top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | Oct. 19, 2024



Bistado ni Ka Ambo

Digong.

He-he-he!

----$$$---


AYON kay DILG Sec. Jonvic Remulla, mawawala na raw ang POGO.

Pa-pogi!


-----$$$--


HINDI maubos ang mga parak na sangkot sa krimen kabilang ang murder.

Balita pa ba ‘yan?


----$$$---


NAGTUTURO ang mga taga-mainstream media kung paano matutukoy ang “fake news”.

Ha! Ha! Ha!


----$$$---


ARAW-ARAW ay may inilalabas na palsipikadong balita ang mainstream media.

Pinakamarami rito ay aktuwal na propaganda ng mga pulitiko.

Tama o mali?


-----$$$--


ANG aktuwal na depinisyon ng fake news ay ang mga “balitang hindi kabali-balita”.

Nobenta porsyento ang ganyang estilo.

Kelan ba kayo ipinanganak?


-----$$$--


BASAHIN ninyo, makinig kayo o manood kayo ng mga balita sa panahon ng kampanya.

Sa palagay ba ninyo ay “totoong balita” ang isinusupalpal sa inyo?


-----$$$--


ANG mga palpak, dispalinghadong ulat na umiimpluwensya sa publiko — ay siya mismong nagpababagsak sa mainstream media — radio, TV at newspaper.

Hindi teknolohiya ang ugat ng pagkabangkarote, bagkus ay ang mga decision-maker na nalipasan ng panahon at hindi nakakasabay sa uso.


-----$$$--


HINDI pa huli ang lahat, kailangan ay mamulat ang mga gumagalaw sa pamamahayag sa mapait na katotohanan — lipas ang padron o modelo sa kanilang pag-uulat.

Wala ring sapat na karanasan sa mainstream media ang mga nasa akademya kaya’t baog o kapos sa kaalaman ang mga bagong graduate sa Mass Communication courses.


-----$$$--


ANG natutuhan sa “on-the-job” training ay ang mga sinaunang padron o estilo na lipas na sa panahong ito.


Halimbawa, hanggang ngayon ang estilo ng “pagbabasa o pang-unawa” sa balita — at sa aktuwal na pagbabasa sa diskarteng “left-to-right” o “top-to-bottom” gayong ang uso ngayon ay graphics at animation.


----$$$--


MALINAW na dispalinghado na ang konsepto sa “communication”, dahil 2,000 taon nang lipas ang estilo na ginagamit sa mga learning institution.


Maging ang esensiya, pilosopiya at kaalaman kung ano ang edukasyon ay nalipasan na ng panahon.


Maunawaan sana ito ng mga nagdudunungan, tulad ng inyong abang lingkod!


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | Oct. 18, 2024



Bistado ni Ka Ambo

DEADLOCK na sina ex-US President Donald Trump at VP Kamala Harris.

Meaning, nag-plateau ang graph ni Harris at nagse-second win si Trump.


-----$$$--


KUNG sino sa dalawa ang mag-peak sa bisperas o petsa ng election — siya ang magwawagi.


Ibig sabihin, mahalagang maitimpla ang “graph” sa panahon ng kampanya hanggang sa eleksyon.


-----$$$--


KAKAUNTI ang nakakaunawa ng “campign graph” at walang gumagawa nito bagkus ay panay survey-survey lamang.


Ang survey ay bahagi lamang ng “campaign graph”.

Ito ay upang matukoy lamang ang angat o bagsak ng bilang ng boto o suporta sa isang kandidato.


-----$$$--


KAPAG maagang nag-peak ang kandidato, walang duda, matatalo siya sa araw ng eleksyon.


Ang “peak” ang rurok ng popularidad at bilang ng suporta ng kandidato.

Matapos mag-peak, dadausdos o bubulusok na ang support sa candidate.


-----$$$--


NATUTUKOY ang “peak” sa iba-ibang paraan kabilang ang “opinion survey”, pero kasama rin dito ang aktuwal na sitwasyon tulad sa pagkakasakit ng kandidato o pag-aaway-away o intrigahan sa loob ng kampo.


Kapag matapos mag-peak ay nag-away-away sa loob ng kampo o may negatibong insidente, ibig sabihin, ay papadausdos ang suporta — at matatalo ang kandidato.


-----$$$--


TINITIMPLA ang “peak” batay sa aktibidad na puwedeng gawin.

Kapag maagang nag-vote buying ang kandidato, maaga siyang magpi-peak.


Pero, kapag naiiwan sa “graph” ang kandidato, kailangan niya ng aktibidad tulad sa vote buying upang matimpla ang “peak” bago mag-eleksyon — bisperas o  umagang-umaga bago bumoto ang mga tao.


-----$$$---


MALINAW na kailangan ang “survey” para matukoy kung ano ang sitwasyon sa “graph” upang matimpla ang peak.


At ang “peak” ang kongkretong batayan dapat ng bawat aktibidad, desisyon o talumpati o “press release” ng bawat kampo.


-----$$$--


MAY alam sa ganyang sitwasyon ang ilang kampo kung saan, kapag mababa ang graph, nagbo-vote buying na o nang-aambus.


Kapag matayog ang “peak ng isang kandidato” batay sa reliable survey, dapat siyang mag-ingat.


Maaari kasi siyang madaya o ma-ambush upang mag-peak ang kalaban at bumulusok naman ang kanyang graph.


-----$$$--


SCIENTIFIC na ang proseso ng kampanya ngayon pero kakaunti pa rin ang nakakaunawa nito.


Siyempre, tradisyon na nagwawagi palagi kung sino ang may pinakamalaking campaign fund na tutustos sa maniobra at diskarte.


Sana ay maging lehitimo ang mga aktibidad ng bawat kandidato.


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | Oct. 17, 2024



Bistado ni Ka Ambo

Nagkalat sa Pilipinas ang substandard na reinforcement bar sa mga hardware.

Hummm, tipong gawang China ‘yan.


-----$$$--


PUWEDENG sinasadya ito ng China upang ‘pag nagkalindol, unti-unting guguho ang mga gusali sa Pilipinas.

Hindi na kailangan ang ballistic missile o bomba na magmumula sa kanila.


----$$$--


MISTULANG “bomba” o “dinamita” ang mga substandard rebar na made in China.

Napakatagal nang “epidemya” ‘yan sa construction industry pero dinededma lang ng gobyerno ng Pilipinas.


-----$$$--


MAIKUKUMPARA ang substandard na hardware materials sa “plastic bomb” na inilagay ng intel agent ng Israel sa walkie-talkie at pagers sa Lebanon.

Mas malalim ang diskarte ng mga Tsekwa kasi walang “bomba” pero guguho ang mga gusali.


------$$$--


‘CORRUPTION’ sa gobyerno ang sanhi ng nagkalat na substandard materials mula China.

Dispalinghado ang enforcement agencies sa Pilipinas na tila nagkakamal ng protection money mula sa mga buwitreng importer.


-----$$$---


UMAANGAT pa ang ekonomiya ng Russia imbes na bumagsak.

Gabundok kasi ang reserba nilang “ginto”.

Hindi iyan ibinubunyag ng mga pekeng “eksperto” sa ekonomiya.


----$$$--


BAGO sinakop ng Russia ang Ukraine, nag-imbak muna sila ng tone-toneladang ginto.

Ginto pa rin at hindi dolyares ang pundasyon ng ekonomiya sa ibabaw ng lupa.


------$$$--


NAPAKARAMING ginto sa Pilipinas.

Hindi ito naubos ng iba’t ibang superpower na sumakop sa ating bansa.


----$$$--


HINDI rin nagawang ubusin ng mga ‘buwaya’ sa pamahalaan ang ginto sa Pilipinas.

Ang ginto ang biyaya ng Panginoon sa lahing kayumanggi.


----$$$--


IDEOLOHIYA pa rin ang panukat sa isang matinong lider ng bansa.

Kapag hindi nauunawaan ng mga kandidato ang angkop na ideolohiya na dapat niyang yakapin, walang direksyon ang ating Republika.


-----$$$--


GULO sa buong daigdig ay sanhi ng magkakatunggaling ideolohiya.

Nagsimula ang ideolohiya sa mistiko at relihiyon.


----$$$--


NALIGAW ang mga lider dahil sa paggamit ng “terorismo” upang maghari ng pinaniniwalaan nilang ideolohiya.


Nauunawaan ba iyan ng mga pulitiko, nauunawaan ba ‘yan ng mga botante, nauunawaan ba ‘yan ng ordinaryong mamamayan?


Hindi!


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page