top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 21, 2022



Matapos ilabas ng Miss Universe Philippines ang entries ng 49 kandidata para sa swimsuit challenge, ipinakilala na ng MUP ang top three nitong Linggo.


Wagi si Katrina Llegado ng Taguig City sa swimsuit challenge matapos magsuot ng gold one-piece swimsuit habang naka-pose sa Gondola ride sa Venice Grand Canal Mall.


Kabilang sa top three sina Makati City's Michelle Dee at Pasay City's Celeste Cortesi.


Ipinakita ni Dee ang kanyang perfect figure suot ang pink one-piece swimsuit habang si Cortesi ay naka-red two-piece swimsuit.


Matatandaang nirepresenta ni Llegado ang Pilipinas sa Reina Hispanoamerica 2019 kung saan siya ay tinanghal na fifth runner-up. Si Dee naman ay pasok sa Top 12 ng Miss World 2019 pageant.


Ayon sa Miss Universe Philippines, ang swimsuit challenge top three ay pinili base sa mga boto mula sa publiko sa pamamagitan ng Miss Universe Philippines app at ng judges.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 18, 2022



Nasungkit ng pambato ng Pilipinas na si Kathleen Paton ang korona sa 2022 Miss Eco International na ginanap sa Triumph Luxury Hotel sa Egypt ngayong March 18 (Manila Time).


Ito na ang ikalawang korona ng bansa matapos manalo ni Cynthia Thomalla noong 2018.


Nakapagtala rin ang Pilipinas ng back-to-back first runner-up finish sa mga pambatong sina Maureen Montagne at Kelly Day noong 2019 at 2021.


Walang pageant na ginanap noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.


Ang Miss Eco International ay ang ikalawang global beauty title ni Paton. Siya ay kinoronahan din bilang Miss Teen International noong 2017.


Pumasok si Paton sa Top 21 spot matapos matapos makuha ang Best in Eco Video award.


Itinanghal naman bilang 1st runner up si Miss Belgium kasunod sina Miss USA, Miss Spain, at Miss Malaysia.


Bilang 2022 Miss Eco International, si Paton ay bibigyan ng oportunidad na magsilbi bilang United Nations ambassador for the environment.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 17, 2022



Nabigo ang pambato ng Pilipinas na masungkit ang korona sa 70th Miss World na si Tracy Perez na ginanap sa Puerto Rico ngayong Huwebes (Manila time).


Umabot lamang sa Top 13 si Perez.


Ang mga kandidatong nakapasok sa Top 6 ay ang mga sumusunod:


• USA

• Poland

• Indonesia

• Mexico

• Norther Ireland

• Cote d'Ivoire


Hindi man nakaabot sa final stage ng kompetisyon, hindi maikakailang ipinamalas ni Tracy ang kanyang A game sa simula pa lamang.


Noong Disyembre, nakapasok siya sa Top 30 matapos magwagi sa Head-To-Head Challenge. Pasok din siya sa finalists ng Beauty With a Purpose round.


Ang Cebuana beauty queen ay nakipagtagisan ng husay at kagandahan sa 39 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo upang sana ay sungkitin ang ikalawang Miss World crown ng bansa.


Itinanghal na Miss World si Megan Young noong 2013.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page