top of page
Search

News @Balitang Probinsiya | August 2, 2024


ILOILO CITY -- Isang notoryus na drug pusher ang dinakip ng mga otoridad sa drug-bust operation ng mga operatiba kamakalawa sa Zone 3, Brgy. Boulevard, Molo District sa lungsod na ito.


Kinilala ang suspek na si Amador Florentino, hustong gulang, residente sa nasabing lungsod. 


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga otoridad na nagbebenta ng shabu ang suspek kaya nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba na naging dahilan upang madakip ang pusher.


Nabatid na nakakumpiska ang mga otoridad ng 50 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



82 bahay, natupok


BACOLOD CITY – Nasa 82 bahay ang tinupok ng apoy sa kamakalawa sa Purok Kagaykay, Brgy. 2 sa lungsod na ito.


Ang sunog ay nagmula sa tahanan ng hindi pinangalanang residente sa naturang lugar.

Ayon sa ulat, nakita ng mga residente na sumiklab ang sunog sa isang bahay at dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay nadamay ang 81 pang kabahayan.


Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi at halaga ng napinsala sa 82 tahanan na nasunog sa nabanggit na barangay.



Bagitong pusher, nasakote


CAMARINES SUR -- Isang bagitong drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Brgy. Triangulo, Naga City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na “Dugong,” nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng droga ang mga otoridad at nang pagbentahan sila ni “Dugong” ng shabu ay agad dinakip ng mga operatiba ang suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga otoridad ng limang sachet ng hinihinalang shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek. 


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Stepdaughter, ni-rape ng stepfather


CEBU -- Isang stepfather na gumahasa sa kanyang 14-taong gulang na stepdaughter ang naaresto ng mga otoridad kamakalawa sa bayan ng Talisay sa lalawigang ito.


Hindi na pinangalanan ng pulisya ang suspek upang maitago ang pagkakakilanlan ng biktima.


Nabatid na madalas umanong pagsamantalahan ng suspek ang biktima at dahil hindi na matiis ng dalagita ang panggagahasa sa kanya ay inireklamo na nito sa mga otoridad ang kanyang stepfather.


Agad na rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek. 

Hindi naman nanlaban ang suspek na nahaharap sa kasong statutory rape.



 
 
  • BULGAR
  • Aug 1, 2024

News @Balitang Probinsiya | August 1, 2024


PALAWAN -- Isang gusali ang nasunog kamakalawa sa Malvar Street, Brgy. San Miguel, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ng mga otoridad ang nagmamay-ari ng nasunog na gusali. 

Ayon sa ulat, nakita ng mga saksi na biglang sumiklab ang sunog sa naturang gusali na may tatlong palapag.


Nabatid na mahigit isang oras ang lumipas bago naapula ng mga bumbero ang apoy.

Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente habang iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog sa gusali.



HVT sa droga, timbog


ALBAY -- Isang High Value-Target (HVT) sa droga ang dinakip ng mga otoridad sa buy-bust operation ng mga operatiba kamakalawa sa Brgy. Rawis, Legazpi City sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya sa alyas na “Franz” nasa hustong gulang at residente ng Laguna.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga otoridad na nagbebenta ng shabu ang suspek kaya nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba na naging dahilan upang madakip ang pusher na napag-alamang kabilang sa HVT sa droga sa naturang lungsod.


Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 55 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Laborer, pinatay ng pamangkin


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang laborer ang napatay nang saksakin ng kanyang pamangkin kamakalawa sa Brgy. Mambaroto, Sipalay City sa lalawigang ito,

Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Jolito Mahilum, 54, samantalang hindi na muna pinangalanan ang pamangkin nitong suspek, kapwa nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang magtiyuhin hanggang saksakin ng suspek ang biktima.


Agad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival. 


Nahaharap ang suspek sa kasong murder.



Wanted na killer nasakote


BULACAN -- Isang wanted na killer ang naaresto sa police checkpoint kamakalawa sa Brgy. Bagong Nayon, Baliuag sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si Orly Pamplona, nasa hustong gulang, residente ng San Ildefonso sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, napadaan si Pamplona na lulan ng kanyang motorsiklo sa police checkpoint, pero bigla umano itong tumakbo at iniwan ang kanyang sasakyan.


Dahil dito, hinabol siya ng mga awtoridad at nang mahuli ay nakumpiskahan ito ng isang baril at mga bala.


Nang alamin ang pagkatao ng suspek ay napag-alaman na may kaso itong murder sa lalawigan.


 
 
  • BULGAR
  • Jul 24, 2024

News @Balitang Probinsiya | July 24, 2024



Quezon — Isang vendor ang sugatan nang barilin ng isang hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Brgy. Guis-Guis Talon, Sariaya sa lalawigang ito.


Hindi na muna isinapubliko ng pulisya ang pangalan ng biktimang nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga otoridad.


Ayon sa ulat, habang naglalakad ang biktima ay biglang sumulpot ang suspek at binaril sa likod ang nasabing vendor.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyan inoobserbahan.

Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



LIVE-IN PARTNER NA TULAK NASAKOTE


CAMARINES NORTE -- Inaresto ng mga otoridad ang mag-live-in partner na notoryus na drug pusher sa drug-bust operation ng mga operatiba kamakalawa sa Brgy. Bactas, Basud sa lalawigang ito.


Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya sa mga alyas na “Ryan” at “Loisa,” kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing bayan.


Napag-alaman na may tinanggap na impormasyon ang mga otoridad na nagbebenta ng shabu ang magka-live-in kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation ang mga otoridad na naging dahilan upang madakip ang mga suspek.


Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga otoridad ng isang pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mag-live-in na suspek na kapwa nahahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



WANTED NA RAPIST, HULI SA HIDEOUT


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang wanted na rapist ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. Celestino Villacin, Cadiz City sa lalawigang ito. 

Hindi na muna pinangalanan ang suspek na edad 39, habang iniimbestigahan ito ng mga otoridad. 


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 5-counts ng kasong rape sa lalawigan.


Nabatid na nakita ng mga operatiba ang suspek sa nasabing lugar kaya agad itong inaresto.


Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



LASING NA RIDER, SUMEMPLANG


AKLAN -- Isang lasing na rider ang sugatan nang sumemplang ang kinalululanan niyang motorsiklo kamakalawa sa Brgy. Laguinbanwa East, Numancia sa lalawigang ito.


Sa kahilingan ng kanyang pamilya ay hindi na isinapubliko ng mga otoridad ang pangalan ng biktima na residente sa naturang bayan.


Batay sa imbestigasyon, dahil sa kalasingan ay nawalan umano ng kontrol ang rider sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya ito sumemplang.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng malaking sugat sa ulo at katawan ang biktima.

Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital habang kasalukuyang inoobserbahan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page