top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | October 3, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Nasorpresa ang lahat sa malagim na sinapit ng mga biktima sa Cebu at karatig pook sa Visayas.


Nasapol ng magnitude 6.9 earthquake ang rural areas kung saan matagal nang nagdarahop ang mga mamamayan.


-----$$$---


NAGKUKUMAHOG ang lahat ng sektor sa pagsasaklolo sa mga biktima na inaasahang darami pa ang bilang ng mga namatay.

Ang mga survivor ay lalo pang makakaranas ng krisis dahil matagal silang nagdarahop sa mga kanayunan sa Kabisayaan lalo na ang hanay ng mga magsasaka.


----$$$--


LALO pang mararamdaman ang krisis sa ekonomiya ng mga nasa laylayan.

Pero, tila nabuhayan ng loob ang mga magbababoy, magmamanok, mag-iitlog, dairy at sektor na kahanay nila sa batas na nilagdaan kamakailan.


----$$$--


AYON kay AGAP Partylist Rep. Nicanor 'Nikki' Briones, nilagdaan na ni PBBM ang Animal Industry Development and Competitiveness Act noong September 25.

Ito ang magsasalba sa industriya ng agrikultura mula sa krisis.


----$$$--


INIHAIN ng AGAP Partylist ang nasabing batas noon pang taong 2022.

Maisasalba nito ang livestock at poultry industries sa pamamagitan ng Animal Competitiveness Enhancement Fund (AnCEF) na maglalaan ng minimum na P20 hanggang P30 bilyon epektibo hanggang 10 taon.


----$$$--


Ipagdasal natin na hindi ito mag-ala-flood control project scam.

Imbes sa insertion, magmumula ang pondo sa mga nakolektang taripa mula sa imported na karneng baboy, manok, at baka at mga dairy products.


----$$$--


DAPAT na gamitin ito para sa mga programa para sa livestock, poultry, at dairy industries tulad ng repopulation at herd build-up; animal health and welfare, disease control, prevention and response. Kasama na dito ang animal vaccine development at stockpiling.


----$$$--


PAGTUTUUNAN din ang Capacity Recovery Fund para sa cash assistance sa mga naapektuhan ng animal disease outbreaks tulad ng ASF at bird flu; building o improving processing facilities tulad ng slaughterhouses, poultry dressing plants, meat processing at storage.


Kasali rin ang development at propagation ng animal and poultry feeds, forage at fodder; at credit facilities para sa animal industry sector.

 

---$$$--


NILINAW ni Briones na isa itong panibagong pag-asa para sa sektor ng mga magsasaka.

Pinasalamatan niya ang mga mambabatas na sumuporta upang mapagtibay ang naturang batas.


Siyempre, bantay-bantay pa rin tayo kung paano ipatutupad ang batas ng hindi mapuputikan ang kamay ng mga ehekutibong mag-i-implement nito.



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Ka Ambo @Bistado | September 30, 2025



Bistado ni Ka Ambo


GUMAGRABE na ang sitwasyon.

Ito ay parang daluyong makarang sumabog ang dambuhalang dam.

P100 bilyong insertion sa badyet, kinumpirma.


----$$$--


INAMIN ni Sen. Ping Lacson na natuklasan niya ang P100 bilyong singit sa badyet.

Ang mapait, kinumpirma niya na “almost all” senator ay sabit sa insertion.


----$$$--


GAYUNMAN, agad niyang inabsuwelto ang mga kapwa niya senador sa pagsasabing “legal” ang insertion at walang nilabag na batas.

Ngek, ‘yun ay sarili niyang “opinyon”.


Alam kaya niya na tanging ang Korte Suprema lamang ang natokahan ng Konstitusyon na mag-interpret ng batas?


----$$$--


HINDI puwedeng mag-intepret si Lacson sa legalidad ng insertion lalo pa’t umabot ito ng P100 bilyon.


Siya rin ang may sabi “dati-rati” ay milyones lang — pero namangha siya nang matuklasan, multi-bilyong piso ito.


----$$$--


ANG batas ay nakapundasyon — sa aktuwal na ebidensya at motibo o malisya ng aktibidad.


Ang pagtukoy sa “pangalan” na dokumentado kung sino ang “utak ng insertion” — ay maituturing nang matibay na ebidensya.

Ang “MALISYA” o motibo ay papasok — sa bulto o volume o dambuhalang halaga ng “insertion”.


-----$$$--


Pinakamabigat na element sa krimen — at well-documented ito bukod pa ang aktuwal na testimonya — ay ang “ghost project”, “substandard” at incomplete implementation na direktang kaakibat ng naturang insertion!


Ang tatlong iyan — nakadokumento sa minutes of proceedings kung sino ang nag-insert, volume o extra-ordinaryong bulto ng halaga, at ang palpak na proyekto bukod pa ang serye ng higit pa sa 2 testimonya ng mga testigo — ay sapat-sapat nang makatindig sa hukuman ang kaso ng plunder.

----$$$--


Kung susuriin, hindi sapat ang kasong plunder sa krimeng ito, bagkus ito ay maituturing na isang klase ng economic sabotage.

Isa itong economic sabotage, dahil makikita dito na kakutsaba ang government banks o ang manager nito — sa paglalabas ng milyun-milyong piso — nang lihim at lumabag sa normal na regulasyon ng Bangko Sentral.


----$$$--


ISANG economic sabotage ito dahil — imbes na gumamit ng tseke o patak-patak i-withdraw, iwini-withdraw nang kalmante o ordinaryo ang “salapi” -- cold cash -- nang may basbas ang bangko.


Okey lang kung ibinabalik sa bangko ang bilyung-bilyong kulimbat pero hindi, bagkus ito ay pinaniniwalaang itinatago sa “sariling bahay o condo o gusali”.


----$$$--


INAMIN ng gobernador ng Bangko Sentral na nababahala siya mismo at nagugulantang sa bulto-bultong salapi na inilalabas sa bangko.

Dapat imbestigahan kung ito ay itinatago sa mga gusali, condo at residensya.


Ibig sabihin, wala sa sirkulasyon ang multi-bilyong pisong kulimbat, bagkus ito ay nakaimbak sa malalaking silid imbes sa bangko, hindi kasi kasya sa ordinary vault.


----$$$--


SA tradisyon ng engrandeng kasalan sa Bulacan, ginagamit sa hapag-kainan ang isang napakahabang mesa na nagsisilbing “presidential table o center table” para sa mga ninong at ninang at maging sa ikakasal.


Ang tawag po riyan ay “MAHABANG-DULANG”.


-----$$$--


SA pagbibilang at pagpaparte-parte ng cold cash, hindi ordinaryong mesa ang ginamit ng mga enhinyero ng DPWH, bagkus ay isang “mahabang dulang”.


Ebidensya ito, hindi ito simpleng kasong plunder, bagkus ay isang economic sabotage.


----$$$--


KAPAG ang volume ng salapi ay itinago — kahit barya-barya lang, magbubunga ito ng “negatibo sa ekonomiya”.


Hindi kasi makakaikot sa merkado -- ang malaking volume ng aktuwal na cash.

Ang nararanasang pagdarahop ngayon ng mga ordinaryong Pinoy — ay posibleng bunga ng economic sabotage na dapat imbestigahan ng Bangko Sentral at NEDA.

-----$$$---


HINDI ibinabalik o inire-redeposit ang mga nakulimbat na bilyung-bilyong piso — na magbubunga ng “hindi sinasadyang krisis” sa ekonomiya.


Ang pagtatago ng bulto-bultong barya sa alkansiya — ay tuwirang nakakaapekto sirkulasyon ng salapi.


PAANO pa ang bilyong pisong nakalatag lamang sa “mahabang dulang” sa master bedroom ng mga modernong kawatan?


Umiiwas ang mga kolokoy na magdeposito sa bangko — para “hindi magkaroon ng money trail”.


Malinaw na malinaw ang modus-operandi ng mga talipandas!




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Ka Ambo @Bistado | September 29, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Natagpuang nakabulagta si Digong sa loob ng kanyang selda.

Isinugod sa ospital, pero walang ulat kung ano ang kanyang tunay na kondisyon.


----$$$--


MALINAW na wala sa maayos na pisikal na kondisyon at katinuan si Digong.

Iyan ay isang matibay na argumento sa kanyang petisyon sa paglaya — interim release man o dismissal sa kaso.


----$$$--


SAKALING makabalik si FPPRD sa Pilipinas, dagdag-gulo ito sa loob ng sosyedad.

Malaking sakit ng ulo ito ni PBBM.


----$$$--


KASABAY nito, nagkaroon na ng “military component” ang isyung flood control project kung saan lumutang ang isang ex-Marine sa pagdinig sa Senado.

Sa unang pagkakataon, dumikit na sa Malacanang ang “alingasngas” nang mabanggit ang Aguado Residence — isang pukol ng bato ang distansya mula sa bakod ng Palasyo.


----$$$--


TULAD sa giyera ng Russia at Ukraine, imbes na humupa — gumagrabe pa ang kalagayan.


Ganyan din ang isyu ng graft and corruption, imbes na mai-neutralize, lumalala ang sitwasyon.


Pinakahuli, ang pagtiwalag ni Baguio Mayor Benjamin Magalong mula sa independent commission kuno na ICI.


-----$$$--


Kung susuriin, tila may “misteryosong kamay” na kumukumpas sa mga pambihirang pangyayaring ito.


Kahit ang mga bida at kontrabida sa eksena ay namamangha at nagugulantang.


-----$$$--


MAY kutob tayo, may nag-aayos o may nakatoka nang senaryo.

Magkakasya na lang tayo sa panghuhula sa “ending” ng sitwasyon.

Kumbaga sa teleserye, nagko-contest ang mga manonood — kung ano ang “WAKAS”.


-----$$$--


LINGID sa kaalaman ng marami, lumalala na rin ng sitwasyon sa Middle East at nawawalan na ng poder ang United Nations.

Pinagdududahan na rin ang liderato ng US bilang tinitingala sa buong daigdig.


----$$$--


SA Pilipinas, walang choice ang ating Republika, kundi ang pumanig at makipagtulungan sa US.

Ang kaguluhan sa ibang bansa ay nasasabay sa dinaranas ngayon — PANGANIB ng ating Inang Bayan.

Iisa lang ang tanging solusyon: Magdasal tayo nang walang patid!



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page