top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | Jan. 8, 2025



Bistado ni Ka Ambo

Ayaw umalis ng monster ship ng China sa bisinidad ng karagatan ng Zambales.

Paano ngayon ‘yan?


-----$$$--


INITSAPUWERA sa National Security Council si VP Sara at mga ex-president.

Sino bang kalaban ng soberanya?


Ang China o ang mga pulitikong Pinoy?

Pakisagot po!


-----$$$---


IKINAKALAT sa international media ang isang panibagong pandemic.

Peke o hindi?


-----$$$---


HINDI na magkadatuto ang Pinoy dahil sa mga break up, break up na ‘yan.

Magkabalikan pa ba talaga?


Magkabalikan kaya sina VP Sara at PBBM?

Third party o first party?


-----$$$--


MARAMING mababago sa pag-upo ni US president-elect Donald Trump.

Kasama r’yan ang takbo ng buhay ng mga Pinoy.


-----$$$---


HINDI pa tumitindi ang malamig na klima sa ‘Pinas.

Paano kapag dumami na ang inuubo, sinisipon at nilalagnat?


----$$$---


INAPRUBAHAN na ang 2025 national budget.

Nagtatatarang sa tuwa ang mga ‘buwaya’. Hagikhik naman ang mga amuyong.


----$$$--


BIGO ang Comelec na pigilin ang illegal campaign ng mga pulitiko.

Dayaan ay malinaw na nagaganap at kinukunsinti.


----$$$--


ALAM na natin ang magiging resulta ng eleksyon sa Mayo.

Magwawagi kung sino ang may pinakamalaking budget sa propaganda.

‘Yan mismo ang demokrasya.


-----$$$---


TATAAS ang presyo ng petrolyo.

Pautot-utot lang ‘yan.


----$$$---


IKINATATAKOT ang paglaganap sa paggamit ng artificial intelligence.

Kailangan ‘yan sa Kongreso — para magkaroon sila kahit “peke” lang.


----$$$--


HINDI na nalalayo na magsanib na ang mga robot at aktuwal na tao.

Hindi na bagong balita ‘yan, matagal nang nagaganap ‘yan.


----$$$--


MAGIGING immortal na ang mga personalidad at mabubuhay na ang mga patay.

‘Yan mismo ang ibig sabihin ng artificial intelligence.

Kakaunti ang nakakaunawa nito.


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | Nov. 30, 2024



Bistado ni Ka Ambo

Gumagrabe na ang aktuwal na away ng mga Duterte at Marcos.

Naghahalo-ang-balat-sa-tinalupan!

 

-----$$$--


MAIIPIT dito si Sen. Imee Marcos.

Kailangan niyang mag-ala-Haring Solomon.


----$$$--


KUNG pinag-aawayan ng mag-asawa ang pangangalaga sa “anak”, kanino ito dapat maigawad? Sa isang magulang ba na nais itong “hatiin ang pisikal” na katawan ng bata?


O sa isang magulang na “magsasakripisyo” na iatras ang pagnanasa na maangkin ang anak maisalba lamang ang buhay ng anak?


----$$$--


SA Pilipinas, karaniwang nag-aaway o hindi nagkakasundo ang presidente at bise presidente.


Delikado ‘yan kapag “ginamit” ang away na ito ng mga dayuhan na nais guluhin ang bansa.


----$$$---


SA ngayon, posibleng manghimasok ang United States at China gamit ang mga espiya at traydor na mga Pinoy.


Puwedeng magpalit bigla ng lider — pero didiktahan ng superpower na lihim na aayuda sa kaguluhan.


-----$$$--


NAKAPAGTATAKANG walang nagtatangka na pumagitna at pag-aregluhin ang mga Marcos at Duterte.


Mas marami ang nagsulsol at nambubuyo sa away.


-----$$$--


ANG away ng dalawang mataas na lider ay posibleng magpabagsak sa ekonomiya.

Biktima sa away na ito ang ordinaryong Pinoy.


------$$$--


MAY ulat na isinasali ng Japan, South Korea at US ang Pilipinas na posisyunan ng malalakas at  sopistikadong missile launcher bilang preparasyon sa away ng Taiwan at China.


Hindi puwedeng diktahan ng dayuhan ang Malacañang kapag normal ang sitwasyon.


-----$$$--


SA gitna ng kaguluhan sa West Philippine Sea, kailangan ng Pilipinas ang isang very strong national leader.


Puwedeng isang strong leader na magiging puppet ng super power.

Puwede rin ang isang strong at charismatic leader na may sagradong pagmamahal sa bansa -- patriotiko at makabayan.


----$$$--


MASELAN ang sitwasyon, posibleng gumagalaw ang espiya ng mga superpower.

Mahalagang maging maingat at mapagmatyag ang mga lider at ordinaryong Pinoy.


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | Nov. 22, 2024



Bistado ni Ka Ambo

Painayagan na ng US na bombahin ng Ukraine ang Russia gamit ang malalakas na missiles.


Iyan na mismo ang World War 3.


-----$$$--


NAGKAKASUNDO ang lahat na may disposisyon at kumbiksyon si US president-elect Donald Trump.


Hindi sila nagkakalayo ng BFF niyang si Digong.


-----$$$--


NAPAKAHALAGA ng disposisyon at kumbiksyon upang maging mahusay at epektibong lider.


Kapag walang disposisyon at kumbiksyon ang isang lider, iyan ay isang mababaw na lider — aasa lang sa mga sipsip at makasariling tagapayo.


Mawawalan ng direksyon ang isang bansa sa isang lider na nagpapadikta sa kanyang sariling sirkulo.


-----$$$--


TAKOT ang Russia, North Korea at Iran kay Trump.

Hindi nila kayang “basahin” o tantiyahin ang kanyang mga desisyon.


-----$$$---


NAGPRUSISYON ang apat na bagyo kamakailan sa Pilipinas.

Kalbaryo ang inabot ng mga Pinoy.


-----$$$--


BUMABAGSAK ang halaga ng piso at lumalaki ang deficit.

Nauna nang nagbenta ng ginto ang Bangko Sentral para lang makaligtas sa krisis.

Magbebenta ba uli?


-----$$$--


HINDI nararamdaman ang “husay” ni Ralph Recto sa Department of Finance.

Maawa siya sa bansa, magkusa siyang magbitiw.


-----$$$---


KINUKUYOG ang mag-amang Duterte ng mga modernong propagandista.

Naiku-convert ng mga Duterte ang negatibo tungo sa positibo ang mga black propaganda.


Meaning, nagbu-boomerang ang palsipikadong impormasyon at konteksto patungo sa utak at resipiyente ng mga propaganda.


-----$$$---


AKTUWAL nang may maniobra ang 2028 presidential race.

Masyadong magastos dahil masyadong maaga.


-----$$$---


Bawal daw ang magarbong Christmas party.

Sabihin ninyo ‘yan sa buwan.


-----$$$---


TULOY ang prangkisa ng Meralco.


Magkano po, este mano po!


----$$$---


INANUNSYO na ang pagdating ng Amihan.

Salamat sa Habagat.


----$$$---


PINAYUHAN ang PAGASA na iayos ang weather forecast.

Kapag weather, kasingkahulugan ‘yan ng “hindi perpektong forecast”.

Kahapon lang ba kayo ipinanganak?


----$$$--


IPINAPANGALAN sa mga babae ang mga bagyo dahil sa pabago-bagong “behavior”.

Pero ngayon, ginamit na rin ang pangalan ng mga lalaki.

‘Yun nga lang, tila “transgender” ang mga nairekomendang pangalan — masusungit at pakembot-kembot ang emosyon!


-----$$$---


HINDI obligasyon ng PAGASA ang perpektong predikyon sa direksyon ng bagyo.

Ang trabaho lang nila ay “maglabas ng teknikal na datos” — at bahala na kayo na mag-analisa at magprediksyon.


----$$$--


ANG prediksyon ay kakambal ng walang katiyakang pagtaya.

Mahirap bang unawain ‘yan?

Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page