top of page
Search

by News @Balitang Probinsiya | Sep. 23, 2024



Romblon -- Isang wanted na driver ang sumuko kamakalawa sa himpilan ng pulisya ng Odiongan sa lalawigang ito.


Dahil sumurender ay hindi na isinapubliko ng mga otoridad ang pangalan ng driver na naitala sa lalawigan bilang wanted.


Ayon sa ulat, nang malaman ng driver na may warrant of arrest siya tungkol sa kaso niyang reckless imprudence resulting to homicide ay agad itong nagpasyang sumuko sa mga otoridad.


Sinabi ng driver na kaya siya sumuko ay para harapin ang naisampang kaso sa kanya.

Nakapiit na ngayon ang driver sa himpilan ng pulisya.


NOTORYUS NA PUSHER, NASAKOTE


CAPIZ -- Isang notoryus na drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Baybay, Roxas City sa lalawigang ito.


Pansamantalang hindi pinangalanan ang suspek na nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na bayan habang iniimbestigahan pa ito ng mga otoridad.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng shabu ang suspek kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa naturang barangay na naging dahilan upang madakip ang drug pusher.


Nabatid na nakakumpiska ang mga otoridad ng mga pakete ng hinihinalang shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek. 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


RIDER DEDO, 3 SUGATAN SA AKSIDENTE


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang rider ang namatay at tatlong iba pa ang sugatan nang magkabanggaan ang isang motorsiklo at isang tricycle kamakalawa sa Brgy,. Poblacion, Bago City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang nasawi na si John Montano, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Busay sa nasabing lungsod, samantalang inaalam pa ang pangalan ng tatlong sugatang biktima na lulan ng isang tricycle.


Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng motorsiklo at tricycle kaya nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa nabanggit na lugar.


Dinala ng mga saksi ang apat na biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Montano.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.


BEBOT, NATAGPUANG PATAY SA LODGING HOUSE


CEBU -- Isang 18-anyos na dalaga ang natagpuang patay kamakalawa sa loob ng isang kuwarto ng lodging house sa Toledo City sa lalawigang ito.


Sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay itinago na lamang ang dalaga sa pangalang "Mae," residente sa nasabing lungsod.


Nabatid na mga kawani ng lodging house ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may busal ng tela sa bibig.


Sa pagsisiyasat ng pulisya, huli umanong nakitang buhay ang biktima na may kasamang isang lalaki habang papasok sa isang beach resort sa naturang lungsod.


Pinaghahanap na ng pulisya ang suspek at inaalam din ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

 
 
  • BULGAR
  • Sep 21, 2024

by News @Balitang Probinsiya | Sep. 21, 2024



Maguindanao Del Sur -- Isang kagawad ang namatay nang pagbabarilin ng isang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Brgy. Bongo, South Upi sa lalawigang ito.

Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Kagawad Elvin Noires, nasa hustong gulang at residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, dumalo si Noires sa kasalan sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang salarin. 

Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek. 



BAGITONG PUSHER, NASAKOTE


AKLAN -- Isang bagitong drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Brgy. Estancia, Kalibo sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jaymark Francisco, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga otoridad at nang pagbentahan sila ni Francisco ng shabu ay agad dinakip ng mga operatiba ang suspek.

Nabatid na nakakumpiska ang mga otoridad ng 50 sachet ng hinihinalang shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek. 


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



MAG-ASAWANG TULAK, HULI SA DRUG-BUST


ILOILO CITY -- Inaresto ng mga otoridad ang mag-asawang notoryus na drug pusher sa drug-bust operation ng mga operatiba kamakalawa sa Brgy. North Fundidor, Molo District sa lungsod na ito.


Hindi na muna pinangalanan ang mag-asawang suspek na kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lalawigan habang iniimbestigahan pa sila ng mga otoridad.


Napag-alaman na may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng shabu ang mag-asawa kaya agad silang nagsagawa ng drug-bust operation na naging dahilan upang madakip ang mga suspek.


Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga otoridad ng sampung gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mag-asawang suspek na kapwa nahahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



GINANG, PINATAY NG RIDING-IN-TANDEM


DAVAO DEL SUR -- Isang ginang na rider ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Sulop sa lalawigang ito.

Sa kahilingan ng kanyang pamilya ay hindi na isinapubliko ng mga otoridad ang pangalan ng biktima na residente sa nabanggit na barangay. 


Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo ang ginang nang biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay din sa isang motorsiklo at agad binaril sa mukha ang biktima.


Nang matiyak na patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang mga salarin.

Inaalam na ng mga otoridad ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

 
 

by News @Balitang Probinsiya | Sep. 19, 2024



Aklan — Apat na construction worker ang nahuli sa aktong nagnanakaw ng steel bar sa pinagtatrabahuhan nilang construction site kamakalawa sa Brgy. Bulwang, Numancia sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek na pawang nasa hustong gulang habang iniimbestigahan sila ng mga otoridad.


Ayon sa ulat, nahuli sa akto ng pulisya ang mga suspek habang inilalabas ang mga ninakaw nilang steel bar sa pinagtatrabahuhan nilang construction site sa nasabing lugar.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga otoridad.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong qualified theft laban sa mga suspek.

RIDER, TINODAS NG RIDING-IN-TANDEM


QUEZON -- Isang 42-anyos na rider ang namatay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Brgy. Kinatigan 2, Candelaria sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Henry Olazo, residente ng Brgy. Pahinga Sur sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo si Olazo nang biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay din sa isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang mga salarin. 

Inaalam na ng mga otoridad ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

2 NEGOSYANTE, SUGATAN SA HOLDAP


ILOILO -- Dalawang negosyante ang sugatan nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang holdaper kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Zarraga sa lalawigang ito.


Nakilala ang mga biktima na sina Noel Madera at Jake Susal, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, habang lulan ng tricycle sina Madera at Susal ay hinarang sila ng mga suspek na kapwa armado ng baril at pilit kinukuha ang bag na dala ng mga biktima.


Nabatid na nanlaban sina Madera at Susal kaya pinagbabaril sila ng mga suspek.

Ginagamot na sa ospital ang dalawang biktima, samantalang inaalam pa ang cash na nasa bag na natangay ng mga suspek.

PUSHER NA LOLO, HULI SA BUY-BUST


BACOLOD CITY -- Isang 60-anyos na lolong drug pusher ang nadakip sa buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Purok Masinulundon, Brgy. 23 sa lungsod na ito.


Ang suspek ay hindi na muna pinangalanan ng mga otoridad habang iniimbestigahan pa ito sa himpilan ng pulisya.


Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa drug-bust operation ng mga otoridad sa naturang lugar.


Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 125 gramo ng hinihinalang shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek. 


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page