top of page
Search

News @Balitang Probinsiya | June 29, 2024



QUEZON -- Isang 21-anyos na construction worker ang sugatan nang saksakin ng lalaking kanyang nakaalitan kamakalawa sa Brgy. Malabanban, Candelaria sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng saksak sa katawan ay nakilala sa pangalang “Rolly,” samantalang ang suspek ay nakilala sa pangalang “Cesar,” nasa hustong gulang, at kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina “Rolly” at “Cesar” na humantong para saksakin ng suspek ang biktima.


Agad dinala ng kanyang mga kamag-anak ang biktima sa ospital at kasalukuyang inoobserbahan, samantalang naaresto naman ng mga nagrespondeng pulisya ang suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder.



Bebot at 2 kelot, arestado sa drug-bust


ILOILO CITY -- Isang babae at dalawang lalaki  ang dinakip ng mga otoridad sa  drug-bust operation ng mga operatiba kamakalawa sa Brgy. Sooc sa lungsod na ito.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Vanessa Mirambel, John Rex Gallego at Sunny Vince Victoriano, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na lungsod. 


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga otoridad na nagbebenta ng shabu ang mga suspek kaya nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba na naging dahilan upang madakip ang tatlong pusher.


Nabatid na nakakumpiska ang mga otoridad ng 145 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



100 bahay, natupok


BACOLOD CITY – Nasa 100 bahay ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Purok Magtiayon, Brgy, 10 sa lungsod na ito.


Ang sunog ay nagmula sa tahanan ng hindi pinangalanang residente sa naturang lugar.


Ayon sa ulat, nakita na lamang ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa isang bahay at dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay nadamay 99 pang kabahayan.


Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi at halaga ng napinsala sa 100 tirahan na nasunog sa nabanggit na barangay.



Bagitong tulak, nasakote


ALBAY -- Isang bagitong drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Brgy. Tagoytoy, Malinao sa lalawigang ito.


Kinilala ng mga otoridad ang suspek sa alyas na “Antonio,” nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga otoridad at nang pagbentahan sila ni “Antonio” ng isang sachet ng shabu ay agad dinakip ng mga operatiba ang suspek.

Nabatid na nakakumpiska ang mga otoridad ng isang sachet ng hinihinalang shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek. 


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


 
 

News @Balitang Probinsiya | June 25, 2024




Aklan — Isang rider at backrider nito ang sugatan nang mabangga ng isang kotse kamakalawa sa Brgy. Laserna, Kalibo sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang dalawang biktima na kapwa nasa hustong gulang hangga’t hindi pa naipapabatid sa kanilang pamilya ang kinasangkutang aksidente sa nasabing lugar.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng kotse ang hindi pinangalanang driver kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng mga biktima.


Nabatid na sa lakas ng impact ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima na kapwa ginagamot na sa ospital.


Napag-alaman na sinampahan na ng mga otoridad ang driver ng kotse ng kasong reckless imprudence resulting to double physical injury and damage to property.



HVT, TIKLO SA DRUG-BUST


ILOILO -- Isang High Value-Target (HVT) sa droga ang dinakip ng mga otoridad sa drug-bust operation ng mga operatiba kamakalawa sa Brgy. Talusan, Dumangas sa lalawigang ito.


Nakilala ang suspek na si Richard Gojo, 59, at residente sa nabanggit na barangay. 


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga otoridad na nagbebenta ng shabu ang suspek kaya nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba na naging dahilan upang madakip ang pusher na napag-alamang kabilang sa HVT sa droga sa naturang bayan.


Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 105 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



KELOT, KINATAY NG KAPITBAHAY


BUTUAN CITY -- Isang binata ang pinagtataga hanggang mapatay ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa Purok 5-C, Brgy. Antongalon sa lungsod na ito. 


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng taga sa iba’t ibang parte ng katawan ay nakilalang si Pablo Roca, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo si Roca at ang suspek na si Maximo Ramirez hanggang kumuha ng itak at agad pinagtataga hanggang mapatay ng salarin ang biktima.


Agad namang nadakip ng mga nagrespondeng pulisya ang suspek. 


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong murder at illegal possession of deadly weapon.



SENGLOT, DEDBOL SA SUNOG


LAGUNA -- Isang lasing ang namatay sa naganap na sunog sa isang bodega kamakalawa sa Brgy. Cuyab, San Pedro City sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si John Eric Jolanco, 26, caretaker ng bodega sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nakita ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa bodega at mabilis na kumalat ang apoy kaya na-trap ang biktima.


Makalipas ang mahigit isang oras ay naapula ng mga nagrespondeng bumbero ang sunog sa bodega at natapuan ang bangkay ni Jolanco.


Sa pagsisiyasat ng mga otoridad ay napag-alaman na lasing si Jolanco nang magluto ng kakainin, pero nakatulugan ito at naging sanhi ng sunog na ikinamatay ng biktima.

 
 
  • BULGAR
  • Jun 23, 2024

News @Balitang Probinsiya | June 23, 2024


CAMARINES SUR - Isang notoryus na drug pusher ang dinakip ng mga otoridad sa drug-bust operation ng mga operatiba kamakalawa sa Brgy. San Jose, Talisay sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek na nasa hustong gulang, residente sa nasabing bayan habang iniimbestigahan pa ito ng mga otoridad.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng shabu ang suspek kaya nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba na naging dahilan upang madakip ang pusher.


Nabatid na nakakumpiska ang mga otoridad ng limang pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Lolong pusher, huli sa buy-bust


AKLAN - Isang 60-anyos na lolong drug pusher ang nadakip sa buy-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Tigayon, Kalibo sa lalawigang ito.


Ang naarestong suspek ay itinago muna sa alyas na “Nano,” habang siya ay iniimbestigahan ng pulisya.


Nabatid na nadakip ang suspek sa buy-bust operation ng mga otoridad sa nasabing lugar matapos na pagbentahan nito ng droga ang mga operatiba na nagpanggap na buyer.


Nakakumpiska ang pulisya ng 70 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Gunrunner na secue, nasakote


MAGUINDANAO DEL NORTE - Isang gunrunner na security guard ang nadakip ng pulisya sa buy-bust operation kamakalawa sa Cotabato City sa lalawigang ito.


Nakilala ang suspek na si Teng Camer, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, nang malaman ng pulisya na nagbebenta ng baril ang si Camer ay agad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga otoridad kaya nadakip ang suspek na nakumpiskahan ng isang assault rifle at mga bala.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga otoridad sa nabanggit na lugar.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



2 lola, patay sa bangga ng van


ILOILO - Dalawang lola ang namatay nang mabangga ng isang van kamakalawa sa Brgy. Sarapan, Passi City sa lalawigang ito.


Ang mga biktima ay kinilala ng pulisya na sina Marlyn Joplo, 60, at Marjie Yipes, 63, kapwa nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng van na minamaneho ni Ronaldo Faulve, nasa hustong gulang, kaya nabangga ang dalawang lola na nasa gilid ng kalsada.

Nabatid na sa lakas ng impact ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima na agad nilang ikinamatay.


Inihahanda na ng mga otoridad ang kasong reckless imprudence resulting to double homicide laban sa driver ng van.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page