top of page
Search

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | Oct. 26, 2024



Bisyo Magserbisyo ni Bong Go

Nakikiramay tayo sa mga pamilya ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine. Sa mga nasaktan, nasugatan, at sa libu-libong nawalan ng mga bahay at mga gamit, mahirap man ang sitwasyon, kasama ninyo ako sa pasasalamat sa Diyos na pinangalagaan ang ating buhay sa harap ng ganitong pagsubok. Patuloy tayong magtulungan tungo sa pagbangon.


Nananawagan tayo sa ating national government para sa mas mabilis na paghahatid ng tulong sa mga nasalanta. Sa mga kababayan naman natin na nasa mga ligtas na lugar, subukan nating makatulong kahit sa maliit na paraan, subalit tiyakin din natin ang ating kaligtasan.


Bilang inyong Mr. Malasakit na ang tanging bisyo ay magserbisyo sa inyo sa abot ng aking makakaya, nakatutok tayo sa anumang tulong na maaari nating maibigay sa mga biktima at mga komunidad.


Bukod sa agarang tulong at bilang mambabatas, patuloy nating isinusulong na palakasin pa ang ating disaster resilience measures sa ating bansa na kamakailan ay tinukoy ng Asian Development Bank bilang most disaster-prone sa Southeast Asia. Mula 2014 hanggang 2023, umabot na sa halos 43 milyong Pilipino ang naapektuhan ng mga kalamidad.


Isa ito sa mga dahilan kaya patuloy kong isinusulong ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience sa pamamagitan ng Senate Bill No. 188. Layunin ng panukalang ito na magkaroon ng isang departamento na pamumunuan ng isang cabinet-level secretary na magsisigurong mabilis at organisado ang pagtugon sa mga kalamidad. Hindi na sapat kung palaging task force o coordinating council lamang. Dapat mayroon talagang nakatutok na timon sa pamamagitan ng isang departamento na may sapat na mandato at kakayahan upang maghanda, rumesponde, at madaliang maibalik ang mga nasalanta sa normal na buhay.


Panahon na rin na magkaroon sa bawat lokalidad ng ligtas at kumpleto sa supply na evacuation centers. Umaasa tayo na maisasabatas na ang Senate Bill No. 2451 o ang Ligtas Pinoy o Mandatory Evacuation Centers Act, na tayo ang principal author at co-sponsor. Bukod sa kanilang kaligtasan at kalusugan, kailangan ding mapangalagaan ang dignidad ng ating evacuees.


Anuman ang lagay ng panahon, hindi tayo tumitigil sa paghahatid ng serbisyo. Dumalo tayo noong October 23 sa ginanap na National Congress ng Liga ng mga Barangay Cluster 6 sa Pasay City. Panauhing tagapagsalita naman tayo noong October 24, sa ginanap na Barangay Councilors League of the Philippines General Assembly na ginanap sa Maynila.


Nagpapasalamat tayo sa mga opisyal ng mga barangay sa kanilang serbisyo at patuloy nating isinusulong ang mga panukala na mangangalaga sa kanilang kapakanan at magpapalakas pa ng kanilang kakayahang maglingkod. Ilan dito sa mga inihain natin sa Senado ay ang Senate Bill No. 197, o ang Magna Carta for Barangays; Senate Bill No. 2802, na naglalayong magbigay ng six-year term sa barangay at SK officials kung maisabatas; at ang Senate Bill No. 427, na naglalayong mabigyan ng karampatang suporta at benepisyo ang barangay health workers kung maipasa.


Kahapon naman, October 25, nagbigay inspirasyon tayo sa pamamagitan ng video call sa Vice Mayors League of the Philippines (VMLP) Region III-3rd Regional Assembly na idinaos sa Tarlac City sa paanyaya ni Mayor Mike Galang.



Tuluy-tuloy din ang aking Malasakit Team sa paghahatid ng tulong sa ating mga kababayang nangangailangan tulad ng mga biktima ng sunog sa Surigao del Sur kabilang ang 82 sa Tandag City, at 36 sa Bislig City. Nakapagpaabot din tayo ng agarang tulong sa 250 nating kababayang nabiktima ng bagyo sa Tungawan, Zamboanga Sibugay.


Sa Lupon, Davao Oriental ay natulungan natin ang 1,000 kapos ang kita na nabigyan din ng gobyerno ng tulong pinansyal. Bukod sa kanila, nasuportahan natin ang 1,500 mahihirap na residente sa lugar na sa pamamagitan natin ay napagkalooban ng tulong pinansyal katuwang si Mayor Erlinda Lim.


Sa ating pakikipagkapit-bisig sa DOLE, natulungan natin ang mga nawalan ng hanapbuhay na nabigyan ng pansamantalang trabaho. Sa Southern Leyte ay naging benepisyaryo ang 213 sa San Juan katuwang si Mayor Tado Saludo, at 149 naman sa Liloan, San Francisco, Pintuyan at San Ricardo kaagapay si VG Melay Mercado. Dagdag dito ang 139 sa Gingoog City, Misamis Oriental katuwang sina Mayor Erick Cañosa at BM Robert de Lara.


Minsan lang tayong daraan sa mundong ito kaya kung anumang kabutihan at tulong ang puwede nating ibigay sa kapwa, gawin na natin ngayon. Bilang inyong lingkod, patuloy akong magseserbisyo sa abot ng ating makakaya at kapasidad. Patuloy tayong magtulungan at magmalasakit sa isa’t isa dahil ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

 
 

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | Oct. 23, 2024



Bisyo Magserbisyo ni Bong Go

Nitong nakaraang Linggo, nagkaroon ng pagkakataon ang inyong Senator Kuya Bong Go na makasalamuha at magpamahagi rin ng tulong tulad ng food packs sa ating mga kapatid na katutubo sa ginanap na Pistang Katutubong Dumagat Indigenous Peoples

Meet sa San Rafael, Bulacan. Bahagi ito ng pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Month ngayong Oktubre bilang pagpapahalaga sa preserbasyon ng pamanang kultura at pangangalaga sa karapatan ng indigenous communities sa ating bansa. 


Bilang miyembro ng Senate Committee on Cultural Communities, ipinabatid ko sa ating mga kapatid na katutubo na patuloy akong magsusulong ng mga hakbangin upang suportahan sila sa abot ng aking makakaya. Isang oportunidad na rin ito para marinig natin ang kanilang mga hinaing at malaman ang pangunahin ninyong pangangailangan. 


Ang ating mga katutubo ay mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sinasalamin nila ang ating pinagmulan at gabay natin sila sa ating patutunguhan. Sa nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, inilabas niya ang Executive Order No. 139 noong 2021 na nagkakaloob ng death and burial benefits sa Barangay Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMRs).


Patuloy din akong nagtatrabaho upang mabigyan ang ating IPs ng maayos na serbisyo — mula sa edukasyon, kalusugan, hanggang sa kanilang kabuhayan. Bilang vice chairperson ng Senate Committee on Finance, sinuportahan natin ang pagbibigay ng karagdagang budget para sa programang Strengthening Indigenous People in Mindanao o STIP-Mindanao na nakapaloob sa budget ng Mindanao Development Authority.


Importante na maparating ang serbisyo at mapadama ang malasakit ng gobyerno sa lahat ng sektor ng lipunan. Kaya sinisikap kong hindi maantala ang serbisyo ko sa mga kapwa ko Pilipino anumang oras sa abot ng aking makakaya. 


Bumisita tayo sa Negros Occidental noong October 19 at nag-inspeksyon sa mga Super Health Center sa La Castellana at sa Moises Padilla. Matapos ito, pinangunahan natin ang pamamahagi ng tulong para sa 2,000 benepisyaryo mula sa Moises Padilla katuwang si Mayor Ella Yulo, at 930 naman sa La Castellana katuwang si Mayor Mhai Nicor-Mangilimutan. Kasama ang kanilang lokal na pamahalaan, nabigyan din ang mga ito ng tulong pinansyal. Dumalo rin tayo sa ribbon cutting ceremony ng isang road project sa Pontevedra na naisulong sa pamamagitan natin. Katuwang si Mayor Jose Maria Alonso, naayudahan din natin ang 346 mahihirap sa Pontevedra. Tayo rin ay nagpapasalamat sa lokal na pamahalaan ng Pontevedra sa pagkilala sa akin bilang adopted son. 


Nakiisa naman tayo noong October 20 sa idinaos na Couples for Christ (CFC) Answering the Cry of the Poor (ANCOP) Global Walk sa San Rafael, Bulacan sa paanyaya nina Bulacan Head John dela Merced at BM Aye Mariano. 


Nagbalik tayo sa Bulacan noong October 21 at pinangunahan ang pagkakaloob ng tulong para sa 1,500 mahihirap sa Calumpit katuwang si Mayor Glorime Faustino, at sa 1,500 typhoon victims din sa Paombong katuwang si Mayor Maryanne Marcos, na sa ating inisyatiba ay nabigyan ng tulong pinansyal. Sinaksihan din natin ang ribbon cutting ceremony ng Super Health Center sa Paombong. Isang karangalan din sa akin na maideklarang adopted son ng bayan ng Paombong. Pagkatapos ay dumalo tayo bilang guest speaker sa ginanap na Integrated Midwives Association of the Philippines (IMAP) 50th Annual Convention sa Pasay City. 


Kahapon, October 22, dumalo tayo sa ginanap na LMP Visayas Island Cluster Conference 2024 sa paanyaya nina LMP President Mayor JB Bernos at Sec. Gen. Mayor Cynthia Fortes. Bilang kapwa Bisaya, pinapalakas natin ang ating pakikipagkapit-bisig sa mga lokal na opisyal upang mas mailapit ang serbisyo ng gobyerno sa komunidad. 

Sinuportahan din natin ang 34 na naging biktima ng sunog sa Placer, Surigao del Norte na nabigyan naman ng NHA ng emergency allowance na ating isinulong para may pambili ang mga ito ng mga materyales na pampaayos ng kanilang nasirang tahanan. 


Natulungan din natin ang mga nawalan ng hanapbuhay sa Southern Leyte, na sa ating pakikipagkapit-bisig sa DOLE, ay nabigyan ng pansamantalang trabaho kabilang ang 42 sa Macrohon katuwang si BM Ina Marie Loy, at 64 pa kasama naman si BM Fe Edillo; 213 sa Libagon kaagapay si Mayor Sabina Ranque, at 64 pa katuwang naman si VM Elizabeth Saldivar.


Sa Cebu City, nabigyan natin ng tulong katuwang si VM Dondon Hontiveros ang 716 mahihirap na residente sa Brgy. Cogon Pardo, at 231 sa Brgy. Zapatera. May natanggap ding tulong pinansyal ang mga ito mula sa gobyerno. 


Bukod sa ating ipinamahaging tulong, nakipagtuwang naman tayo sa mga lokal na pamahalaan para mapagkalooban ng tulong pinansyal ang iba’t ibang sektor tulad ng 319 sa Tuguegarao City, Cagayan katuwang si Mayor Maila Ting; 514 sa Lupon, Davao Oriental kaagapay si Mayor Erlinda Lim; at dagdag na 1,500 sa Calumpit, Bulacan.


Namahagi rin ang aking opisina ng food packs para sa 300 katao sa ginanap na barangay assembly sa Brgy. 09, Lipa City, Batangas katuwang si Kap. Beth Magsino. 

Bilang chairperson ng Senate Youth Committee, sinuportahan natin ang 82 scholars ng University of Perpetual Help System Delta-Las Piñas City. 


Bilang pinuno naman ng Senate Sports Committee at kaakibat ang Philippine Sports Commission, sumuporta tayo sa sportsfests na ginanap sa Mindanao State University-General Santos, at sa Polytechnic University of the Philippines.


Bilang inyong Mr. Malasakit, patuloy akong magseserbisyo sa inyong lahat sa abot ng aking makakaya. Bisyo ko ang magserbisyo, at ako ay naniniwala na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

 
 

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | Oct. 19, 2024



Bisyo Magserbisyo ni Bong Go

Hindi nagsisinungaling ang datos. Noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, 55 porsyento o halos anim sa bawat 10 barangay sa buong bansa ang naging drug-free. Resulta ito ng pagkumpiska sa lampas P76 bilyong halaga ng droga na pakalat-kalat noon sa ating mga lansangan.


Base rin sa datos, 79 porsyento o halos walo sa bawat 10 Pilipino ang sumuporta sa kampanya kontra ilegal na droga ng Duterte administration. Sa unang limang taon naman ni Pangulong Duterte sa puwesto, 76 porsyento ang ibinaba ng crime rate sa buong bansa. Bukambibig noon ng ating mga kababayan kung gaano sila kapanatag lumabas sa mga lansangan dahil alam nilang ligtas sila at ang kanilang mga anak.


Dapat lang na maipagpatuloy ang magagandang nagawa noon kung saan ang mga kriminal ang takot at tinutugis, at ang mga inosente ay nabubuhay nang tahimik.


Kaya naman noong October 17, inihain natin ang Senate Resolution No. 1217 para magsagawa ng sariling imbestigasyon ang Senado tungkol sa anti-illegal drugs campaign ni dating Pangulong Duterte.


Layunin nito na suriin ang mga polisiya laban sa droga noon at ngayon, at makagawa ng mga bagong batas na kinakailangan upang maisulong ang drug abuse prevention, mapagtibay ang law enforcement, masagip ang mga nabibiktima upang magbagong buhay, mapalakas ang rehabilitation efforts tulad ng pagtayo ng dagdag na rehab centers sa mga rehiyon, at iba pa.


Mahalaga na balikan natin ang nasabing kampanya at suriin ang mga epektibong pamamaraan na puwedeng magamit sa kasalukuyan. Titingnan din natin ang iba’t ibang alegasyon hinggil sa pagpapatupad nito dahil nais nating mapalakas ang mga mekanismo upang maiwasan ang anumang paglabag sa batas diumano sa pagtugis sa mga kriminal.


Tulad din naman ng sinabi ni dating Pangulong Duterte noon sa kapulisan: gampanan ang tungkuling proteksyunan ang buhay at kapakanan ng bawat Pilipino sa paraang naaayon sa batas. Ayaw nating mangyari na ang durugista ang muling maghasik ng lagim. Kapag bumalik ang ilegal na droga, babalik ang kriminalidad at korupsiyon sa bansa.


Bilang chairperson ng Senate Committee on Health, may masamang epekto rin ang droga sa kalusugan lalo na sa mental health. Nais nating makabuo ng mga batas para maiwasan ang paglaganap nito at mabigyan ng pagkakataon ang mga nalulong sa droga na magbagong buhay.


Magiging patas tayo sa imbestigasyong ito. Ang tanging hangarin natin ay maproteksyunan ang buhay ng bawat Pilipino, matigil ang kriminalidad at ilegal na droga, alang-alang sa kinabukasan ng mga kabataan. Bilang chairperson din ng Senate Youth Committee, ang kaligtasan ng ating mga anak ang aking prayoridad.


Ang taumbayan na ang humusga kung nakinabang ba ang Pilipino sa laban kontra droga. Katotohanan lamang ang ating hangarin dito dahil Karapatan ng taumbayan na malaman ang katotohanan.


Samantala, patuloy naman tayo sa pagseserbisyo sa ating mga kababayan. Nasa Bulacan tayo noong October 16 at nag-inspeksyon sa Super Health Center sa Guiguinto. Pinangunahan din natin ang pamamahagi ng tulong sa 1,000 mahihirap kasama si Mayor Agay Cruz. Sa ating pakikipagtulungan, nabigyan din ang mga benepisyaryo ng tulong pinansyal.


Naging panauhing tagapagsalita tayo noong October 17 sa ginanap na Philippine Society of Mechanical Engineers National Convention na idinaos sa Pasay City. Matapos ito ay personal nating sinaksihan ang Friends Rescued Deradicalization Program closing ceremony para sa 25 dating rebelde na ginanap sa kampo ng 402nd Infantry “Stingers” Brigade sa Butuan City, Agusan del Norte sa paanyaya ni Governor Angel Amante. Pinangunahan din natin ang pamamahagi ng ayuda para sa 515 maliliit na negosyante, na sa ating inisyatiba ay napagkalooban ng DTI ng tulong pangkabuhayan.


Kahapon, October 18 ay binisita natin ang ating mga kababayan sa Davao Oriental upang tulungan ang 1,500 mahihirap sa Lupon. Sa ating pakikipagtuwang sa kanilang lokal na pamahalaan ay nabigyan din sila ng tulong pinansyal. Personal tayong namahagi ng suporta para sa 500 residenteng kapos ang kinikita katuwang si Coun. Don Montojo. Ininspeksyon din natin ang Super Health Center na ating isinulong doon. Matapos ito, dumiretso tayo sa Davao City at dumalo sa ginanap na St. John Paul II College of Davao 24th Founding Anniversary.


Wala ring tigil ang aking Malasakit Team sa pag-alalay sa ating mga kababayang nangangailangan. Tumulong tayo sa 85 na nasunugan sa Brgy. 145, Pasay City.


Nabigyan din ng tulong ang 50 maliliit na negosyanteng naapektuhan ng sakuna sa Maragusan, Davao de Oro, na sa ating inisyatiba ay may tulong pangkabuhayan ding natanggap mula sa DTI.


Sinuportahan natin ang pagbangon ng mga nawalan ng tirahan sanhi ng mga sakuna na napagkalooban din ng NHA ng tulong pinansyal na ating isinulong para may pambili sila ng materyales sa pagpapaayos ng kanilang tahanan. Naging benepisyaryo ang dalawang pamilya sa Cagwait at 11 sa Lianga, Surigao del Sur; at 39 sa Butuan City.


Nag-abot din ng tulong ang aking tanggapan sa mga nawalan ng hanapbuhay, at sa pakikipagkapit-bisig natin sa DOLE ay nabigyan ang mga ito ng pansamantalang trabaho. Kabilang dito ang 296 sa San Juan, La Union katuwang si VM Mannix Ortega, at 59 pa kaagapay naman si Mayor Art Valdriz; 496 sa Kayapa, Nueva Vizcaya kasama si Mayor Elizabeth Balasya; 217 sa Tigaon, Camarines Sur katuwang si Mayor Chiqui Fuentebella; 177 sa Iba, Zambales kaagapay si Gov. Hermogenes Ebdane Jr.; 66 sa Mamburao, Occidental Mindoro kasama si Coun. Jenny Villar; 148 sa Tabaco City, Albay katuwang si VG Glenda Bongao; at 64 sa Calbayog City, Samar kaagapay si BM Nanette Sabenecio.


Sinuportahan din natin bilang chair ng Senate Sports Committee, kasama ang Philippine Sports Commission, ang sports festival sa Northwestern Mindanao State College sa Tangub City, Misamis Occidental mula October 14 to 16.


Sinaksihan naman ng aking opisina ang groundbreaking ceremony ng itatayong Super Health Center sa Calasiao, Pangasinan at ang inagurasyon ng Super Health Center sa Rizal, Nueva Ecija upang mailapit ang pangunahing serbisyong medikal sa mga komunidad.


Magtatrabaho ako para sa mga Pilipino sa abot ng aking makakaya. Bisyo ko ang magserbisyo, at naniniwala ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page