top of page
Search

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | Jan. 15, 2025



Bisyo Magserbisyo ni Bong Go


Muli nating binabati ang bawat Pilipinong lumahok sa matagumpay at mapayapang pagdaraos ng National Peace Rally na inorganisa ng Iglesia Ni Cristo noong Lunes, January 13. Napakahalaga ng pagtitipong ito para ipanawagan na unahin ang pagkakaisa para epektibong matugunan ang mga pangangailangan ng sambayanan lalung-lalo na ng mga mahihirap. 


Nagpapasalamat tayo sa pamunuan ng INC sa pangunguna ni Ka Eduardo Manalo sa inisyatibang ito. Simula’t sapul, ang inyong Senator Kuya Bong Go ay laging kapayapaan ang hinahangad -- kapayapaan hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo.


Ang napakahalaga sa panahon ngayon ay ang sama-samang pagkilos para hindi masayang ang oras dahil sa hindi pagkakaintindihan. Magkaisa at magtrabaho tayo dahil bawat minuto na nasasayang sa hindi pagkakaunawaan, ang nasasakripisyo ay ang taumbayan. Kawawa ang mga mahihirap kapag nagpatuloy ang hindi pagkakaisa sa ating bansa.


Ito rin ang panahon para magpakita ng malasakit sa kapwa Pilipino. Sikapin nating isulong ang mapayapang pamumuhay kung saan naaalagaan ng gobyerno ang kalusugan ng mga Pilipino, may sapat na pagkain sa hapag-kainan at walang natutulog sa gabi na walang laman ang tiyan, may sapat na trabahong mapapasukan, nakakapag-aral ang ating mga kabataan tungo sa mas magandang kinabukasan, at nakakauwi tayo sa ating mga pamilya nang ligtas at panatag. Ito naman ang dahilan kung bakit tayo nasa gobyerno -- para magserbisyo. 


Binigyang-diin din natin na karapatan ng bawat Pilipino na magkaroon ng mapayapang pagtitipun-tipon at ihayag ang kanilang saloobin. Ang peace rally ng Iglesia Ni Cristo ay hindi lamang para sa mga miyembro nito, kundi para sa lahat ng Pilipino na nagnanais ng kapayapaan. Kaisa ninyo ako bilang inyong senador na nais lamang maipagpatuloy ang pagmamalasakit at pagseserbisyo sa mga Pilipino.


Samantala, tuluy-tuloy ang ating paghahatid ng serbisyo. Noong January 11, 2025, personal nating pinangunahan ang pamamahagi ng tulong para sa 714 mahihirap na residente ng lungsod ng Surigao kasama si Mayor Paul Dumlao. Binisita rin natin ang itinayong Super Health Center doon. Bilang chairperson ng Senate Committee on Health, naging panauhin tayo sa ginanap na Philippine Nurses Association - Caraga Region Nurses Conference 2025 at ibinahagi natin ang suporta natin sa mga health professionals at medical frontliners na itinuturing nating mga bayani. 


Matapos ito ay sinaksihan din natin ang turn over ng dalawang road concreting projects at isang bagong covered court sa Butuan City. Ang tatlong proyektong ito ay natulungan nating maisulong sa ating kapasidad bilang vice chairperson ng Senate Committee on Finance. 


Naging panauhin tayo noong January 12 sa ginanap na BF Parañaque TODA General assembly sa paanyaya ni Coun. Raffy dela Peña. Kabilang sa prayoridad nating mapagserbisyuhan ang mga nasa transport sector at maiangat ang kanilang kabuhayan. 


Naghatid naman ng dagdag na tulong ang aking Malasakit Team para sa 44 TESDA scholars na nagtapos sa Dagupan City. Patuloy din ang ating palugaw sa iba’t ibang ospital na may Malasakit Center para sa mga pasyente, kanilang bantay at hospital staff.

Gaano man kalaki ang mga hamon na ating kinakaharap, naniniwala ako na sama-sama nating matutugunan ang lahat ng ito kung lagi nating uunahin ang interes ng bayan at kapakanan ng ating kapwa lalo na ang pinakanangangailangan. 


Tandaan sana natin — na minsan lang tayong dadaan sa mundong ito. Kung anong kabutihan o tulong na puwede nating gawin sa ating kapwa ay gawin na natin ngayon dahil hindi na tayo babalik pa sa mundong ito. 


Bilang inyong Mr. Malasakit, patuloy akong magseserbisyo sa inyong lahat sa abot ng aking makakaya dahil bisyo ko ang magserbisyo, at naniniwala ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

 
 

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | Jan. 11, 2025



Bisyo Magserbisyo ni Bong Go


Isa sa inisyatiba na ating isinusulong at sinusuportahan bilang Chairperson ng Senate Committee on Health ay ang pagpapatayo ng Super Health Centers sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa. Kasama ang Department of Health, mga kapwa mambabatas, at mga lokal na pamahalaan, sinisikap nating maging prayoridad ang kalusugan ng mga nasa kanayunan, malalayong isla, at mga liblib na lugar na hirap abutin ng serbisyong medikal. 


Noon pa man, ito na ang ating hangarin — ang ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat Pilipinong nangangailangan nito lalo na ang mga mahihirap.


Nakadisenyo ang Super Health Centers para mailapit ang primary care, consultation, at early disease detection sa ating mga kababayan. Kabilang din sa mga serbisyo ng Super Health Centers ang database management, outpatient care, birthing facilities, isolation rooms, diagnostic services (laboratory tests, X-Rays, and ultrasound), pharmacy services, at ambulatory surgical units. Kasama rin dito ang eye, ear, nose, and throat (EENT) care, oncology centers, physical therapy and rehabilitation centers, at telemedicine. Maaari rin itong i-expand pa lalo ng mga LGUs tulad ng paglagay ng dialysis machines. 


Inilapit na natin ang pangunahing serbisyong medikal para hindi na kailangang bumiyahe pa papunta sa malalaki ngunit malalayong ospital sa mga lungsod.


Halimbawa, ang mga buntis, puwede na riyang manganak, at maaari na rin sa Super Health Centers ang check-up, kaya hinihimok natin ang PhilHealth na bilisan at damihan pa ang accredited health facilities upang mailapit sa tao ang kanilang Konsulta package dahil lahat naman ng Pilipino ay miyembro ng PhilHealth. 


Bilang inyong Mr. Malasakit, lagi kong paalala na pondo ng taumbayan ang ginagamit sa Super Health Centers kaya’t dapat mapakinabangan ito ng mga Pilipino. Agad kayong magpakonsulta kapag mayroon kayong nararamdaman para maagapan at hindi na lumala pa ang inyong sakit.


Nagpapasalamat naman tayo sa suporta ng ating mga kapwa mambabatas, ng DOH at ng mga lokal na opisyal. Dahil sa aming pagtutulungan ay may mahigit 700 Super Health Centers nang napondohan, at nadagdagan pa ito ngayong taon. 


Para lalong mapangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino, naririyan din ang Malasakit Centers program kung saan pinagsama-sama na sa iisang bubong ang mga ahensya ng pamahalaan para hindi na magpapalipat-lipat sa pagpila ang ating mga kababayan kapag humihingi ng tulong medikal sa gobyerno. Tayo ang principal author at sponsor ng Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act. Layunin nito na mabigyan kayo ng medical assistance upang ma-cover ang hospital bill, lalo na ng mga mahihirap na pasyente. 


Mayroon na tayong 166 Malasakit Centers sa buong bansa na operational, at batay sa datos ng DOH ay nasa mahigit 15 milyong kababayan na natin ang natulungan. Huwag kayong mahihiyang lumapit sa alinmang Malasakit Center na nagsisilbing one-stop shop ng medical assistance para sa mga Pilipino, lalo na sa poor and indigent patients na nangangailangan ng mabilis at maaasahang tulong pampagamot.


Kaugnay ng mga health initiatives na ito, sinaksihan natin noong January 9 ang turnover ceremony ng itinayong Super Health Center sa Midsayap, Cotabato kasama sina Mayor Atty. Rolando Sacdalan, Vice Mayor Vivencio Deomampo Jr., mga konsehal at barangay captains. Namahagi rin tayo ng food packs at iba pang tulong para sa 100 barangay health workers na dumalo sa okasyon. 


Matapos ito ay personal nating pinangunahan ang pagkakaloob ng tulong para sa 300 barangay officials at functionaries ng Esperanza, Sultan Kudarat. Sa ating pakikipagtuwang sa lokal na pamahalaan kasama si Mayor Charles Ploteña, nabigyan din ang mga ito ng tulong pinansyal. 


Nakapaghatid naman ang aking Malasakit Team ng karagdagang tulong para sa 387 scholars sa Laoag City, Ilocos Norte.


Samantala, patuloy din ang ating palugaw sa mga pampublikong ospital upang magbigay ng tulong sa mga may sakit, pati na sa kanilang pamilya at medical frontliners doon. 


Sa aking pag-iikot sa bansa upang magserbisyo sa abot ng aking makakaya, maraming nais magpasalamat para sa tulong na kanilang natanggap. Pero sa totoo lang, ako ang dapat na magpasalamat sa inyo dahil binigyan ninyo ako ng pagkakataong makapaglingkod. Maraming salamat sa inyong tiwala at nakakasiguro kayo na hinding-hindi ko ito sasayangin. 


Hindi ako titigil sa pagseserbisyo sa inyong lahat dahil bisyo ko na ang magserbisyo, at naniniwala akong ang serbisyo sa tao ay serbisyo rin sa Diyos.


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

 
 

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | Jan. 8, 2025



Bisyo Magserbisyo ni Bong Go

Nitong nagdaang taon ay hindi natin tinigilan ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na magpatupad ng mga reporma. Kasama ang iba pang stakeholders ay pinamunuan natin, bilang chairman ng Senate Committee on Health, ang 11 hearings ng komite. 


Mariin ang mga panawagan natin sa PhilHealth. Ilan dito, palawakin ang benefit packages lalo na para sa 10 nangungunang sakit na nagiging sanhi ng kamatayan ng mga Pilipino, taasan ang case rates, at ibasura ang mga hindi makataong patakaran, gaya ng 24-hour confinement policy. Isinulong din natin na maisama sa coverage ang mga karagdagang serbisyo, gaya ng dental and optometric services, preventive and emergency care, at ang pagkakaloob ng libreng gamot, saklay at iba pang assistive devices. 


Kabilang sa mga naging commitment ng PhilHealth ang dagdag-benepisyo para sa ilang medical services, kasama ang treatment para sa ischemic heart disease, kidney transplants, and emergency outpatient services. Nagkaroon din ng adjustment na 50 percent ng select case rates. 


Kung hindi dahil sa ating pakikipaglaban, hindi matutupad ang mga dagdag na benepisyo na ito. Sulit ang ating pangungulit, ngunit hindi tayo rito titigil hanggang maisakatuparan ang mga pangako nila sa taumbayan. 


Gayunpaman, may mga pangamba pa rin pagdating sa transparency at sa kapasidad ng PhilHealth sa pagpapatupad ng mga naturang reporma. Kaya para sa akin, dapat masigurado na may malinaw na sistema para malaman ng bawat miyembro kung anu-ano ang mga benepisyo na kanilang makukuha. Dapat maglabas ang PhilHealth ng malinaw na guidelines ng revised case rates at tiyakin na ang mga ito ay naipatutupad nang pantay-pantay sa lahat ng healthcare facilities sa buong bansa.


Hindi lang ito usapin ng benepisyo kundi usapin ng tiwala. Kung gusto nating magtiwala ang mga Pilipino sa PhilHealth, kailangan nilang makita na may resulta ang mga reporma na ginagawa. Hindi dapat mangamba sa pagpunta sa ospital para magpagamot dahil ang kalusugan ay katumbas ng buhay ng bawat Pilipino! 


Para sa akin, mahalaga na ang bawat Pilipino ay may maaasahan na suporta mula sa gobyerno, lalo na kung usapin ng kalusugan ang nakataya. Ang serbisyong medikal ay dapat naaabot ng lahat, saan mang sulok ng bansa, at hindi lang para sa iilan. 

Ang PhilHealth ay hindi negosyo na dapat mag-ipon ng pondo. Ito ay medical insurance para sa lahat upang may masasandalan tayo kapag nagkasakit. Kaya dapat nilang gamitin ang kanilang pondo para mapakinabangan ng taumbayan. Galit ang Pilipino dahil kaltas sa sahod natin ‘yang kontribusyong nakokolekta ng PhilHealth na dapat suklian nila ng maayos na serbisyo at sapat na benepisyo kapag nagkasakit. 


Malungkot ako na zero ang subsidy ng PhilHealth mula sa gobyerno ngayong taon na mariin nating tinutulan kaya hindi ako pumirma sa Bicameral Report. Ngunit hindi dapat ito maging hadlang para maipatupad nila ang mas malawak na benepisyong pangkalusugan para sa mga nangangailangan na kanilang ipinangako ‘under oath’ sa ilang mga pagdinig na ating pinamunuan sa Senado. 


Muli, ang pondo ng Philhealth ay para sa health! Dapat gamitin ito upang maproteksyunan at mapangalagaan ang kalusugan ng bawat Pilipino. 


Samantala, sa pagsisimula ng bagong taon ay patuloy ang sigla ng inyong Senator Kuya Bong Go sa paghahatid ng serbisyo sa ating mga kababayan.


Nasa Bulacan tayo noong January 6 at personal na sinaksihan ang inagurasyon ng itinayong Super Health Center sa Plaridel. Namahagi rin tayo ng tulong para sa 1,000 mahihirap na residente sa lugar, na sa ating inisyatiba ay nakatanggap din ng tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan. Masaya ko ring ibinabalita na idineklara ako bilang adopted son ng Plaridel, Bulacan, sa aking pagbisita roon.


Kahapon, January 7, naging panauhing pandangal at tagapagsalita tayo sa The Fraternal Order of Eagles Philippine Eagles Oath Taking Ceremony ng reelected National President na si Kuya Ronald delos Santos na ginanap sa Pasay City. Buo ang ating suporta sa Eagles na nakakatuwang natin sa atr Lady of Fatima University sa Antipolo City, Rizal; at 339 scholars naman mula sa iba’t ibang paaralan sa Metro Manila.


Tuluy-tuloy din ang ating feeding initiative at pamimigay ng libreng lugaw sa mga pasyente, mga kasama nila, at healthcare workers sa ilang ospital na may Malasakit Centers.


Happy, healthy New Year sa ating lahat! Ang wish ko ngayong taon ay maayos na kalusugan sa bawat Pilipino. Makakaasa kayo na ang inyong Senator Kuya Bong Go ay patuloy ang serbisyo sa abot ng aking makakaya dahing mga pagseserbisyo.


Ipinadala ko naman ang aking Malasakit Team para maalalayan ang pitong naging biktima ng insidente ng sunog sa Davao City. Nabigyan din natin ng dagdag na tulong ang 88 scholars ng Ouil bisyo ko ang magserbisyo, at naniniwala akong na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page