top of page
Search

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo |Pebrero 1, 2023



Hindi nababayaran ang lungkot na malayo sa sariling pamilya. Para sa mga overseas Filipino workers (OFWs), mas nanaisin nilang magtrabaho na lang sa ating bansa. Ngunit kailangan nilang makipagsapalaran sa ibang bansa para mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang pamilya at makatulong din sa ating ekonomiya. Sa lahat ng sakripisyo nila, nakakalungkot na sila pa ang nagiging biktima ng karahasan.


Nakikidalamhati tayo sa mga naiwang mahal sa buhay ng kababayan nating si Jullebee Ranara.


Dumalaw tayo sa kanyang burol sa kanilang tahanan sa Las Piñas City noong Lunes, January 30.


Personal nating ipinaabot ang ating pakikiramay sa kanyang asawa, mga magulang at mga kapamilya. Si Jullebee ang OFW sa Kuwait na pinaslang diumano ng anak ng kanyang amo. Natagpuan ang kanyang mga labi sa disyerto sa nasabing bansa.


Inihahanap natin ngayon ng katarungan ang kanyang sinapit. Nakakalungkot ang pinagdadaanan ng pamilya ngayon ni Jullebee. Nagpapakahirap siya sa ibang bansa para makapagbigay ng makakain sa kanyang pamilya rito sa Pilipinas, tapos ay ganito ang kahahantungan ng kanyang sakripisyo na mawalay sa kanyang pamilya. Idinidiin kong dapat justice must be served sa kasong ito.


Sa aking pagbisita, nagbigay ako ng kaunting suporta at ipinarating ko sa kanila na handa ang aking opisina na tulungang tugunan ang pangangailangan ng pamilyang naulila sa abot ng aming makakaya.


Nagkataon naman na naroon din sa lamay si Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople at Overseas Workers Welfare Administration Chief Arnel Ignacio. Habang nandu’n kami, nakapanayam din kami nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pastor Apollo Quiboloy sa programang “Gikan sa Masa, Para sa Masa” ng SMNI. Nakiramay sila at nagpadala ng kaunting tulong si Tatay Digong sa pamilya ni Jullebee, at inimbita rin sa Davao City.


Ayon kay Tatay Digong, nalulungkot siya na nangyari ang ganito kay Jullebee. Para sa kanya, dapat makamit ang katarungan. Binanggit din niya na malaking bagay ang pagdamay naming mga nasa gobyerno sa pamilya ni Jullebee dahil kailangan ng mga ito ang aming pagmamalasakit sa panahon ng kanilang pagdadalamhati.


Kasunod ng nangyari kay Jullebee, agad tayong nanawagan na rebisahin at palakasin pang lalo ang mga polisiya ng ating pamahalaan sa pagtatalaga at pagprotekta sa ating mga OFW. Umapela rin tayo sa bagong tatag na Department of Migrant Workers (DMW) na tutukan ang pag-usad ng kanyang kaso. Ito pong DMW ay pangarap natin noon na naisakatuparan na para may departamento na agad tutugon, mangangasiwa at mag-aasikaso tuwing may ganitong kaso.


Isa tayo sa may-akda at nag-co-sponsor ng bersyon sa Senado ng Republic Act 11641 na lumikha sa DMW para matiyak ang mabilis at maayos na paghahatid ng mahahalagang serbisyo ng gobyerno sa ating mga manggagawang Pilipino sa labas ng ating bansa.


Hindi na magtuturuan pa ang mga ahensya ng gobyerno kung alin sa mga ito ang lalapitan kapag may problema ang mga OFWs dahil nar’yan na ang DMW na tututok sa kanilang pangangailangan.


Malapit sa aking puso ang mga OFW. Itinuturing natin silang mga bagong bayani kaya dapat lang na makuha nila ang serbisyo at suportang nararapat. Kaya sa nangyari kay Jullebee, magkahalong kalungkutan at galit ang aking nararamdaman. Bilang isang senador at kapwa Pilipino, hindi tayo dapat pumayag na mangyari ito sa ating kababayan.


Pangatlong beses na ito sa nakaraang anim na taon na may kababayan tayong pinatay sa Kuwait.


Kung inyong matatandaan, noong 2019 ay pinaslang si Jeanelyn Padernal Villavende ng kanyang employer. Noong 2018, natagpuan ang bangkay ni Joanna Demafelis sa isang abandonadong warehouse. Hindi dapat nangyayari ang ganito, hindi dapat palampasin, at kailangang protektahan nating mabuti ang ating mga manggagawang nasa ibang bansa.


Tingnan dapat nang mabuti ang mga kasunduan, alamin kung sino ang salarin, dumaan ba sa tamang proseso ang pag-recruit sa mga kababayan natin, at ano’ng pagkukulang ang nangyari para humantong sa ganitong trahedya ang kanilang buhay?


Noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, matapos ang sinapit ni Jeanelyn ay nag-isyu si Tatay Digong noong January 2020 ng temporary ban sa deployment ng OFW sa Kuwait at tiningnang mabuti kung ano ba ang dapat nasa kasunduan para maproteksyunan ang bawat karapatan ng Pilipino — nasaan man sila sa mundo.


Ganundin noong 2018 dahil sa nangyari kay Joanna. Nag-offer ang ating pamahalaan nang mga panahong ‘yun ng voluntary repatriation ng ating mga OFWs na nasa nasabing bansa. Nilagdaan naman noong May 11, 2018 ang isang memorandum of agreement sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait bilang bahagi ng pagsisikap na mawakasan ang patuloy na paglabag ng mga Kuwaiti employers sa karapatang pantao ng ating mga OFWs na naninilbihan sa kanila.


Sa ngayon, suportado ko naman ang mga pagsisikap ng bagong administrasyon para mabigyan ng hustisya ang kaso ni Jullebee. Buo ang aking tiwala sa DMW, Department of Foreign Affairs (DFA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang ahensyang nangangasiwa rito. Mahalagang gumawa ng sapat na mga hakbang ang pamahalaan para matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawang Pilipino na mas piniling mahiwalay sa kanilang pamilya para hanapin ang oportunidad sa labas ng ating bansa.


Mga kapwa ko Pilipino, sama-sama tayo sa paghahangad ng hustisya para sa ating kababayan.


Tulungan natin ang bawat Pilipinong nagsusumikap na magtrabaho upang mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Magsilbi tayong lakas ng bawat isa upang proteksyunan ang kapwa natin Pilipino laban sa pang-aabuso at mga nagsasamantala, saanmang parte ng mundo.


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

 
 

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | January 28, 2023



Muling ipinadama ng mga taga-Pampanga ang kanilang pagmamahal kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na “Handog Pasasalamat ng mga Kapampangan” noong Enero 26.


Ang okasyon ay dinaluhan ng mga opisyal ng buong lalawigan. Sa pamamagitan ng isang Sangguniang Panlalawigan Resolution, idineklara si Tatay Digong bilang “Adopted Son of the Province of Pampanga.”


Sa Davao City ay napakaraming residente na nagmula sa Pampanga, kaya mahal na mahal namin ni Tatay Digong ang mga Kapampangan. Maging ang sikat na sisig, paboritong-paborito naming dalawa ‘yan. Kaya naman tuwing makakadalaw ako sa Pampanga, sinisigurado ko na makakain ng kanilang popular na putahe. Bukod sa kanilang pagkain, laging napakainit ng pagtanggap ng Pampanga sa amin mula noon hanggang ngayon, kaya labis na nagpapasalamat si Tatay Digong sa mga kababayan natin du’n.


Nagpasalamat din ako sa mga taga-Pampanga. Ginawaran ang inyong lingkod ng pagkilala dahil sa ating naging suporta at mahalagang kontribusyon sa pagpapalaganap ng kapakanan at interes ng lalawigan ng Pampanga.


Sabi ko sa kanila, kami ni Tatay Digong ay mga probinsyano na binigyan ng pagkakataon na makapaglingkod sa mga Pilipino. Kaya huwag kayong magpasalamat sa amin o sa akin, dahil isang karangalan sa amin ang maglingkod sa inyong lahat at sa ating buong bansa.


Sa pagseserbisyo ko, malaki ang natutunan ko kay Pangulong Duterte. Isa lang ang ipinapaalala niya sa akin noon pa. Unahin mo ang iyong kapwa Pilipino, hinding-hindi ka magkakamali.


Pagserbisyuhan nang mabuti. ‘Yan ang ginagawa ko. Asahan n’yo na sa abot ng aking makakaya, hindi ako pulitiko na mangangako sa inyo, magtatrabaho ako sa abot ng aking makakaya.


Ipagpatuloy natin ang mga programang nakakatulong sa mahihirap.


Personal ko namang sinaksihan ang groundbreaking ng itatayong Super Health Center sa Gregoria Street, Brgy. Tabon 2, Kawit, Cavite noong January 25, sa imbitasyon na rin ng kanilang local government unit at ng Department of Health (DOH).


Malaki ang papel ng LGU officials at mga mambabatas ng kanilang distrito sa mga programa ng national government upang maging operational ito para sa kapakinabangan ng kanilang mga nasasakupan. Bilang Chair ng Senate Committee on Health, nagpapasalamat ako sa kanilang pagtulong sa layunin ng SHC na ilapit ng gobyerno ang serbisyong medikal sa mga kababayan nating nasa malalayong lugar, gaya sa mga nasa underdeveloped at isolated municipalities na walang sariling ospital.


Sa SHC, puwede nang manganak, may dental, laboratory at emergency services para sa mga pasyente, at ibang pang serbisyong medikal.


Sa nasabing okasyon ay binanggit ko rin na suportado ko ang mga inisyatiba ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Ang ating Pangulo ang ating number one marketing agent para mai-promote ang ating bansa sa buong mundo at makaakit ng mga mamumuhunan para lalong mapalakas at mapabilis ang pagbangon ng ating ekonomiya.


Dinaluhan ko rin ang Liga ng mga Barangay sa Pilipinas National General Membership Assembly na ginanap sa Pasay City noong Miyerkules. Naiintindihan ko ang trabaho ng isang kapitan at sinabi ko na handa akong tumulong sa kanila in my own small capacity.


Suportado ko kung ano ang makakabuti para sa lahat. Mahalaga ang papel ng mga opisyal ng barangay sa kanilang mga komunidad dahil kapag may problema ang mga residente o kaya ay may sakuna at kalamidad ay sila ang unang nilalapitan.


Ipinarating ko rin sa mga kapitan na bilang Chair ng Senate Committee on Sports, ayaw kong sayangin ang inumpisahan ni Tatay Digong na labanan ang ilegal na droga at kriminalidad dahil kapag bumalik ang droga, babalik na naman ang korupsyon at iba pang krimen. Malaki ang maitutulong ng mga opisyal ng barangay sa kampanya laban sa droga at kriminalidad. Tulad ng aking ginagawa, dapat engganyuhin ang mga kabataan at mga estudyante to get into sports and stay away from drugs. May mga rehabilitation centers din ang ating gobyerno para tulungan ang mga biktima ng ilegal na droga na gumaling, makapagbagong buhay at makabalik sa kanilang pamilya at lipunan.


Samantala, patuloy ang aking tanggapan sa pagkakaloob ng ayuda sa mga kababayan nating ang kabuhayan ay apektado ng iba’t ibang krisis. Maagap nating dinaluhan ang mga naging biktima ng sunog sa iba’t ibang lugar, gaya ng 112 residente ng Dapa, Siargao Island sa Surigao del Norte; at apat pa sa Bgy. Salvacion, Prosperidad, Agusan del Sur.


Sa paglilibot ko sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa ay nakikita ko na kumpara sa nakalipas na dalawang taon ay talagang unti-unti na tayong nagbabalik sa normal. Napakaraming industriya at establisimyento na rin ang nagbukas, at nakabalik na sa trabaho ang ating mga manggagawa.


Nagpapasalamat ako sa ating mga kababayan na patuloy na inaalagaan ang kanilang kalusugan at sinusunod ang health protocols, gaya ng pagsusuot ng face masks.


Bagama’t hindi na mandatory, mas mabuti na mag-ingat tayo at huwag tayong magkumpiyansa dahil habang may COVID-19, nandyan pa rin ang banta sa ating kalusugan.


Muli, ang pakiusap ko lang sa lahat ng Pilipino ay ang patuloy na pagkakaisa at pagbabayanihan para malampasan natin anumang pagsubok ang kaharapin ng ating bansa, gaya nang napatunayan na natin. Ako na inyong senador ay patuloy na magtatrabaho para sa inyo dahil ako ay naniniwala na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.



Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

 
 

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | January 27, 2023



Muling ipinadama ng mga taga-Pampanga ang kanilang pagmamahal kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na “Handog Pasasalamat ng mga Kapampangan” kahapon, January 26. Ang okasyon ay dinaluhan ng mga opisyal ng buong lalawigan. Sa pamamagitan ng isang Sangguniang Panlalawigan Resolution, idineklara si Tatay Digong bilang “Adopted Son of the Province of Pampanga.”


Sa Davao City ay napakaraming residente na nagmula sa Pampanga, kaya mahal na mahal namin ni Tatay Digong ang mga Kapampangan. Maging ang sikat na sisig, paboritong-paborito naming dalawa ‘yan. Kaya naman tuwing makakadalaw ako sa Pampanga, sinisigurado ko na makakain ng kanilang popular na putahe. Bukod sa kanilang pagkain, laging napakainit ng pagtanggap ng Pampanga sa amin mula noon hanggang ngayon, kaya labis na nagpapasalamat si Tatay Digong sa mga kababayan natin du’n.


Nagpasalamat din ako sa mga taga-Pampanga. Ginawaran ang inyong lingkod ng pagkilala dahil sa ating naging suporta at mahalagang kontribusyon sa pagpapalaganap ng kapakanan at interes ng lalawigan ng Pampanga.


Sabi ko sa kanila, kami ni Tatay Digong ay mga probinsyano na binigyan ng pagkakataon na makapaglingkod sa mga Pilipino. Kaya huwag kayong magpasalamat sa amin o sa akin, dahil isang karangalan sa amin ang maglingkod sa inyong lahat at sa ating buong bansa.


Sa pagseserbisyo ko, malaki ang natutunan ko kay Pangulong Duterte. Isa lang ang ipinapaalala niya sa akin noon pa. Unahin mo ang iyong kapwa Pilipino, hinding-hindi ka magkakamali. Pagserbisyuhan nang mabuti. ‘Yan ang ginagawa ko. Asahan n’yo na sa abot ng aking makakaya, hindi ako pulitiko na mangangako sa inyo, magtatrabaho ako sa abot ng aking makakaya. Ipagpatuloy natin ang mga programang nakakatulong sa mahihirap.


Personal ko namang sinaksihan ang groundbreaking ng itatayong Super Health Center sa Gregoria Street, Brgy. Tabon 2, Kawit, Cavite noong January 25, sa imbitasyon na rin ng kanilang local government unit at ng Department of Health (DOH).


Malaki ang papel ng LGU officials at mga mambabatas ng kanilang distrito sa mga programa ng national government upang maging operational ito para sa kapakinabangan ng kanilang mga nasasakupan. Bilang Chair ng Senate Committee on Health, nagpapasalamat ako sa kanilang pagtulong sa layunin ng SHC na ilapit ng gobyerno ang serbisyong medikal sa mga kababayan nating nasa malalayong lugar, gaya sa mga nasa underdeveloped at isolated municipalities na walang sariling ospital. Sa SHC, puwede nang manganak, may dental, laboratory at emergency services para sa mga pasyente, at ibang pang serbisyong medikal.


Sa nasabing okasyon ay binanggit ko rin na suportado ko ang mga inisyatiba ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Ang ating Pangulo ang ating number one marketing agent para mai-promote ang ating bansa sa buong mundo at makaakit ng mga mamumuhunan para lalong mapalakas at mapabilis ang pagbangon ng ating ekonomiya.


Dinaluhan ko rin ang Liga ng mga Barangay sa Pilipinas National General Membership Assembly na ginanap sa Pasay City noong Miyerkules. Naiintindihan ko ang trabaho ng isang kapitan at sinabi ko na handa akong tumulong sa kanila in my own small capacity. Suportado ko kung ano ang makakabuti para sa lahat. Mahalaga ang papel ng mga opisyal ng barangay sa kanilang mga komunidad dahil kapag may problema ang mga residente o kaya ay may sakuna at kalamidad ay sila ang unang nilalapitan.


Ipinarating ko rin sa mga kapitan na bilang Chair ng Senate Committee on Sports, ayaw kong sayangin ang inumpisahan ni Tatay Digong na labanan ang ilegal na droga at kriminalidad dahil kapag bumalik ang droga, babalik na naman ang korupsyon at iba pang krimen. Malaki ang maitutulong ng mga opisyal ng barangay sa kampanya laban sa droga at kriminalidad. Tulad ng aking ginagawa, dapat engganyuhin ang mga kabataan at mga estudyante to get into sports and stay away from drugs. May mga rehabilitation centers din ang ating gobyerno para tulungan ang mga biktima ng ilegal na droga na gumaling, makapagbagong buhay at makabalik sa kanilang pamilya at lipunan.


Samantala, patuloy ang aking tanggapan sa pagkakaloob ng ayuda sa mga kababayan nating ang kabuhayan ay apektado ng iba’t ibang krisis. Maagap nating dinaluhan ang mga naging biktima ng sunog sa iba’t ibang lugar, gaya ng 112 residente ng Dapa, Siargao Island sa Surigao del Norte; at apat pa sa Bgy. Salvacion, Prosperidad, Agusan del Sur.


Sa paglilibot ko sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa ay nakikita ko na kumpara sa nakalipas na dalawang taon ay talagang unti-unti na tayong nagbabalik sa normal. Napakaraming industriya at establisyemento na rin ang nagbukas, at nakabalik na sa trabaho ang ating mga manggagawa. Nagpapasalamat ako sa ating mga kababayan na patuloy na inaalagaan ang kanilang kalusugan at sinusunod ang health protocols, gaya ng pagsusuot ng face masks. Bagama’t hindi na mandatory, mas mabuti na mag-ingat tayo at huwag tayong magkumpiyansa dahil habang may COVID-19, nandyan pa rin ang banta sa ating kulusugan.


Muli, ang pakiusap ko lang sa lahat ng Pilipino ay ang patuloy na pagkakaisa at pagbabayanihan para malampasan natin anumang pagsubok ang kaharapin ng ating bansa, gaya nang napatunayan na natin. Ako na inyong senador ay patuloy na magtatrabaho para sa inyo dahil ako ay naniniwala na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.



Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page