top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 12, 2022


ree

Tatlong pasyenteng paralisado dahil sa spinal cord injuries ang muling nakalakad, nakapag-swimming at cycling dahil sa nerve-stimulation device na kontrolado ng isang touchscreen tablet.


Ang naturang tatlong lalaki ay mga completely paralysed dahil sa motorbike accidents, at ngayon ay nakapaglalakad, nakapagsa-cycling at maging swimming sa Switzerland dahil sa implanted nerve-stimulation device.


Ang spinal implant ay kontrolado sa pamamagitan ng touchscreen tablet at gumagamit ng artificial intelligence.


Batay sa teorya, sa hinaharap ay posibleng gumamit ng teknolohiya ang mga taong may spinal cord injuries sa pamamagitan lamang ng smartphone at pagpili ng activity tulad ng paglakad at pag-upo.


"At the very beginning, it's not super easy. But they can immediately activate their legs and step," ani Jocelyne Bloch ng Swiss Federal Institute of Technology sa Lausanne, na siyang nanguna ng pag-aaral kasama si scientist Grégoire Courtine.


Sa loob lamang ng isang oras na pag-implant ng neurosurgeons ng prototypes ng nerve-stimulation device, nagawa nang humakbang ng tatlong pasyente at matapos ang 6 na buwan, natutunan na rin nila ang iba’t iba pang complex movements.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 16, 2021


ree

Nakaimbento ang mga scientist mula sa Northwestern University ng injectable therapy na tinatawag na "dancing molecule” kung saan maaari umanong makagalaw ang mga paralisado sa pamamagitan nito.


Sa report ng Reuters, matagumpay daw na muling napalakad ang isang paralisadong bubuwit gamit ang dancing molecules.


“Spinal cord injury has been a major challenge for science for decades,” ayon kay Samuel Stupp, ng nangunguna sa isinasagawang pagsasaliksik ng Northwestern University.


“The central nervous system, which includes the brain and the spinal cord, which sends messages between your brain and the rest of your body, has very limited capacity to repair after injury,” paliwanag niya.


Sa kanilang pag-aaral, makaraan lang ang apat na linggo matapos maturukan ay nagawa raw ng “dancing molecules” na i-reverse ang paralysis sa bubuwit at nagamot nito ang severe spinal cord injuries.


“This is probably the most important paper I have ever written. And it describes a piece of science that was truly unknown," patuloy ni Stupp.


Ang proseso, ituturok ang likidong "dancing molecules" sa gulugod ng pasyente.


“When molecules did not move or move very little, then the response we observed in the animals was just the slight twitching of the limbs. But no ability to walk. When we use the exact same therapy, the exact same signals, but we molecularly change the structures so that the molecules would move more. Now we saw full ability of the animals to walk," paliwanag niya.


Matapos na ilathala sa journal Science ang kanilang pag-aaral, nais ng mga siyentista ng Northwestern team na mabigyan sila ng pahintulot na subukan na ito sa tao at huwag nang dumaan sa pagsubok sa malalaking hayop.


"We are definitely headed for the FDA to seek approval for use of our novel therapy in clinical trials, and we are very excited about this possibility that will make a huge difference to patients," aniya.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 17, 2021


ree

Nakatakdang ibenta via auction ang 200-year old microscope na ibinigay ni Charles Darwin sa kanyang anak.


Ito ay gaganapin sa Christie’s Valuable Books & Manuscripts auction sa Disyembre 15 at maaaring umabot sa halagang $480,000 o P24 milyon.


Ang Gould-Style Compound Microscope na ito ay ginawa noong 1825 at ito ay isa na lamang sa anim na microscope na associated sa British naturalist.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page