natagpuan ang literal na unidentified floating objects o UFO sa isang lawa sa Oklahoma at marami ang naghihinalang itlog ito ng alien.


Ibinida ng Oklahoma Department of Wildlife Conservation ang mga mistulang itlog ng alien na natagpuan sa McGee Creek Reservoir sa isang Facebook post na viral na sa kasalukuyan sa mga social media platforms.


“If you’re out boating somewhere like McGee Creek Reservoir you may notice these strange jelly-like balls hanging from submerged tree limbs,” saad ng ahensya sa kanilang post.


Kasama sa kanilang post ang mga larawan ng isang matigas na balat, malabnaw na mga bilog na nakabitin mula sa isang puno sa ilalim ng lawa na animo'y itlog.


Wala pang linaw hanggang ngayon kung ano nga ba ang tinaguriang "Alien eggs," o "Godzilla eggs" na lumutang sa nasabing lawa.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 7, 2024




Nadiskubre ang isang "mass grave" na may higit sa 1,000 mga kalansay, na maaaring mula sa Black Death noong 1600s, sa Nuremberg, Germany.


Nangyari ang pinakamalaking pagtuklas na ito sa bansa, o maging sa buong Europe, habang sinusuri ang lugar para sa pagtatayo ng isang retirement home, ayon sa developer na WBG.


Hanggang 1,500 katao ang maaaring nailibing doon, na nagpapahiwatig na namatay sila sa isa sa mga plague outbreaks na naganap halos kada 10 taon simula noong ika-14 na siglo, ayon kay city archaeologist Melanie Langbein sa CNN.


Natagpuan ang walong libingan na may daan-daang katawan bawat isa. Hindi bababa sa isa sa mga libingan ang may petsa na mula sa huling bahagi ng 1400s o simula ng 1600s, ayon sa radiocarbon analysis.


Tila isa ito sa ilang sementeryo na binanggit sa mga dokumentong pangkasaysayan, ayon kay Nuremberg Lord Mayor Marcus König.


“The graves contain the mortal remains of children and old people, men and women; the plague did not stop at gender, age or social status. Now, for the first time, an empirically reliable analysis of a large population group from this period can be carried out for a city with the importance of Nuremberg,” ani König.


Itinuturing naman ng mga eksperto na isang kayamanan ng impormasyon ang mga kalansay.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page